Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

ARALIN 1

Mga Batayang
Kaalaman sa Wika
KATUTURAN, KAHALAGAHAN,
KALIKASAN, AT KATANGIAN
NG WIKA
Ano ang WIKA?
Ano ang •Ayon kay Henry Gleason,
WIKA? ang kahulugan ng wika ay
isang sistematikong balangkas
ngsinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng
mga tao nakabilang sa isang
kultura. Dahil dito, madaming
nagsasabi na ang wika ay
nabubuo ng isangbansa at
sinasalamin ang lipunan.
Ano ang WIKA?

•Sa aklat nina Bernales et al.


(2002),mababasa ang kahulugan ng wika
bilang proseso ng pagpapadala at
pagtanggap ngmensahe sa pamamagitan
ng simbolikong cues na maaaring berbal
o di-berbal.
Ano ang WIKA?

•Samantala, sa aklat naman nina Mangahis


et al. (2005), binanggit na may
mahalagangpapel na ginagampanan ang
wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamitsa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan
•Katuturan

•Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na


“ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang
tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga
tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng
mga salita na gamit sa pagpapahayag.”

•Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika


ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa
maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan.
ito ang midyum sa
Mahalaga ang wika
Kahalagahan ng Wika pakikipagtalastasan o
sapagkat:
komunikasyon;

ginagamit ito upang


at isa itong mabuting
malinaw at efektivong sumasalamin ito sa
kasangkapan sa
maipahayag ang kultura at panahong
pagpapalaganap ng
damdamin at kaisipan ng kanyang kinabibilangan;
kaalaman.
tao;
KALIKASAN NG WIKA
1. PINAGSAMA-SAMANG TUNOG (combination of sounds)
- Dahil sa binigyan ng simbolo (letra) ang mga tunog, ang pagsasama-samang ito ay lumilikha ng mga salita.

2. MAY GRAMATIKAL NA ISTRUKTURA (grammatical structure)


- a. Ang ponolohiya (pagsasama-sama ng tunog upang bumuo ng salita).
b. Ang morpolohiya (pagbubuo ng mga salita).
c. Sintaks (pagsasama-sama ng salita upang bumuo ng pangungusap).
d. Semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap).
e. Pragmatiks na nagpapaliwanag sa pagkakasunod sunod ng pangungusap (sequence of sentence).
f. Sa partisipasyon sa isang konbersasyon.
g. Sa antisipasyon ng mga impormasyon na kailangan ng tagapagsalita.

3. SISTEMANG ORAL-AWRAL (oral-aural system)


- Sistemang sensora sa pisikal na tao, pasalita (oral), pakikinig (awral), dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na
nagbibigay hugis sa mga tunog na napapakinggan.
4. PAGKAWALA O EKSTINKSYONG WIKA (language loss)

• Maaaring mawala kapag di ginagamit o wala ng gumagamit. Nagawa ito ng mga taga California sa Yahi Indian Language sa
pagitan ng 1853-1870 ng mga kolonyser na British sa Tasmanian Language noong 1803-1835, Eyah ng Alaska nang ang huling
dalawang matandang nagsasalita nito ay pumanaw. Ang Rotokas (wika ng isang isla sa Connecticut), Ubyeh (Northwest
Caucasus), Vilela (wika ng mga Indian sa Argentina), Cupeno (wika ng mga Indian sa Timog California) ay unti-unti na ring
nawawala. Karamihan sa wikang nawawala ay mula sa grupong minoryo. Ang Dalmatian, isang wikang Romano ay namatay
na kusa nang ang huling gumamit nito ay pumanaw noong 1889, ganito rin ang naging kapalaran ng wikang Cornish at ng
marami pang mga unang wika ng Sumerian, Elamite, Hattic, Urartian, Phrygian, Thracian, Dacian, Illyrian, Entruscan, ang
anim na wika ng Anatolia (Hittie, Palaic Lydian, Cuneiform Luwian, Hierograpic Luwian) at tatlong iba pa mula sa Timog
Anatolia (Carian, Psidian at Sidetic).

5.IBA IBA, DAYBERSIFAYD, INDIGENUS

- Dahil sa iba't iba ang kultura ng pinagmulang lahi ng tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng tao sa lahat
ng panig ng mundo. May etnograpikong pagkakaiba sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic
group) ang mga lahi o lipi.
•Mga Katangian Ng Wika

•Ang sumusunod ay ang mga katangian ng wika. Sa


pag-aaral ng mga ito, malalaman na ang wika ay
nabuo sa sistematikong pamamaraan at patuloy na
umuunlad sa paglipas ng mga panahon.

•1.) Ang wika ay mayroong sistemang balangkas


•Nagiging mabisa ang komunikasyon at pag-uusap
dahil sa sistematikong pamamaraan ng pagsasaayos
ng mga titik at salita. Mayroong sinusunod na
pamantayan o mga hakbang upang makabuo ng mga
salitang gagamitin. Kapag nakabuo ng mg salita,
maaari na itong ayusin bilang parirala, pangungusap,
o talata.
2.) Ang wika lalo na kung pasalita, ay mayroong tunog
Maliban sa pasulat na paraan, ang wika ay sinasalita rin. At kapag sinasalita, mayroong tunog na
nabubuo. Sa pamamagitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang emosyon at kahulugan ng salita. Sa
intonasyon nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita.

Ang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng ating baga na naglalabas ng hangin at dumaraan sa voice
box (artikulador) at pagkatapos ay sa ilong at bibig kung saan ito binabago para sa emosyon
(resonador).

3.) Ang wika ay arbitraryo


Sumsalamin ang wika sa pagkakasundo ng mga tao sa ilang lugar. Napagkakasunduan ng mga
mamamayan ang pangunahing wikang gagamitin nila. Saklaw nito ang mga salitang gagamitin sa
kanilang kabuhayan, edukasyon, pagkain, at pagpapalaganap ng kultura at tradisyon. Indikasyon din
na kung hindi nauunawaan ng isang tao ang wikang sinasalita ng mga tao sa isang lugar ay hindi
siya bahagi ng kanilang pamayanan at isa lamang itong dayuhan. Gayunman, kung mamamalagi ito
sa lugar na iyon, ay imposibleng hindi niya malaman at matutuhan ang wika. Dahil magiging bahagi
na rin ng kaniyang buhay ang pananalita, ay mababatid niya rin ang paggamit nito.
4.) Ang wika ay buhay at dinamiko
Dahil pagbabago lamang ang permanenteng bagay sa daigdig, maging ang wika ay nakararanas ng pagbabago. Sa paglipas
ng panahon at mga henerasyon, nabibigyang daan nito ang pag-unlad at pagbabago ng wika. Isang patunay nito ang
konsepto ng makaluma at makabagong pag-uusap. Sa kulturang Pilipino, mas matalinghaga at mas kagalang-galang
pakinggan ang makaluma o tradisyonal na uri ng pagsasalita. Sa pag-unlad ng teknolohiya, unti-unting naging makabago
ang paraan ng pakikipag-usap na tinatawag na komunikasyon sa kontemporaryong panahon. Bunga nito ang pagbabago ng
kahulugan ng isang salita. Mas lumalawak ang bokabularyo ng mga tao dahil sa mga bagong ideyang nabubuksan at
natutuklasan sa pagbabago ng henerasyon.

5.) Ang wika ay nanghihiram


Dahil ginagamit ang wika sa komunikasyon, hindi maiiwasang magkaroon ng palitan o hiraman ng mga salita. Mayroong
mga salitang walang katumbas sa wika ng isang bansa o pamayanan, kaya naman ang nagiging solusyon dito ay ang
panghihiram. Likas namang katangian ito ng lahat ng wika. Ito rin ang dahilan kung bakit ang wika ay dinamiko at
umuunlad. Sa panghihiram din mas nagiging bukas sa pagtuklas ng kultura at tradisyon ang isang mamamayan o nasyon.

Ang wikang Filipino ay salamin ng wikang nanghihiram. Magkakahalo ang mga salitang Kastila, English, Arabe, at iba
pang Austronesian na salita. Siyempre kabilang dito ang mga likas na wika tulad ng Tagalog, Waray, at ibang lokal na
wika.
6.) Ang wika ay kaakibat at salamin ng kultura
Ginagamit din ang wika sa pagpapaunlad ng kultura ng isang bansa o pamayanan. Sa pamamagitan ng wika ay mababatid ang
makulay na kultura, tradisyon, at pamumuhay ng mga tao. Sa katunayan, para sa mga dayuhan sa isang bayan, ang mga
salitang may kaugnayan sa mga pista, pagdiriwang, pagkain, at iba pang mahahalagang kagamitan ang nagsisilbing tanda nila
sa isang lugar. Iniuugnay nila ang mga salita sa kultura sa mga tao at lugar para manatili ito sa kanilang isip, na kalaunan ay
tuluyang nagiging pagkakakilanlan ng nito para sa nakararami.

7.) Ang bawat wika ay naisusulat


Kung naisasalita ang wika, kailangan ay naisusulat din ito. Kadikit ng mabisa at malinaw na anyo ng impormasyon ay ang
katangian nitong maisulat at mabigkas. Hindi naman kasi maaaring lahat ng nangyayari ay pasalita lamang at tatandaan ng
utak. Mas nagiging mahalaga ang isang pangyayari o kaganapan kung maidodokumento ito. Sa pagsusulat din ng
mahahalagang ganap gamit ang wika, mas napapanatili nito ang saysay ng wika at salita mula sa isang bansa, bayan, o maliliit
na yunit ng pamayanan.

8.) Ang wika ay makapangyarihan


Makapangyarihan ang salita at wika. Kung nagagamit ito sa pakikipag-usap sa kapuwa, kaya rin nitong tuligsain ang isang
masamang gawi. Sa pamamagitan ng pasulat o pasalitang paraan ay maaaring maiparating ang pagsalungat sa hindi wastong
pamamamahala o pagturing sa isang tao. Halimbawa nito ay ang mga ginagawang protesta ng mga militanteng grupo na hindi
lamang umaasa sa mga isinisigaw nila, kung hindi mayroon pang bitbit na mga plaka at karatula. Ang iba naman ay sumsulat
ng editoryal sa mga pahayagan o di kaya naman ay nagbubulalas ng kanilang mga komentaryo sa mga programa sa telebisyon
o radyo.
Mga Tungkulin at Gamit ng Wika
1. INTERAKSYUNAL

• Ginagamit ang wika upang mapanatili ang


pakikipagkapwa-tao at relasyong sosyal.
2. INSTRUMENTAL

• Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari o


maganap ang nais niyang gawin.
3. REGULATORI

• May gamit ding regulatori ang wika na


nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga
sitwasyon o kaganapan.
ANIM (6) NA ANYO NG REGULATORI

• Imperatibo • Pahayag na nagpapatunay


• Direktibang patanong ng owtoridad

• Direktibang hindi hayagan • Pahayag na nagkokontrol ng


gamit
• Pahayag ng pahintulot at
obligasyon
4. PERSONAL

• Personal naman ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng


personalidad at damdamin ng isang indibidwal.
5. IMAHINASYON

• Ito ang gamit ng wika kung ginagamit ito sa paglikha


at/o pagpapahayag ng malikhain, estetiko o artistikong
kaisipan.
6. HEURISTIKO

• May gamit heuristik ang wika kung ginagamit ito ng


tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na
kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o
propesyunal na sitwasyon.
7. IMPORMATIV

• Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t


ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo. Ang wika
ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos.

You might also like