Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Panalangin

q
Kulturang Pilipino
maipaliwanag ang pagkakaiba
01 ng wikang pambansa , opisyal
na wika at wikang panturo.
Kasanayang
Pampagkatuto matukoy ang mga kahulugan at
02 kabuluhan ng mga konseptong
pangwika;
Maiugnay ang mga konseptong
03 pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw at mga karanasan.
ARALIN
5-6

::
Mga Konseptong Pangwika
Wikang Pambansa,
Opisyal na Wika at
Wikang Panturo
KAPANGYARIHAN
NG
wika
Hindi lamang ito nagsisilbing
Ang wika ang
paraan upang magkaunawaan ang
puwersang mga tao sa isang bayan,
nagbibigkis sa magkakaiba man sila ng lahi,
mamamayan ng kasarian, gulang, relihiyon,
isang bansa.
edukasyon o propesyon, nagsisilbi
rin itong pangkalahatang
pagkakakilanlan ng mamamayan
dahil ang wika nga ang impukan-
hanguan at daluyan ng
kultura (Salazar, 1996).
Wikang pambansa
• Ito ang wikang sama-samang itinaguyod ng mamamayan
sa isang bansa para magsilbing simbolo ng kanilang
pagkakakilanlan. Hindi lamang ito kinikilala ng
mamamayan; dinarama o isinasapuso rin nila ito kaya ang
wikang pambansa ang gamit sa mga okasyong nadarama
ng mamamayan ang kanilang pagkamamamayan, gaya ng
pag-awit ng pambansang awit o panunumpa ng katapatan
sa watawat.
Saligang Batas ng
1935Komonwelt Blg.
Batas
184 Kautusang
Saligang Batas ng
1973
Tagapagpaganap Blg. 134

Tagalo
Pilipino Filipino
g

Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7, s.
1959
Wikang
FILIPINO
::

Pambansa
Isinasaad sa probisyong pangwika ng Artikulo
XIV, Seksiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987
ang sumusunod:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
Mas mainam kaya kung manatiling puro o
walang halo ang wikang Pambansa o sang-
ayon kang tumanggap ito ng ambag mula
sa ibang mga wika?
Wikang OPISYAL

• Ang wikang itinalaga ng tiyak na institusyon


para maging wika ng opisyal na
pakikipagtalastasan o pakikipagtransaksiyon
dito. Halimbawa, kung ingles ang opisyal na
wika ng isang gobyerno, kapag nagpulong ang
gabinete nito, ingles ang dapat gamitin.
Panahon ng mga Amerikano
- Ingles ang ating naging wikang opisyal
- Mayroong tatlong namamayaning wika noon;
tagalog,ingles at espanyol.
- (Artikulo XIII, Seksiyon 3 ng Saligang Batas
ng 1935)
*Hangga’t walang ibang itinatadhana ang
batas, ang Ingles at Espanyol ay patuloy na mga
opisyal na wika.
::Wikang
FILIPINO
OPISYAL
At
ingles
Paano kaya matitiyak ang
pantay na paggamit sa Ingles
at Filipino bilang mga opisyal
na wika ng bansa? Ano-anong
mga hakbang ang dapat
isulong ng pamahalaan upang
makamit ito?
Ang Filipino ay hindi lamang
wikang ginagamit sa araw-
araw dahil ito rin ay
intelektuwalisadong wika na
ginagamit sa iba’t ibang
larangan.
mahalaga naman ang Ingles sa
komunikasyong pandaigdig at
sa estandardisasyon ng mga
lokal na diskurso sa anyong
mauunawaan kahit ng mga
hindi Pilipino.
Ayon sa Artikulo XIV, Seksiyon 7 ng
Saligang Batas ng 1987:
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, ang mga opisyal na wika ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang
itinatadhana ng batas, Ingles.
Bakit may mga nangungutya sa Filipino
bilang opisyal na wika at iniisip na wika
lamang ito na dapat gamitin sa pakikipag-
usap sa karaniwang mga tao?

Paano mapatataas ang prestihiyo ng


Filipino bilang wikang opisyal?
Wikang panturo

• Ang opisyal na wikang gamit sa klase. Ito ang


wika ng talakayang guro-estudyante. Malaki ang
kinalaman ng wikang panturo sa mabisang
pagkatuto dahil ito ang naglalaman ng kaalamang
matututuhan sa klase. Kapag may depekto ang
wikang panturo, magkakaroon din ng problema sa
pagtatamo ng kaalaman.
•Panahon ng mga Amerikano:
- (monolingguwal o iisang wika) ingles ang
naging wikang panturo ayon kay Almario (2014)
•Panahon ng Komonwelt:
- Kautusang tagapagpaganap blg. 263 na nagtatakda ng
pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng publiko at
pribadong paaralan sa bansa. Nakabatay sa TAGALOG.
Panahon ng Hapones:
- Mas naging maigting ang paggamit sa wikang
Pambansa noong panahon ng mga Hapones dahil
nagsilbi itong wikang opisyal at wikang panturo
dahil na rin sa naisin ng mga mananakop na maialis
sa ating isipan ang impluwensiya ng mga
Kanluranin.
Mayroong mga pag-aaral na
nagpapakita na mas natututo at
nauunawaan ng mga mag-aaral ang
itinuturo ng guro sa paaralan kung
unang wika o wikang pambansa ang
ginagamit sa pagpapaliwanag ng mga
konsepto ng bawat aralin.
• Bilingual Education
- Filipino at Ingles

• (Mas pinalawig ang paggamit ng Ingles


)

• Unang Wika (Mga katutubong Wika)


• Wikang Pambansa (Filipino)
MTB- • Dayuhang wika (Ingles)
MLE
Dapat pa kayang pormal na pag-aralan ang
wikang pambansa bilang isang hiwalay na
asignatura gayong lagi naman itong gamit
sa komunikasyon? Bakit?

You might also like