Alamat Ni Ma - Makiling

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Alamat ni Maria

Makiling
Sa lalawigan ng Laguna, naniniwala
ang mga tao na sa bundok ng Makiling
ay naninirahan ang isang magandang
diwatang nag ngangalang Mariang
Makiling.
Ayon sa kwento  ng mga matatanda,
ang Laguna ay pinamumunuan ng
dalawang bathala, sina Dayang
Makiling at Gat Panahon.
Ang mga bathalang ito raw ay
mayroong magandang anak na
dalaga na pinangalanan nilang
Mariang Makiling. Dahil sa
kanyang angking kagandahan at
kabaitan, si Maria ay siyang
tanging lakas at ligaya ng
kanyang mga magulang.
Nang pumanaw ang
kanyang mga magulang,
kay Mariang Makiling
naiwan ang pamumuno
ng nasabing lalawigan.
Kaiba sa mga naunang mga bathala, si
Mariang Makiling ay nagpapakita sa
kanyang mga nasasakupan. Tuwing
umaga ng tiyangge, bumababa siya sa
bundok Makiling at nakikihalu-bilo sa
mga taumbayan. Kasama ng dalawang
katulong na mga katutubo, namimili
sila ng mga kagamitan at ang
ipinamamalit ay mga gintong piraso ng
luya.
Totoong napakabuti niya sa mga
mamamayan doon. Ang bundok na
kanyang tinatahanan, na sagana
sa mga gulay at bungang-kahoy
ay bukas para sa ibig mamitas
doon. Pati na ang mga ibon at
hayop sa gubat ay siyang paraiso
ng mga mangangaso.
Handa rin siyang tumulong
sa mga nangangailangan.
Tulad ng kanyang ina,
namumudmod siya ng mga
ginintuang luya sa bakuran
ng mga taong nasa gipit na
kalagayan.
Sa mga ikakasal, nagpapahiram
siya o nagbibigay ng mga bagay
na hindi nila makayang bilhin,
tulad ng mga malasutlang damit
pangkasal o mga kasangkapan
para sa kasalan. Anupat
napakabait ni Mariang Makiling
sa kanyang mga nasasakupan.
Subalit dumating ang
panahong ang mga tao ay
waring nalimot na ang
mga kabutihang
ipinagkaloob sa kanila ni
Mariang Makiling.
Karamihan sa kanilay di man
lamang marunong tumanaw ng
utang na loob. Walang
patumangga nilang inabuso ang
kagubatan ng bundok Makiling
sa pagkakaingin at sa pagpatay
ng walang habas sa mga ibon at
hayop na naninirahan doon.
Dahil dito, nagalit si
Mariang Makiling at
pinagbawalan na ang
taong mangaso o mamitas
ng mga gulay at prutas sa
naturang bundok.
Sa anumang pagkakamali o
pagsuway sa kanyang mga
utos, pinadidilim niya ang
kalangitan kaalinsabay ng
dumaragundong na kulog at
matatalim na kidlat at
nagaalimpuyong bagyo.
At higit sa lahat, hindi na siya bumaba
ng bundok Makiling para makisalamuha
sa mga mamamayan doon.

Sa ngayon, ang tanging matatamis na


alaala na lamang ng panahong si Mariang
Makiling ay nagpapakita sa tao ang
naiwan sa mga taumbayan ng Laguna.
Subalit may ilan pa rin ang
nagsasabing, kapag kabilugan ng
buwan, makikita raw ang isang
napakagandang babaing may mahabat
maitim na buhok at matamis na
umaawit sa madawag na kagubatan ng
bundok Makiling.
Akda and kwento ni: Jose P. Santos

You might also like