Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

MABISANG PARAAN NG

PAMAMAHAYAG
Ayusin ang pangungusap…
1. Ang pumunta pagiging
tayo magalang lugar sa mang
pakikipag-usap isaalang-
alang sa laging iba’t ibang
dapat uri ay ng tao.
Tamang Pangungusap:
Ang pagiging magalang sa
pakikipag-usap sa iba’t ibang
uri ng tao ay dapat laging
isaalang-alang saan mang
lugar tayo pumunta.
Pagpapahayag
• Ang pagpapahayag ay pagbabahagi ng mga saloobin,
maaaring ito ay nasa anyong pasalita o pasulat.
• Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong
makatuklas ng isang kaisipan buhat sa kaniyang pakikinig sa
pahayag ng iba.
• Nakapagbabahagi rin ito ng kaalaman sa iba.
• Ngunit, hindi lahat ng mga pahayag ay masasabi nating
makabuluhan, sapagkat mayroong mga pahayag na hindi
pinag-iisipan kung kaya’t naghahatid ito ng negatibong
impresyon para sa nagsalita.
• Mayroong mga dapat tandaan sa pagpapahayag na
isinasagawa. Basahin ang mga ito sa loob ng kahon na nasa
ibaba.
Mga dapat tandaan…
• 1. Kinakakailangang orhanisado ang ideyang
ipinapahayag.
• 2. Dapat ay maganda ang paraan ng pagpapahayag
upang mahikayat na makinig ang mga tao, o basahin ang
isinulat.
• 3. Mahalagang may bigat ang mga binibitawang salita o
salitang ginamit sa pagsulat ng pahayag.
• 4. Ang lahat ng ipinapahayag ay kailangang may
pinagbabatayang katotohanan.
• 5. Laging tandaan sa pagpapahayag ay mahalagang
isipin muna kung ano ang nais ipahayag at kung paano ito
ipinapahayag.
• Ipinalalagay na may kalinawan ang isang pahayag
kung ito ay madaling maunawaan. May tatlong
bagay na makakatulong upang madaling
maunawaan ang isang pahayag.
• Gumamit ng mga salitang may tiyak na kahulugan
nang hindi makapagbigay ng ibang kahulugan.
• Ang mga salitang gagamitin ay nararapat na may
pagkakaugnay (pambalarila at panretorika).
• Nararapat na wasto ang pagbigkas kung pasalita
at wasto ang baybay kung pasulat.
 
KALINAWAN
• Ang kalinawan ay tumutukoy sa wastong
gamit ng mga salita sa isang pahayag,
gayundin ang angkop na pagkakabuo ng mga
pangungusap.
• Nagiging malinaw ang mga pahayag kung ang
mga salitang ginagamit ay angkop para sa
kontekstong nakapaloob sa pahayag.
• Iwasang maging maligoy upang hindi
magbigay ng kalituhan ang pahayag na
inilalahad
Ebalwasyon

• Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang


salitang PAK kung wasto ang ipinababatid ng pahayag at GANERN
naman kung hindi.
• Sa pamamagitan ng pagpapahayag ay nagiging ganap ang
pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong
makatuklas ng isang kaisipan buhat sa kaniyang pakikinig sa
pahayag ng iba.
• Hindi lahat ng mga pahayag ay masasabi nating makabuluhan,
sapagkat mayroong mga pahayag na hindi pinag-iisipan kung kaya’t
naghahatid ito ng negatibong impresyon para sa nagsalita.
• Masasabing katanggap – tanggap ang pahayag kahit hindi wasto
ang pagbigkas at baybay kung ito naman ay naiintindihan.
• Nararapat lamang na gumamit ng mga salitang may tiyak na
kahulugan nang hindi makapagbigay ng ibang kahulugan.
• Ang lahat ng ipinahahayag ay kailangang may pinagbabatayang
katotohanan.
KAUGNAYAN
• KAUGNAYAN/PAGKAKAUGNAG-UGNAY ng mga
SALITA o PANGUNGUSAP
• Ang wastong pagkakaugnay – ugnay ng mga salita ay
nakatutulong upang maging maayos ang
pagpapahayag

• Halimbawa: Ang gamit at katuturan ng mga salita na


magkasingkahulugan ay hindi dapat ipagkamali sa isa’t
isa.
• Bumaba ng bahay ang mga bata. (Mahina)
• Nanaog ng bahay ang mga bata. (Pinabuti)
KAUGNAYAN
•Maituturing na may ugnayan ang
mga pangungusap sa anumang uri ng
pagpapahayag, kung mahusay ang
pagkakahanay ng mga ideya o
pangyayaring tinatalakay.
•Sa pamamagitan nito, magiging tuloy-
tuloy ang daloy ng diwa ng
pagpapahayag.
•BISA
•Ang bisa ng isang pahayag ay tumutukoy sa bigat ng
isang pahayag.
•Ipinapalagay na mabisa ang isang pahayag kung
nagtataglay ito ng sumusunod na katangian−
−makatotohanan, nababakas ang katapatan, at
binibigyang pagpapahalaga ang dignidad ng isang tao.

•Bisang Pampanitikan
•Tatlong bisa ang masusumpungang taglay ng mga
akdang pampanitikan. Ang mga ito ay ang bisang
pangkaisipan, bisang pangkaasalan at bisang
pandamdamin.
BISANG PANGKAISIPAN
Nagbubunsod ito upang tayo ay
mag-isip nang may kabuluhan
upang yumabong at yumaman
ang ating isipan. Nagiging kawili-
wili at kalugod-lugod ang
mabuhay dahil sa bisang ito.
•Halimbawa 1
•Ang pag-ibig ay esensyal na
pangangailangan ng bawat tao, anuman
ang edad at kasarian. (Uhaw ang Tigang
na Lupa)
•Halimbawa 2
• Minsan, sa pinaka hindi inaasahang mga
tao natin matututuhan ang mahahalagang
aral ng buhay. (Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata)
• 
• BISANG PANGKAASALAN
•Ang panitikan ay nakakatulong
sa paghubog ng pag-uugali. Ang
pagpapahalaga sa bisang ito ay
pagkilala sa pagkaresponsable
ng indibidwal at sa pag-angat sa
kaniyang kalagayan.

Halimbawa 1
• Ang paghahangad ng sobra ay nagdudulot ng
hindi maganda. Ang pagpapakumbaba at pag-
unawa sa nagawang kamalian ay nagbubunga
ng muling pagtanggap at pagkakaintindihan.
(Kaunting dugo, Kaunting laman)
• Halimbawa 2
• Ang tunay na pag-ibig ay mapagparaya, hindi
ito sakim at hindi ito makasarili.Handa itong
magbigay kahit na ang kapalit ay pagdurusa at
pagkawala ng sariling kaligayahan. (Uhaw ang
Tigang na Lupa)
BISANG PANDAMDAMIN
•Ang ating damdamin ay naantig
ng damdamin ng tauhan sa
akda. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng: (1) pagpukaw
sa ating pandama; (2) alaala;
(3) tuwirang pagpapahayag ng
damdaming nais ihatid
•Halimbawa 1
• Personal kong paborito ang
akdang ito. At inaamin kong sa
tuwing nababasa ko ang akdang
ito ay nalulungkot pa rin ako,
ngunit patuloy pa ring nabubuhay
sa akin ang kakaibang damdamin,
ang damdamin ng PAG-IBIG.
(Uhaw ang Tigang na Lupa )

You might also like