Pagpoproseso NG Impormasyon para Sa Komunikasyon - Pagpili NG Batis NG Impormasyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

PAGPOPROSESO NG

IMPORMASYON PARA SA
KOMUNIKASYON
 Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
 Pagbabasa at Pananaliksik ng
Impormasyon
Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
Ang batis ng impormasyon ay pinanggagalingan ng mga katunayan na
kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu,
penomino at panlipunang realidad.
Primaryang Batis- orihinal na pahayag obserbasyon at teksto na direktang
nagmula sa isang indibidwal na grupo o institusyon na nakaranas, nakapag
obserba o nakapagsiyasat ng isang paksa o penomeno.
Sekundaryang Batis- pahayag ng interpretasyon, opinion, at kritisismo mula
sa mga indibidwal grupo o institusyon na hindi direktang nakaranas,
nakaobserba o nagsaliksik sa isang penomeno. Kasama rito rito ang mga
account o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi dumanas
nito o pagtalakay sa gawa ng iba
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa-tao
Mula sa mga Materyal na 1. Pagtatanong-tanong
Nakaimprenta sa Papel na madalas 2. Pakikipagkuwentuhan
ay may kopyang Elektroniko 3. Panayam o Interbyu
1. Awtobiyograpiya 4. Pormal, inpormal, estrukturado o semi estrukturado o
2. Talaarawan semi-instrukturadong talakayan
3. Sulat sa koreo at e-mail 5. Umpukan
4. Tesis at desirtasyon 6. Pagbabahay bahay
5. Sarbey
6. Artikulo sa journal
7. Balita sa dyaryo, radio at Primaryang Batis
telebisyon
8. Rekord ng tanggapan ng Iba pang Batis
gobyerno 1. Harapan o online na survey
2. Artifact kagaya ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen,
9. Orihinal na dokumento kagaya pera, kagamitan at damit
ng sertipiko ng kasal 3. nakarekord na audio at video
10.Talumpati at pananalita 4. Mga blog sa internet na naglalahad ng sariling karanasan at
11.Larawan at iba pang biswal na obserbasyon
grapika 5. Website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet
6. Mga likhaing sining tulad ng pelikula, musika, painting at music
video
Sekundaryang Batis

1. Ilang artikula sa dyaryo at magasin kagaya ng editoryal, kuro-kurong tudling,


sulat sa patnugot at tsismis o tsika.
2. encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at gabay na aklat
5. Diksyonaryo at Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. Sipi mula sa orihinal na hayag o teksto
10.Abstrak
11. Mga kagamitan panturo kagaya ng powerpoint presentation
12.Sabi sabi
Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Impormasyon
mula sa Primarya at Sekundaryang Batis
 Bigyang prayoridad ang primary kaysa
sekundaryang batis sapagkat ang una ay
nanggaling sa aktuwal na karanasan,
obserbasyon kayat itinuturing na mas
katiwa-tiwala kaysa sa pangalawa
 Maaring pumili ang mananaliksik ng higit
sa isang batis ng impormasyon para
maging hitik sa datos ang binubuo niyang
kaalaman, makumpara mapatotoo niya
ang katunayan sa bawat batis.
 Kailangang piliin iyong angkop sa paksa,
layon at disenyo ng pananaliksik.
Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Impormasyon
mula sa Primarya at Sekundaryang Batis
 Sa pagsangguni sa mga
sekundaryang batis, iwasan ang
tahasang pagtitiwala sa mga
sanggunian na ang nilalaman ay
maaring baguhin o dagdagan ng
sinuman.
 Sa pagsangguni ng mga
espisipikong primaryang batis,
maging pamilyar sa mga paalala
ng mga bihasang mananaliksik
na gumagamit nito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Impormasyon
mula sa Primarya at Sekundaryang Batis
 Kapuwa Tao bilang Batis ng
Impormasyon.
Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang
batis impormasyon, kailangan timbangin
ang kalakasan, kahinaan, kaangkupan
ng harapan at mediadong pakikipag
ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay
karaniwang itinuturing na primaryang
batis, maliban kung ang nasagap sa kanila
ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba
pang tao.
Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Impormasyon
mula sa Primarya at Sekundaryang Batis
 Kalakasan ng Harapang Kapuwa-
Taong Ugnayan
1. Maaring makakuha ng agarang sagot at
paliwanag mula sa mga taga-pagbatid
2. Makapagbigay ng angko na kasunod na tanong
(follow-up question)sa kanya.
3. Malilinaw niya agad ang sagot
4. Maoobserbahan ang kanyang berbal at di
berbal na ekspresyon.
Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at
mas malaking oras para sa fieldwork lalo na kung
malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga
tagapagbatid.
Mga Dapat Tandaan sa Pagpili ng Impormasyon
mula sa Primarya at Sekundaryang Batis
 Kalakasan ng Mediadong Ugnayan
1. Pagkakataong makausap ang mga tagapagbatid na
nasa malalayong lugar o anumang oras at
pagkakataon kung kalian nila maisisingit ang
pagresponde.
2. Makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na
kailangan puntahan nang personal ang mananaliksik
ang mga tagapagbatid.
3. Mas madaling pag-oorganisa ng datos lalo na kung
may elektronikong sistema na ginagamit ang
mananaliksik sa pagkalap ng datos.
Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga
primaryang batis, angkop na uri ng midya, at
kredibilidad ng tukoy na midya.
Paglubog sa mga Impormasyon:
Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at
Pagbabasa
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao
2. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Aklatan
3. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Online Na
Materyal
4. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Pang-
Madlang Midya
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao
 Sa teksto ng agham panglipunan, ang ekspermento ay
isang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik kung
saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na
tinatalaban ng interbensiyon. Halimbawa, ano ang
epekto ng paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa klase
(independent variable) sa antas ng kaaalaman ng mag
aaaral hinggil sa isang paksa sa agham ( dependent
variable). Madaas na gumagamit ng kontrol at
eksperimental na mga pangkat ng kalahok para
mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na
hindi ginagamitan ng interbensiyon (kontrol) at sa
pangkat na gimagamitan ng (eksperimental). Limitado
ang gamit ng eksperimento sa agham panlipuanan at
nahaharap ito sa maraming banta sa katumpakan
1. ( Baxter & Babbie 2004).

EKSPERIMENTO
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao
 Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagitan ng
mananaliksik bilang tagapagtanong, at tagapoakinig, at ng
tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng impormasyon (Baxter &
Babbie 2004).
 Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang mananaliksik ng gabay
na tanong, na ang pgkakasunod ay mahalaga upang matiyak ang
konsistensi sa lahat ng tagapagbatid.
 Sa semi-estrukturadong interbyu, mayroon ding gabay na mga
tanong ang mananaliksik, subalit maari niyang baguhin ang
pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari din niyang
dagdagan kung mayroon siyang follow-up na tanong.
 Sa di estrukturadong interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay
na tanong upang mas maging natural ang daloy ng usapan, subalit
makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang manananaliksik
sa layon at paksa na kaniyang sinisiyasat habang nag-iinterbyu para
2. Interbyu magabayan siya ng dapat itanong at malaman.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

 Ang Focus group Discussion (FGD) naman


ay semi estrukturadong talakayan na binubuo 3. Focus Group Discussion
ng tagapagpadaloy na kadalasay
ginagampanan ng manananaliksik na , at
anim hanggang sampung kalahok. Gamit
ang mga gabay na mga tanong ang
tagapagpadaloy ay nagbabato ng mga tanong
at nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok.
Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay
may pagkakataong makapag bahagi ng ideya
o impormasyon.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

3. Focus Group Discussion


Bentahe ng FGD ang mga sumusunod:
1. naitatama,napapasubalian, o nabeberi[ika ng mga kalahok ang
impormasyong ibinabahagi;
2. may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag silay
magkakasamang nag uusap ( na maaaring di lumabas sa indibidwal na
interbyu); at
3. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag
usapa sa isang pagtitipon.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

3. Focus Group Discussion


Kahinaan naman ng FGD kapag:
1. may dominante sa grupo
2. may nag aagam –agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong
ibinibigay ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; at
4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o
matsismis.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

 Ginamit ni Santiago (1977) ang pakikisangkot sa buhay


ng tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang
komunidad sa loob ng maraming araw sa tatlong
buwan. Nakilahok siya sa pang araw araw na Gawain
habang isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa
kapa ang dulog ng pangangalap ng datos, hindi siya
nagbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago
ang fieldwork para hindi makulayan ang kaniyang
pananaw. Bilang dulog, ang pakapa kappa ay isang
eksplorasyon hingil sa isang paksa sa konteksto ng
pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang
mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos
kagay ng “pagmamasid, pagtatanong tanong,
pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at
4. Pakikisangkot habang pakikisangkot( Tores. 1982, p. 171).

Pakapa-kapa
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

5. Pagtatanong-tanong
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direktang karanasan sa paksang sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais mabirepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid ( Gonzales,
1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya masyadong gamay o wala
siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal at bernakular na wika ang ginagamit
para madaling magkaintindihan ang nagtatanong at ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong
pamamaraan, may mga dapat isa alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag
siyasat, pook nbg pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

6. Pakikipag kwentuhan
Pakikipag kwentuhan naman ang ginagamit ni De Vera (1982 ) upang pag aralan ang
pakiki-apid sa isang baryo sa Camarines Norte. Ito ay isang di-estrukturadong at impormal
na usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na hingil sa isa o higit pang mga paksa kung
saan ang mananliksik ay walang ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at
igiya ang daloy sa isang direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan ,
kundi ang pagiging “Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o
karanasan” at magbigay ng verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o pag
aalinlangan na ang binitiwan nyang salita aymagagamit laban sa kanya sa pag hihirap (De
Vera 1982, p. 189). Wala rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na ganapain ito sa isang
tiyak na lufgar at oras. Madalas na nangyayari na lamang ito ng walang ka aabog abog
habang ang mananaliksik ay nasa fieldwork.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

7. Pagdadalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kahirapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa
Malabon, Rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit
nina Gepigon at Francisco (1982) ay pagdalaw-dalaw. Ayon sa kanya ang
pagdalaw-dalaw ay ang pagpunta-punta at pakikipag-usap ng mananaliksik
sa tagapagbatid upang sila ay magkakilala; matapos magpakilala at makuha
ang loob ng isat-isa,mas maluwag na sa kalooban ng tagapagbatid na ilabas sa
usapan “ang mga nais niyang sabihin bagamat maaring may ilan pang pagpipigil
(1982, p. 194). Ito ay maaring kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng
pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag kuwentuhan at pakikilahok.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

8. Pakikipanuluyan
 Sa pakikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakikisangkot sa ilan sa kanyang mga
aktibidad kagaya ng pagkukwentuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat ibang
pagtitipon; pagmamasid sa mga nagaganap sa kapaligiran : at pagtatanong-tanong hinggil sa paksang
sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pangmatagalan at masaklaw na
pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat ng iba pang mga espesipik na
pamamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lang nakikitira sa isang bahay at
nakikisangkot sa buhay ng isang pamayanan, kundi siya rin ay nagmamasid, nagtatanong-tanong,
nakikipag kwentuhan, at nakikilahok sa mga Gawain. Sa pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim
at komprehensibo ang mga impormasyong malilikom ng mananaliksik. Hindi to kataka taka dahil
ang pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang pamamaraan upang mapaunlad ang
pakikipag kapuwa ng isang tao” (San Juan & Soriaga, 1985,p.433).
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

9. Pagbabahay-bahay
 May pagkamasaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang
pumupunta sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nagmamasid,
nagtatanong-tanong, at nakikipagkuwentuhan at nakikipagpanayam din siya
ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasagawa ng survey, pero ituturing
ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik,
kompleks, at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

10. Pagmamasid
 Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula
kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa
madaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan,
at kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya
ng mananaliksik kung “maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa
pananaliksik ( Gonzales 1982 p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may
pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay-
bahay, at pakikipanuluyan.
1. Pangangalap ng Impormasyon Mula sa Kapuwa-tao

Instrumento sa pagkalap ng datos mula sa kapuwa tao.


Kaparehong harapan at mediado na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao,
dapat ihanda ng mananaliksik ang angkop na instrument. Ang ilan sa mga instrument na
karaniwang ginagamit ay ang sumusunod:
1. Talatanungan at gabay na katanungan
2. Pagsusulit o eksaminasyon
3. Talaan sa fieldwork
4. Rekorder
2. PANGANGALAP NG IMPORMASYON MULA SA AKLATAN

1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa isang
pananaliksik.
2. Gumawa at magpadala ng sulat sa kinauukulan kung aklatan ng ibang paaralan, kolehiyo o unibersidad ang
pupuntahan.
3. Kung hindi man kailangan ng sulat kagaya sa ilang pampublikong aklatan, alamin ang mga kahingian bago
pumasok at makagamit ng mga pasilidad at sources ng aklatang bibisitahin
4. Reviewhin ang sistemang decimal at sisitemang library of congress dahil alinman sa dalawang ito ay
madalas na batayan ng klasipikasyon ng mga pangkalahatang aklat ng karunungan
5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapaphotocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon at ilan pang printed na
materyal kaya kailangan ng matiyaga at mabilis na pagbabasa kung marami ang sanggunian na bubulatlatin
6. Gamitin ang online public access para makahanap na ng sanggunian bago pa man pumunta sa aklatan o
bago puntahan ang seksyon o dibisyon ng aklatan.
7. Huwag kalimutang halughugin ang pinagkukunan na online ng aklat gaya ng subskripsyon sa journals, e-
book e-databases at iba pang batis ng impormasyon sa internet
3. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online
Material
3. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online
Material
3. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online
Material
3. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online
Material
Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik,
bigyang pansin ang online news na:
1.Walang hayag na kinikilingan tao, grupo o institusyon dahil
naglalathala ng mga artikulong may iba’t-ibang panig.
2. Pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa
pamamagitan ng komento at errata.
3. Hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa
pangalan ng isang tao, grupo o institusyon habang tahasang
bumabatikos sa kalaban nito.
3. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online
Material
Sa pagbabalanse ng impormasyon lalo na kung may kinalaman
sa isyung pambansa, makabubuting sumangguni ang mga
mananaliksik sa iba’t-ibang online na batis ng impormasyon
gaya ng mga sumusunod.
1. Website ng pamahalaan
a. Philippine Information Agency
b. Official Gazzette
2. Website ng mga ahensya ng pamahalaan
c. Kagawaran ng Agrikultura
d. Kagawaran ng Edukasyon
3. Pangangalap ng Impormasyon mula sa Online
Material
Sa pagbabalanse ng impormasyon lalo na kung may kinalaman
sa isyung pambansa, makabubuting sumangguni ang mga
mananaliksik sa iba’t-ibang online na batis ng impormasyon
gaya ng mga sumusunod.
3. Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang
panlipunan
a. IBON Foundation
b. Philippine Center for Investigative Journalism
4. Website na gumagawa ng Fact Check
a. Vera Files
4. Pangangalap ng Impormasyon mula sa
Pangmadlang Midya
Para makakalap ng impormasyon mula sa radio at telebisyon, abangan ang
programa o palabas sa oras o brodkast nito. Mas mabuting irekord ito
para mabalikbalikan habang sinusuri.
May mga estasyon sa telebisyon na nagpapaskil ng mga kopya ng programa
o palabas sa kanilang website sa internet na maaaring idownload ng
mananaliksik katulad ng mga online news site.
Kung pelikula ang batis ng impormasyon mas mainim na bumili o
humiram sa kakilala na may kopyang kinuha na naayon sa batas.
Maari ring sadyain ang prodyuser ng programa sa radio at telebisyon, ang
tagapaglathala ng dyaryo, magasin komiks at pocketbooks.

You might also like