Fil 2 Regalado Report

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Mga Kasangkapan sa

Pananalita at
Pagtatalong Argumento

Wendy Regalado
Kasangkapan
sa Pananalita
KASANGKAPAN SA
PANANALITA

Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita 
sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang 
tagapakinig o di kaya’y sa kakayahan niyang 
mapanatili ang interes ng kanyang 
tagapakinig sa kanyang makikita. 
Makikita ito sa reaksyon ng kanyang 
tagapakinig sa kanya. 
TINIG
Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa
maraming pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging
mapanghikayat at nakaakaikit pakinggan. May mga
sitwasyong nangangailanagn ng malakas na tinig ngunit
may ilan na mahinang tinig lamang. Ano’t ano man ang lakas
ng tinig na gagamitin, kailangang maging angkop iyon sa
particular na sitwasyon at sa damdaming nais ipahiwatig ng
isang nagsasalita. Kaakibat ng tinig ay ang himig. May himig
na mabagal, may himing na pataas at mayroon ding pababa.
Katulad ng lakas, kinakailangang inaakop din ang himing ng
pagsasalita sa sitwasyon at damdamin at maging sa kaisipan
at mensaheng ipinapahayag ng isang nagsasalita.
BIGKAS
Napakahalaga na maging wasto ang pagbigkas ng nagsasalita.
Kailangang maging mataas at malinaw ang pagbigkas niya sa
mga salita. Ang maling pagbigkas niya sa mga salita ay maaaring
magbunga ng ibang pagpapakahulugan ng salitang iyon lalo pa’t
ang wika natin ay napakaraming homonimo (mga salitang
pareho ang baybay, ngunit magkaiba ng paraan ng pagbigkas at
may magkaibang kahulugan). Maaari din maging isang
katawatawa ang tagapagsalita kung laging mali ang pagbigkas
niya sa mga salita. Kaugnay nito kailangang maging maingat din
siya sa pagbibigay ng diin (stress) sa mga salita sa paghinto at
paghinga sa loob ng mga salita at talata sapagkat nakatutulong
din ito upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang
pahayag.
TINDIG
Sa isang taga-pagsalita, lalo na sa isang pagtitipon o
sa mga timpalak pambigkasan napakahalaga ng
tindig. Kinakailangang may tikas ika nga, mula ulo
hanggang paa; Hinid magiging kapanipaniwala ang
isang mambibigkas kung siya ay nanghihina o kung
siya’y mukhang sakitin. Sapagkat ang isang
tagapagsalita ay kailangang maging kalugodlugod
hindi lamang sa pandinig ng mga tagapakinig.
Kailangan din niyang magng kalugodlugod sa
paningin upang siya ay maging higit mapanghikayat. 
KUMPAS
Ang kumpas ng kamay ay importante sa nagsasalita. Kung
wala ito ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot.
Ngunit ang kumpas ng kamay ay dapat maging angkop sa
salita o mga salitang binabanggit. Tandaan na ang bawat
kumpas ay may kaakibat din na kahulugan. Kung gayon
ang kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa
kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng kumpas.
Tandaang kailangan din maging natural ang mmga
kumpas. Dapat iwasan ang pagiging mekanikal ng mga
ito. Hinid rin magandang tignan ang labis, maging ang
kulang o alanganin ang kumpas ng mga kamay.
KILOS
Sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay
maaari din na gumalaw. Ang mga mata, balikat, paa at
ulo. Ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong
o makasira sa isang nagsasalita.  
KILOS
Halimbawa:

Ang labis na pag-galaw ng mga mata o kawalan ng


panuunan ng paningin sa kausap o madlang tagapakinig
ay magsisilbing distraksyon sa halip na pantulong sa
isang tagapagsalita. Samantala, ang mabisang
pagpapanatili ng ugnayan sa tagapakinig sa
pamamagitan ng panuuunan ng paningin ay maaaring
makatulong sa kanya. Ang labis na pag-galaw ng ulo
hindi angkop sa pagtango o pag-iling ay maaaring
makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang
nagsasalita.
KILOS

Samantala ang mabisang paggamit nng galaw ng balikat


ay maarin naming makatulong sa pagapapahayag ng
pagsuko, panghihinayang, kawalan o panliliit. Kung labis
na magiging malikot namna ang nagsasalita. 
Halimbawa:
Kung siya ay paroo’t parito sa paglalakas, malamang
mahilo na ang kaknyang kinakausap o ang madlanag
tagapakinig niya. Kung magkakagayon ay hindi niya
epektibong maipapahatid ang mensaheng kanyang
ipinapahayag.
Pagtatalong
Argumento
KAHULUGAN

Ang pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa


magkasalungat ng panig tungkol sa paksang
napagkaisahang pagtalunan (proposisyon) sa tiyak na
oras at lugar na pangyayarihan.  Ito ay ang
pagbibigay ng gantihang pangangatwiran ng dalawa
o higit pang panig hinggil sa isang makabuluhang
paksa o isyu . Ito ay maaaring pormal o di pormal na
pagtatalo . Ang pagtatalo ay hindi isang uri ng pag-
aaway sapagkat ito’y pagpapaliwanag lamang ng
mga katwiran ng bawat panig na maaaring gawaing
pasulat o pasalita.
LAYUNIN

 1. Naglalayong na makapanghikayat ng iba na


paniwalaan ang sinasabi sa pamamagitan ng
pangangatuwiran. 

2. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na


pag-iisip. 

3. Malinang ang kasanayan sa wasto at mabilis na


pagsasalita. 
 
LAYUNIN
4. Malinang ang kasanayan sa lohikal na pangangatwiran.

5. Malinang ang kasanayan sa pag-uuri ng tama at maling


pagmamatuwid 

6. Nagbibigyang kahalagahan ang magandang asal tulad


ng paggalang, pagtitimpi,o pagpipigil ng sarili 

7. Magkakaroon ng pag-uunawa sa mga katwirang


inilahad ng iba at pagtanggap na nararapat
nakapasyahan. 
PROPOSISYON
Pangungusap na nilalayong pangatwiranan ng magkabilang
panig sa pamamagitan ng mga argument  Nagsasaad ng isang
bagay na maaaring tutulan at panigan o kaya mapagtatalunan.
 Kadalasan ito ay tungkol sa patakaran, kahalagahan, at
pangyayari.

 Pangyayari = Ito ay pagpapatunay o pagsasalawang-


katotohanan ng isang bagay. 
 Kahalagahan = Ito ay pagtatanggol sa kahalagahan ng isang
bagay o kaisipan. 
 Patakaran = Ito ay paghaharap ng isang pagkilos sa isang
suliranin. 
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAGTATALO
1. Sa pagsisimula pa lamang ng debate ay sikaping
magkaroon ng masusing pag-aaral at pagsusuri sa
paksang pagtatalunan. Magpangkat at magpalitang
kuro ukol sa paraang gagawin sa paglalakbay sa
paksa. 

2. Umisip at gumamit ng iba’t-ibang paraan ng


pagsisiyasat at pagsusuri. 

3. Bumalangkas ng maayos o organisadong paglalahad


ng katuwiran.
MGA DAPAT TANDAAN
SA PAGTATALO
4. Talasan ang isipan sa paghalata sa maling
pagmamatutuwid at agapan ang paghaharap ng
ganting matuwid. 

5. Iwasan ang pagiging personal. Laging isiping isyu


ang pinagtatalunan at hindi ang karakter o
personalidad ng katunggali. 

6. Sundin ang alituntunin ng kagandahangasal at


tanggapin nang maluwag ang anumang
kapasyahan ng mga hurado.
URI NG PAGTATALO
1. Debateng Informal – Ang tagapangulo ay
magpapahayag ng paksang pagtatalunan,
pagkatapos na ipahayag ang pagtatalo. Ang
ganitong uri ng debate ay may maayos na
pagpapalitang-kuro at palagay. 

2. Debateng Formal – Ang paksa sa uring ito ay


masining na pinag-uusapan at masusing
pinagtatalunan. Ito ay may takdang panaho,
araw at oras kung kalian gaganapin.
Mga Kasangkapan sa
Pananalita at
Pagtatalong Argumento

Wendy Regalado

You might also like