Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PANG-ABAY

Pang-Abay
 Ay nag bibigay-
turing sa pandiwa,
pang-uri, o sa iba
pang pang-abay.
Uri ng Pang-Abay
 Kataga o Ingklitik- Ito ay mga
katagang laging sumusunod sa unang
salita ng kayariang kinabibilangan.

Mga Halimbawa: Ba, kasi, kaya, na,


sana,naman, yata, pala, nga, pa, at
iba pa.
 Pamanahon- Nagsasaad kung kailan
naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na taglay ng pandiwa.

Mga Halimbawa: Nang, noong, tuwing,


buhat, kahapon, bukas, mamaya at iba
pa.
 Panlunan- Tumutukoy sa pook na
pinangyarihan, pinangayarihan, o
pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.

Mga Halimbawa: Sa paaralan, sa silid –


aralan, sa ilalim ng dagat.

Ang aking mga ginawa sa paaralan ay


hindi ko malilimutan.
 Pamaraan- Nag lalarawan kung paano
naganap, nagaganap, o magaganap
ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Mga Halimbawa: Nang malungot, nang


mahigpit

Nagyakap nang mahigpit ang mag


kakaibigan bago maghiwa-hiwalay.
 Pang-agam- Tawag sa mga pang-abay
na walang katiyakan sa pagganap sa
kilos ng pandiwa.

Mga Halimbawa: Marahil, tila, wari, baka


at iba pa.

Tila mahihirapang maghiwalay ang mag


kakaibigan pagkatapos ng graduation.
 Kundisyunal- Nag sasaad ng kundisyon
para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ito ay mga parirala o sugnay na
pinangungunahan ng kung, kapag, at
pagka.

Halimbawa:
Kung mag tatawagan ang mag kaklase ay
madurugtungan ang kanilang magandang
pagtitinginan.
 Pang-ayon- Nag sasaad ng pag sang-
ayon. Ang ilang halimbawa nito ay oo,
opo, tunay, talaga at iba pa.

Halimbawa:

Tunay na masaya ang buhay sa


hayskul.
 Pananggi- Nag sasaad ng pagtanggi,
tulad ng hindi at ayaw.

Halimbawa:

Marami pa sa kanila ang ayaw


humiwalay sa pangkat kahit gabi na.
 Panggaano o pampanukat- Mga pang-
abay ng nag sasaad ng sukat o timbang,
gaya ng dalawang metro, limang
pulgada at iba pa.

Halimbawa:

Bumaba ang timbang niya ng dalawang


libra.
 Kusatibo- Mga pang-abay na nagsasaad
ng dahilan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa. Binubuo ito ng parirala o
sugnay na pinangungunahan ng “dahil
sa”.

Halimbawa:

Dahil sa kaiisip sa suliranin ay nahulog


ang katawan ng matanda.
 Benepaktibo- Mga pang- abay na
nagsasaad ng benepisyo para sa isang
tao dahil sa pagkaganap sa kilos ng
pandiwa.

Halimbawa:

Nag-iipon ang mag-aaral para sa


kanyang pag-aaral.

You might also like