ano ang dahilan ng paglalakbay ni Dante sa isang madilim na gubat? -Ang dahilan ng paglalakbay ni Dante sa isang madilim na gubat ay dahil natagpuan nalamang ni Dante ang sarili nya sa isang madilim na kagubatan at syempre hindi nya alam kung saang lugar iyon kaya naglakbay si dante dahil para sa paghahanap nang kanyang landas at nag pasya nalamang sya na umakyat sa isang bundok. 2.)Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang hugis ng impyerno at purgatoryo? -Ang pagkakaiba nang Impyerno at ng Purtagoryo ay ang Impyerno ay isang kuweba sa ilalim ng lupa ngunit ang Purgatoryo naman ay isang malaking bundok at tanging lupain sa katimugang hati ng mundo at ang pagkakatulad naman ng dalawa ay parehas silang hugis Embudo. 3.)Ano ang maaring nag-udyok kay Virgil sa pag-iwan niya kay Dante matapos ang kanilang paglalakbay sa purgatoryo? -Ang maaring nag udyok kay Virgil ay dahil sya ay nasa impyerno at hinding-hindi sya maaring makaabot sa langit, kaya hanggang dun na lamang ang katwiran ng tao kaya iniwan na ni Virgil si Dante at pumalit na gabay si Beatrice 4.)Ano ang mahihiwatigan o implikasyon sa ginawa ni Dante na paguugnay ng sampung esfera sa mga birtud o virtue ng sangkatauhan? -Ang maaring mahihiwatigan o implikasyon sa ginawa ni Dante ay ang mga kaluluwa ay hindi nag iisa sa kawalang hanggan kundi pangkat-pangkat na nakararanas ng pagkatuto mula sa mga halimbawa ng birtud at bisyo na katumbas ng kanilang parusa. 5.)Anong pangkalahatang impresyon ang iniwan sa iyo ng binasang akda? -Nakakatakot na nakaka-kaba, nakakatakot kase ganun ung ginagawa sa impyerno at purgatoryo, nakakatakot na baka dun tayo mapunta sa impyerno o purgatoryo at napakaganda nang pag deliver nang kuwento dahil para din matakot ang ibang mga tao na walang Diyos at manumbalik ang kanilang kalooban saating Panginoon