Pananaliksik at Pangangalap NG Datos Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PANANALIKSIK

AT
PANGANGALAP
NG DATOS
PANANALIKSIK:
PANGANGALAP NG DATOS
 May tatlong pangunahing lapit sa pangangalap ng datos. Ang mga
ito ay pananaliksik sa laboratoryo, pananaliksik sa aklatan, at
pananaliksik sa larangan. Ang pagsasagawa ng interbyu ay isa rin
sa mga paraan ng pangangalap ng datos.

 Klasipikasyon ng Datos
 Lapit at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos
 Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos
Klasipikasyon ng Datos

Mahalagang maunawaan sa pangangalap ng datos ang iba’t ibang klasipikasyon nito. Ang dalawang aspekto sa pag-uuri nito ay
ang sumusunod:

1. Nakasulat o hindi nakasulat na datos – Maituturing ang datos bilang nakasulat na datos kung mayroong limbag na
dokumentong kaakibat nito. Kabilang dito ang mga libro, journal, magasin, pahayagan, liham, awtobiyograpiya,
kronika, mapa, larawan, kalendaryo, at iba pang kasulatan. Sa kabilang dako, ang mga hindi nakasulat na datos ay
pasalitang panitikan, sining audio-biswal, iba’t ibang labi, fossil, artifact, at iba pang katulad nito.

2. Primarya, sekondarya, o terserang datos – Maaari ding organisahin ang datos batay sa ikalawang klasipikasyon.
Naituturing na primarya ang datos kung kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan ito sa pinag-aaralang paksa. Ibig
sabihin, primarya ang datos kung nanggaling ito mismo sa tinutukoy na pangyayari sa paksang pinag-aaralan (Evasco et al.
2011). Halimbawa nito ay ang mga interbyu sa mga nakaranas ng torture noong rehimeng Marcos kung ang panahon ng
Batas Militar ang pag-uusapan. Sekondarya naman ang datos kung hindi ito kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan at
gumamit lamang ng mga primaryang datos. Halimbawa nito ang ulat sa pahayagan ng isang reporter tungkol sa naranasang
torture ayon sa mga biktima. Terserang datos naman ang turing sa mga sangguniang gumamit, nagtipon, at naglagom ng
mga primarya at sekondaryang datos. Halimbawa nito ang mga dokumentaryong nabuo hinggil sa Batas Militar. Sa puntong
ito, mahalagang sabihin din na maraming mananaliksik ang hindi pinag-iiba ang sekondarya at terserang datos.
Lapit at Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

May tatlong pangunahing lapit sa pangangalap ng datos. Ang mga ito ay:

1.Pananaliksik sa laboratoryo – tumutukoy ito sa ginagawang pag-eeksperimento ng mga nasa larangan ng agham
pangkalikasan. Ang datos ay nakukuha mula sa kahihinatnan ng ginagawang eksperimento.

2 .Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng mga dokumento at impormasyon – tumutukoy ito sa


pangangalap ng datos mula sa mga doku-mento at babasahing makikita sa aklatan, artsibo o sinupan, Internet, pribadong
koleksiyon, simbahan, munisipyo, museo, at iba pa. Mahalagang kasanayang dapat matamo ng isang mananaliksik sa
aklatan ang wastong paggamit ng card catalog (CC) o online public access catalog (OPAC) sa paghahanap ng mga akda
gamit ang titulo ng publikasyon, pangalan ng may-akda, o kaugnay na paksa. Gayundin, dahil sa pag-unlad ng
teknolohiya, marami na ring mga website na masasangguni sa pananaliksik gaya ng Journal Storage: 
The Scholarly Journal Archive, Project MUSE, Project Gutenberg, Filipiniana, Philippine E-Joumals, Bagong
Kasaysayan, at Diwa E-Journal.
3 .Pananaliksik sa larangan – tumutukoy ito sa mismong pagtungo sa pook ng pinag-aaralang paksa. Mahalagang
maisaafang-alang sa ganitong lapit ang pakikipagkapuwa ng mananaliksik sa kaniyang mga kalahok. Nararapat kilalanin
ang kalahok hindi lamang bilang tagapagbigay ng impormasyon, kundi bilang kapuwa tao. Kongkretong manipestasyon
nito ang bukal na pakikipagkaibigan sa kalahok at hindi lamang para sa layuning makapangalap ng impormasyon.
Gayundin, esensiyal ang paggamit ng katutubong wika o diyalekto sapagkat tanging sa taal na wika ng mga kalahok
iamang nila maipa-hahayag ang kaniyang ideya, damdamin, pananaw, at pag-uugali (Pe-Pua 2005). Ilan sa mga katutubong
pamamaraan ng pananaliksik ay pagtatanong-tanong, pakikipagkuwentuhan, nakikiugaling pagmamasid, pagdalaw-dalaw,
panunuluyan, at pakikipagtalakayan.
Interbyu bilang Paraan sa Pagkuha ng Datos

Isa sa mga popular na paraan sa pangangalap ng datos ang pagsasagawa ng interbyu. Sa


biglang tingin, ang paraang ito ay hindi nangangailangan ng maraming kagamitan—
tanging recorder at sulatan lamang—at ng komplikadong kasanayan sa pakikipag-usap.

Gayunman, hindi nangangahulugang walang dapat isaalang-alang sa pagpili ng interbyu


bilang paraan ng pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.

Naglatag si Denscombe (2003) ng listahan para sa pagpili at paghahanda sa interbyu.


Aniya, kung isasagawa ang nasabing paraan, mahalagang”oo”ang sagot ng mananaliksik
sa sumusunod na katanungan:
1.Nabigyang-pansin ko na ba ang angkop na paraan ng pagpapakilala (estilo ng pananamit,
digri ng pormalidad, at iba pa)?

2.Angkop ba ang pagsasagawa ng interbyu kung pag-uusapan ang: a. paksa ng pananaiiksik; b.


pangangailangan sa detalyadong impormasyon; c. akses sa kakapanayamin; at d. kasapatan sa
oras at salapi?

3.May malinaw ba akong bisyon sa mga usaping tatalakayin sa panahon ng interbyu?

4.Maisasaayos ba ang iskedyul ng mga interbyu, sapat upang makabuo ng trans-kripsiyon at


analisis ng mga ito?

5.Kumpiyansa ba akong ang aking personal na pagkakakilanlan ay hindi magiging hadlang sa


pagkuha ng mga kakapanayamin, at sa kanilang bukas at tapat na tugon sa aking mga
itatanong?
6. Malinaw ba sa akin ang pamantayan sa pagpili ng
kakapanayamin?

7. Naisaayos o napili na ba ang oras at pook ng interbyu?

8. May limitasyon ba sa oras ang isasagawang interbyu at batid


ba ito ng mga kalahok?

9. Nabigyang-pansin ko na ba ang angkop na paraan ng


pagpapakilala (estilo ng pananamit, digri ng pormalidad, at iba
pa)?
Kaugnay ng mga nabanggit sa itaas, nakapagbigay rin sina Constantino at Zafra (1997) ng mga
hakbang na nararapat bigyang-pansin b4o isagawa, habang isinasagawa, at pagkatapos isagawa
ang interbyu:

1. Bago ang interbyu


• Tiyakin ang taong iinterbyuhin batay sa impornnasyong nais mong makuha. Hindi
lamang ang mga propesyonal kundi maging ang karaniwang mamamayan ay maaaring
magsiibing awtoridad batay sa paksang pag-uusapan.
• Makipag-ugnayan sa iinterbyuhin at itakda ang petsa at iugar ng interbyu nang may
ma!inaw na konsiderasyon sa taong iinterbyuhin.
• Magsaliksik tungkoi sa paksa at taong iinterbyuhin. Sa ganitong paraan, natututukan sa
proseso ng interbyu ang pagpapaiawak at pagpapaialim ng impormasyon, hindi ang
mga batayang datos larnang na maaari nang makuha sa ibang sanggunian.
• Maghanda ng mga gabay na tanong. (Tandaan: Ang mga tanong ay gabay lamang,
lwasang magpatali rito. Mahaiagang umangkop ang tanong sa daloy ng usapan.
• lhanda ang mga teknikal na kagamitan para sa interbyu gaya ng tape o digital recorder,
panuiat, at sulatan.
2. Habang nag-iinterbyu

• Dumating sa itinakdang petsa, oras, at lugar ng interbyu.


• Magpakilalang muii sa iinterbyuhin at talakayin sa kaniya ang
kaligiran ng paksa at !ayunin sa isasagawang interbyu. 
• Isagawa ang interbyu sa pamamagitan ng epektibong
pagtatanong. ibig sabihin, mahalagang lumikha ng iba’t ibang
uri ng katanungan na may layuning magbukas ng paksa,
manghingi ng opinyon, magpalalim ng ideya, at iba pa.
• Magpasalamat sa pagpapauniak ng ininterbyu.
3. Pagkatapos ng interbyu

• Lagyan ng wastong identipikasyon ang tape na ginamit (o file kung digital) sa interbyu
(halimbawa: Interbyu kay Dr. Rosario Torres-Yu tungkol sa panu-nuring pampanitikan, UP
Faculty Center, 10 Abrii 2015).
• Gawan ng transkripsiyon ang interbyu. Upang ganap na maorganisa ang transkripsiyon,
bukod sa mismong pahayag ng kinapanayam, mahalagang maisama ang sumusunod:
• Anotasyon – tumutukoy ito sa mga impormal na tala at kornento kaalinsabay ng mga
pahayag ng ininterbyu, Nakabatay ang anotasyon sa aiaala ng mananaliksik habang
isinasagawa ang interbyu. Kinapa-palooban ito ng mga obserbasyon sa ininterbyu ang
kaniyang kilos, emosyon, katahimikan, at iba pang hindi naitatala sa salita.
• Line number at code — bawat iinya ay makabubuting lagyan ng numero upang maging
madali ang paghahklap sa anomang mahalagang pahayag. Gayundin, mainam ding
magbigay ng code o koda sa mga ideyang lalabas sa pahayag upang maging madali ang
pag-oorganisa at analisis ng interbyu. 
Narito ang isang halimbawang bahagi ng transkripsiyon ng isang interbyu sa tationg kabataan
hinggil sa epekto ng udyok ng mga kaibigan sa pag-inom ng alak:
Pansinin sa transkripsiyon ang mga numero sa gilid na nagpapakita ng haba ng
interbyu. Tingnan din ang paglatagay ng koda na maaaring tumutukoy sa ibalt
ibang ideya — “koda 05” para sa unang karanasan sa pag-inom at “koda 12”
para sa reaksiyon ng mga kaibigan. Naglagay rin ng anotasyon upang ilarawan
ang iba pang bagay na hindi nahahagip ng recorder.

Mahalagang isaisip din na reyalidad ng interbyu ang mas maluwag na gamit ng


wika. Dagdag pa rito, sa kaso ng mga pangkatang interbyu, maaaring mangyari
ang pagsisingitan o pagsasaluhan sa usapan gaya ng naitala sa itaas.
WAKAS!!!

MARAMING
SALAMAT!

You might also like