Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MGA KAILANGAN SA

EPEKTIBONG PAGSULAT
Ang komunikasyong pasulat ay higit na maselan sapagkat ito ay hindi
maaaring bawiin pa pagkatapos na maisulat. Ang pasulat na komunikasyon
ay pakikipagpalitan ng ideya o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat .
Halimbawa ay liham, kalatas, pahayagan at iba pang uri ng sinusulat.
1. KALINAWAN
• A. Gawing tiyak at madaling maunawaan ang
gagamiting salita.
• Tuwirang isulat ang kaisipan.
• Tiyak at tamang detalye lamang ang isulat
• Higit sa lahat gumamit ng tama at maayos na
pangungusap dahil sa maling pangungusap ay
maghahatid ng maling kaisipan
2.KAISAHAN
• Ang mga salita sa pangungusap ay dapat na magkakaugnay,
(pangatnig) gayundin ang mga ideya sa loob ng pahayag
3. KAIKLIAN
- iklian ng paglalahad ng impormasyon
- mahahalagang datos at may kaugnayan sa paksang tinatalakay
lamang ang nararapat isama
4. KAWASTUAN
- tiyaking tunay ang mga detalye at impormasyon sapagkat mahirap
nang baguhin ang naisulat na
MGA PARAAN SA ISANG MAHUSAY NA
PAGSULAT
1. GAWING KAWILI – WILI ANG PAGSUSULAT
• Kapag nasa puso ang pagsulat, ang magiging bunga nito ay kawili-wili. Huwag mahiyang
ipabasa ang iyong isinulat.

2. SUMULAT NANG SUMULAT


- kailangang may konsentrasyon ka sa pagsusulat. Ang paksa ay kailangang
alam na lam mo.

3. IBAHAGI ANG MGA MAHUHUSAY NA NAISULAT NA


- maging handa sa pagsusuri o komento ng mga bumasa sa iyong sinulat
Sa gagawing pagsusulat,dapat bigyang pansin ang mga
sumusunod:
1. may malinaw na layunin sa paglalahad
- Ano ang nais ibahagi sa mambabasa?
2. Ang nais na tugon ng mambabasa ay dapat maliwanag na
maipahayag
- pagkata[os maipabasa ang isang pasulat na pagpapahayag, ano ang
mga inaasahang tugon ng mambabasa , Kung mayroon – Mabuti, kung
wala, ano na?
3. Maging magalang sa mambabasa
- sikaping manatili ang kredibilidad ng manunulat . Iwasang
magkamali sa pagsulat dahil ito ay hindi na maaaring palitan pa
4. Mahalaga sa lahat, gamitin ang pinakaangkop na paraan ng
pagpapahatid ng impormasyon

You might also like