Panitikan: Alamat Mula sa Mindanao (Palendag) Balik-tanaw: Ano ang ibig sabihin ng Alamat?
Ang Alamat ay isang uri ng panitikang
tuluyan na nagsasalaysay sa mga pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan. Alam niyo ba? Karaniwang nagkukuwento ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay nito ang mga mito at kuwentong-bayan. Hinggil sa mga kuwento ng mga bayani, kalimitang may ginaganapang importanteng tungkulin at bahagi ang mga diyos, at iba pang mga itinuturing na banal na mga nilalang. Alam niyo ba? Maaari ring anak o ampon ng isang diyos ang isang bayaning pang- alamat, na kalimiting may namanang mga katangian mula sa isang magulang, karaniwang mula sa ama. Ang salitang alamat sa Ingles ay legend. Ang katawagang ito ay nagmula sa salitang Latin na legendus, na ang kahulugan ay “upang mabasa”. Ang Alamat ng Palendag (Alamat mula sa Mindanao) Salin ni Elvira B. Estravo Alam Mo Ba?
Ang Palendag ay isang instrumentong pangmusika ng mga taga-
Maguindanao. Ito’y galing sa salitang Maguindanaoan na lendag, na nangangahulugang “paghikbi”. Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ng mga katutubo. Ito’y may habang dalawa hanggang tatlong talampakan, may tigdalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan. Tinutugtog ito na gaya ng plauta. Alam Mo Ba?
Karaniwang tinugtog ito ng isang nabigong mangingibig
upang aliwin ang sarili. Nabibigyang-kahulugan ng isang mahusay na tumutog sa palendag ang iba’t ibang damdamin at nakalilikha ng isang maganda at makaantig- damdaming musika. ALAMAT NG PALENDAG
Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa kanilang
pook. Nagkakaisa ang kanilang damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong Maguindanao ang pagliligawan, ang kanilang pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito. Isang araw, tinawag ng datu ang binate. Bilang isang kawal ng Sultan, binigyan siya ng misyon sa isang malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis ang binate. Nalungkot ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki. Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang susulat nang madalas. ALAMAT NG PALENDAG
Sa unang ilang lingo, panay ang dating ng sulat na punong-puno ng
pagmamahal at pag-aalaala. Pagkatapos ng ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala. Isang araw, nabalitaan nniya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binate ay ikinasal sa ibang babae sa lugar ng kanyang misyon. Lubhang nasaktan ang dalaga. Upang maitago sa mga magulang ang kalungkutan, maraming oras ang ginugugol niya sa kanyang habihan. ALAMAT NG PALENDAG Parati siyang umiiyak ng tahimik. Ang kanyang luha’y laging pumapatak sa kapirasong kawayang ginagamit niya sa paghahabi. Nagkabutas ang kawayan dahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga. Isang araw, sa di sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang matamis subalit malungkot na tunog. Mula noon, inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumenting pangmusika. -Wakas! Ano ang aral na iyong napulot sa alamat?
Maging tapat sa iyong mahal sa buhay o maging kahit na sino man,
maging sa iyong mga magulang, kapatid, kaibigan, at sa kapwa mo. Kung marami mang mga pagsubok na dumating sa iyong buhay ay huwag kaagad susuko manatiling maging metatag ay may pananalig sa ating Poong Maykapal. WIKA: Pangsang- ayon, Pagsalungat, at Paninindigan Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon, pagsalungat, at paninindigan, kinakailangan ang malawak na kaalaman ukol sa isyu. Dapat magkaroon ng sapat ng batayan para makapagpahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Sa pagbibigay ng desisyon, makabubuting pag-aralan o pag-isipan muna ito nang mabuti. Mga Pahayag na nagsasaad ng pagsang- ayon
Oo, Sige, Payag ako, Sama
ko riyan, Tama iyan Halimbawa:
1. Ako ay sumasang-ayon sa kanyang
binabalak. 2. Sige, pupunta ako mamayang gabi. Mga Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat
Ayoko, Hindi, Di ako
papaya diyan, Huwag Halimbawa:
1. Di ako sumasang-ayon sa kanyang mga
plano. 2. Hindi ako makapupunta mamayang gabi. Paninindigan Ang panindigan ay isang prinsipyo na dapat taglayin ng bawat tao. Nagpapakita ito ng tatag ng damdamin sapagkat pinaniniwalaan ng isang tao kung ano ang tama. Kapag siya ay may paninindigan ito ay nasa matuwid na landas dahil gusto niyang tama at naaayon sa batas ng tao at mata ng Diyos ang kanyang gagawin. Mga Katanungan? Hanggang sa Muli… Paalam!