Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 51

Aralin 4: Tula

(Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa)
Inihanda ni: G. Fernald C. Secarro, LPT
Kaligirang
Pangkasaysayan ng
Tula
Tula
Ang Tula o Panulaan ay isang uri ng sining at
panitikan na kilala sa paggamit ng wika sa iba’t
ibang estilo o anyo.
Ito ay naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Binubuo ito ng mga taludtod
at saknong.
Sinaunang Panahon o Pre-Spanish Era
Ayon sa pananaliksik, ang matandang panulaan ng
Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang
kultura ng Timog Silangang Asya.
Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol
sa mga gawaing maka-Diyos, tahanan, bukid,
dagat, kaligayahan, kasaganaan, at iba pa.
Sinaunang Panahon o Pre-Spanish Era
Masasabing likas na mga makata ang ating mga
ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng
okasyon ng kanilang buhay.
Patula kung bigkasin nila ang mga bugtong, ang
mga salawikain, at maging mga kasabihan.
Sinaunang Panahon o Pre-Spanish Era
Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos
ang siyang kauna-unahang katutubong tula.
Ito’y ang paghahanay ng mga piling salita na
nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa
pamamagitan ng paghuhula.
Sinaunang Panahon o Pre-Spanish Era
Ang salawikain at mga kawikaan ay mga
patula rin. Naglalaman ito ng mga
paniniwalang panlipunan, pilosopiya, at mga
minanang kapaniwalaan.
Panahon ng Español
Nang matuto ang mga misyoneryong Espanyol ng
wikang Tagalog, una nilang pinagtutuunan ng pansin
ang pagsusuri ng mga panitikang naisulat ng ating mga
ninuno.
Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay
makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
Panahon ng Español
Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at
bumigkas ng tugma. Nahilig din silang umawit kaya
ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga
gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na
awitin.
Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng
pagbabagong-bihis.
Panahon ng Español
Ang mga sinulat na tula ng mga prayleng misyonero
ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga
ito ay nadagdagan ng mga taludtod; nagsimula sa
dalawang taludtod hanggang sa umabot ng lilimahing
taludtod.
Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula
kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang
panahong ito.
Panahon ng Español
Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa
baybayin ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong
Romano.
Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga
tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang
Tagalog ang ilang mga salitang Espanyol.
Panahon ng Español
Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa
layuning huwag maipagkamali ng mga
mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at
pangkagandahang-asal.
Panahon ng Hapones
Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Hapones noong
1941 hanggang 1945.
Nabalam ang pag-unlad ng panitikang Pilipino sa
kadahilanang ipinasara ng mga Hapones ang mga
pahayagan kaya’t pansamantalang nahinto ang mga
manunulat lalo pa’t ang lingguhang magasin na
Liwayway ay nalagay sa mahigpit na pagmamatyag.
Panahon ng Hapones
Ang Pilipinas ay sinakop ng mga Hapones noong
1941 hanggang 1945.
Nabalam ang pag-unlad ng panitikang Pilipino sa
kadahilanang ipinasara ng mga Hapones ang mga
pahayagan kaya’t pansamantalang nahinto ang mga
manunulat lalo pa’t ang lingguhang magasin na
Liwayway ay nalagay sa mahigpit na pagmamatyag.
Panahon ng Hapones
Ipinagbawal ang mga pahayagan at magasin kaya’t
ang mga manunulat sa English ay gumawa ng akda sa
Tagalog.
Marami rin ang nagsalin ng mga akdang English sa
wikang Tagalog.
Panahon ng Hapones
Kapansin-pansin sa mga akda ang paksaing tulad ng
pag-ibig sa bayan, kagandahan ng buhay sa
lalawigan, relasyon ng mga magulang sa anak, at
ang pagmamahal sa kapwa.
Sinasabing ang paksa ng iba’t ibang sangay ng
panitikan ay Pilipinong-Pilipino sa diwa at sa buhay.
Binibigyang diin ang katutubong kulay.
Panahon ng Hapones
May pumapaksa rin sa pamumuhay na dinaranas
ng mga tao sa lungsod: ang kasalatan ng pagkain,
damit, hanapbuhay, paglalakbay, at pakikisama sa
kapwa.
 Tumpak na tawaging Panahon ng Pamumulaklak
ng Panitikang Tagalog ang panahon ng Hapones.
Panahon ng Hapones
Isang sangay ng panitikang Pilipino na naaapektuhan
ng kahirapan ng papel noong panahon ng Hapones ang
tula.
 Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong
ito ang napakaiksing tulang tinawag na haiku, isang
tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa
tatlong taludtod.
Panahon ng Hapones
Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang
ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang
ikatlong taludtod ay may limang pantig tulad ng unang
taludtod (5, 7, 5).
Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay ang Tanaga o
Tanka na binubuo ng apat na taludtod na may pitong
pantig ang bawat isang taludtod (7, 7, 7, 7).
Tula (Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa)
Ni: Andres Bonifacio
Andres Bonifacio
Andres Bonifacio
 Si Andres Bonifacio ay ang “Ama ng Himagsikan” at isa sa mga
tagapagtatag ng lihim na samahan, ang Kataastaasan, Kagalang-
galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).
Mas kilala sa tawag na Katipunan, ang lihim na samahan upang
palayain ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Espanyol.ay
itinatag
Tula (Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa)
Ni: Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip


at isa-isahing talastasang pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid
Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbi’t taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.
 
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din nila’y isinisiwalat.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
Bakit? Ano itong sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pagkasi
na sa lalong mahal nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbigay-init sa lunong katawan.
 
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
ng simoy ng hanging nagbigay-lunas,
sa inis na puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga


na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sasa ala-ala
ang ina’t ang giliw lampas sa saya.
Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
na nakaaliw sa pusong may lungkot.
 
Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y lagging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan
wari ay masarap kung dahil sa Bayan
at lalong maghirap, O! himalang bagay,
lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang baying ito’y nasa panganib


at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.
 
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kalooban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?
Saan magbubuhat ang paghihinay
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring ibang kasasakdalan
kundi ang lugami sa kaalipinan?
 
Kung ang pagkabaon niya’t pagkabusabos
Sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
Supil ng panghampas tanikalang gapos
At luha na lamang ang pinaaagos
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagkasukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap


ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanood.

Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay


sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.
Kayong antayan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa baying piniit.
 
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Kayong mga pusong kusang inuusal
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon magbango’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban

Kayong mga dukhang walang tanging sikap


kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusing itigis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.
 
 
-Wakas!
Magbigay ng isang aral na
napulot mula sa Tula ni
Andres Bonifacio
Aralin 4: Wika (Eupemistikong
Pahayag o Badyang Pampalubag-loob)

Inihanda ni: G. Fernald C. Secarro, LPT


Ipaliwanag ang kasabihang ito…

“Masamang ugali ay
alisin, kagandahang-asal
ay isipin”
Eupemistikong Pahayag o Badyang
Pampalubag-loob
Ang pagpapalit ng salitang magandang pakinggan
kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar, o
malaswa na tuwirang nakapananakit ng damdami o
hindi maganda sa pandinig.
Ito rin ay pagpapalumanay sa mga palasak o
negatibong pahayag.
Pagpapaganda ng Pahayag
Batay sa obserbasyon, ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na
mapagpahalaga sa uri ng wika na ginamit. Pansinin ang
sumusunod na impormasyon:
Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa:
Paksa ng usapan
Taong sangkot sa usapan
Lugar
Pagpapaganda ng Pahayag
Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na
nagpapahiwatig lamang.
Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais
ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang
nagsasalita at kinakausap.
Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na
kilala sa tawag na eupemismo.
Pagpapaganda ng Pahayag
 Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang
damdamin ng iba.
Sa halip na sabihing: Gumagamit ng:
Patay sumakabilang buhay
Nadudumi tawag ng kalikasan
Iniwan ng asawa sumakabilang bahay
Katulong kasambahay
Nalasing nasagasaan ng bote
Ang pagsasalita ay isa sa mga likas na gawain
ng tao.
Naipakikilala mo ang iyong sarili sa
pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit.
Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng
iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang
pahayag.
Mga Katanungan?
Paalam sa Lahat!
Hanggang sa Muli.

You might also like