Presentation in Filipino 1

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ISTRUKTURA AT

KALIKASAN NG WIKANG
FILIPINO

ARALIN 11
FONIM
Ang Impit / / o Glottal Stop

➜ Ang impit na tunog o glotal ay tinuturing na


isang ponemang katinig sa Filipino bagama’t
hindi ito pinapakita sa ortograpiya ng ating
wika.

➜ Ibinibilang na isang katinig ang impit.

➜ Hal:
/salapi/ /mukha/
/budhi/ /matanda/
Kambal-Katinig o Klaster
➜ Tinatawag na kambal-katinig (consonant cluster)
ang dalwang magkasunod na katinig sa iisang
pantig na kapwa binibigkas.

➜ Karaniwang makikita ang kambal-katinig sa mga


salitang-hiram o banyag na naging bahagi na ng
ating wika.

➜ Matatagpuan ang kambal katinig sa unahan, gitna


at hulihan ng salita.
Kambal-Katinig sa Unahan ng Salita

Halimbawa:

blusa bwaya drama pwede


plano kwarto tyempo tsokolate

Kambal-Katinig sa Loob ng Salita

Halimbawa:

sumbrero kutsilyo atraso


pilantropo kongreso kutsara

Kambal-Katinig sa Hulihan ng Salita

Halimbawa:

klerk kard
indeks nars
Ang Digrap /ng/

➜ Ang digrap ay dalwang magkasunod na


katinig ang ng o /ng/: ngunit iisang lamang
ang bigkas kaya iisa lamang ang simbolo nito
sa transkipsyong fonim na /ng/

➜ Maaaring nasa unahan, gitna at hulihan ng


salita ang ng.
Mga Halimbawa:

Unahan Gitna Hulihan

ng-iti pa-ng-anib ginili-ng


ng-uso pa-ng-itain bulangla-ng
ng-alan la-ng-oy sumbo-ng
Ang mga Pares Minimal
➜ Ito ay pares ng salitang magkatulad ang bigkas
maliban sa isang fonim na siyang pinagkaiba ng
kanilang kahulugan.

➜ Ginagamit ito upang maipakita ang mga


pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig
ngunit magkaiba ng fonim.

Mga Halimbawa:
iba-ipa kulay-gulay pinto-ginto
likaw-ligaw lasa-tasa pala-bala
Mga Fonimang Malayang Nagpapalitan

➜ Ito ay ang mga fonimang i,e,o,u na maaaring


magkapalit ng gamit, ngunit walang nababago sa
kahulugan.

Mga Halimbawa:
babae – babai pari – pare
lalake – lalaki totoo – tutuo
baso – basu salu – salo
May mga fonim ding nagkakapalitan ng gamit, at nagbabago
ang kahulugan nito.

Mga Halimbawa:

benta – binta pulo – polo


oso – uso opo – upo
misa – mesa iwan – ewan
Ang mga Diptonggo

➜ Ang mga diptonggo ng Filipino ay iw, iy, aw,


oy at uy. Alinmang patinig na sinusundan ng
malapatinig na y at w sa loob ng isang patinig
ay itinuturing na isang diptonggo.

➜ Ngunit kapag ang y at w ay napapagitan sa


dalwang patinig, ito ay napapasama ba sa
sumusunod na patinig kaya hindi na
maituturing na diptonggo.
Mga Halimbawa:
May Diptonggo Walang Diptonggo
ma – ba – baw ali – wan
sa - liw lu – ya
a – liw tu – yo
rey – na du – yan
la – gay sa – ya – wan
Iba pang Tuntunin ng mga Diptonggo
➜ Ang mga salitang diptonggo o makasunod na
patinig ay baybayin ayon sa mga sumusunod.
THANK YOU
FOR LISTENING

You might also like