Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Sintesis

References :
https://www.elcomblus.com
https://philnews.ph
Sintesis
• Mula sa Griyego na “syntithenai”
-Syn = kasama, magkasama
-tithenai = ilagay, sama-samang ilagay

• Makikita ang prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa, pag-


uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang
pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng mga ito upang
makuha lamang ang kahulugan, layunin, at kongklusyon ng libro.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

• Basahing mabuti ang kabuuang anyo at nilalaman ng teksto. Kung


hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-ulitin itong basahin.

• Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot ang lahat ng


pandama dahil naisasapuso at mailalagay nang wasto sa isipan ang
mahahalagang diwa ng teksto.

• Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod ng mga


detalye:
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

▫ Sekwensiyal — pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang


salaysay na ginagamitan ng mga panandang naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una, pangalawa, pangatlo,
susunod, at iba pa.

▫ Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga impormasyon at


mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.

▫ Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga hakbang o proseso ng


pagsasagawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

• Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto: ang una,


gitna, at wakas.

• Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos na anyo ng


teksto at sistematikong pagsulat.
Halimbawa
Ang depresyon ay isang uri ng seryosong sakit na nakaaapekto kung paano mag-
isip at kumilos ang isang tao. Ito ay maaaring magbunga hindi lamang ng pisikal
na mga problema kung hindi pati na rin sa emosyonal at sosyal na aspeto.

Ayon sa World Health Organization, 300 milyong tao sa buong mundo ang
nagdaranas ng depresyon. Ang mga edad na nasa pagitan ng 18 hanggang 25
taong gulang ang itinuturing na may pinakamalaking potensyal na magkaroon
nito. Dahil dito, mataas na porsyento ng mga tao ang nagpapakamatay at ito ay
ika-sampu sa pinakamataas na sanhi ng pagkamatay ng tao.

Ang depresyon ay mayroong iba’t ibang uri. Isa na rito ang tinatawag na “seasonal
depression”. Ang depresyon na ito ay mayroong “seasonal pattern”. Sa madaling
salita, nararanasan ito ng isang tao kasabay ng pagbabago ng panahon.

You might also like