Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Diskriminasyon at

Karahasan sa iba’t
ibang Kasarian sa
Lipunan
Sex Gender
- tumutukoy sa gawain ng babae - ito ay ang pagiging masculine
at lalaki na ang layunin ay o feminine.
reproduksiyon ng tao.
Katangian ng Gender
Katangian ng Sex 1. lalaki- malakas at matipuno
babae- mahinhin at mahina.
2. Ang mga lalaki ay maghahanapbuhay
1. Pagkakaroon ng buwanang regla ng samantala ang mga babae naman ay
mga babae samantalang ang mga lalaki
gumagawa ng gawaing bahay
ay hindi.
2. lalaki- titi at testosterone babae-
suso at estrogen
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
• Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) kakayahan ng isang tao
na makaranas ng atraksyon at pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay
maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang higit sa isa.
• Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ito ay malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya ay ipanganak.

Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at


homosexual.
Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na
pagnanais sa miyembro ng kabilang kasarian.
Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na
pagnanasa sa mga taong katulad nilang kasarian.
Lesbian Gay Bisexual Transgender Queer Intersex Asexual LGBTQIA+

Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o


romantikong atraksyon sa kapwa babae.
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang
kapwa lalaki.
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang
kasarian.
Transgender - taong ang pag-iisip at ang pangangatawan ay
hindi magkatugma.
Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang
uring pangkasarian.
Intersex - taong may
parehong ari ng lalaki at babae.
Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwal
sa anumang kasarian.
Kasaysayan ang LGBTQIA+ sa Pilipinas

Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas,


mababanggit ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo.
Ang Babaylán ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling
panrelihiyon. Nagsilbing manggagamot at tagapamahala ng
katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Español sa
Pilipinas.
Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga
asog sa Visayas noong ika-17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae
kundi nagbalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin
umano ay pakinggan ng mga espiritu. Ilan din sa kanila ay kasal sa
lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal
Noong dekada 60 umusbong
ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming
akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad.
GENDER ROLES SA IBA'T IBANG LIPUNAN SA MUNDO

Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kaniyang asawa na si
Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-
aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon
ay nakatagpo nila ang tatlong pangkulturang pangkat; Arapesh, Mundugumorat
Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga babae at lalaki sa pangkat na ito,
natuklasan nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa.
Sa Arapesh- Ang mga babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang
mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat.
Sa Mundugumor- Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo,
bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat.
Sa Tchambuli - Ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang
lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning
pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng kanilang
pamilya. Ang mga lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa
mga kuwento.
Ano ang diskriminasyon?

Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang


pag-uuri, eksklusyon, o
restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng
kasarian ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.
Diskriminasyon sa Kalalakihan
- may mga pagkakataon ding sila
ay nakararanas ng diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag
ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan at gumaganap ng mga
gawaing pantahanan.
Diskriminasyon sa Kababaihan
- paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng trabaho
partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at
pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa
sahod at limitadong kakayahang umangkop sa trabaho.
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Ayon sa pag-aaral na inilabas ng (UNDP) at
(USAID),
ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa
serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ilan sa mga halimbawa
nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa babae o
lalaki.
Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng
karahasan. Maaaring
magsimula ito sa kanilang pamilya at maging sa
trabaho. Wala itong pinipiling
edad, maging bata man o matanda. Ang pang-
aabuso sa kalalakihan ay hindi
kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring
emosyonal at seksuwal.
Karahasan sa Kababaihan

Ayon sa United Nations (UN), ang


karahasan sa kababaihan (violence
against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, seksuwal o
mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang
kalayaan.
Karahasan sa LGBTQIA+
Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2015
mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay
mula 2008-2015.
Hindi lamang kababaihan ang biktima ng
karahasang nagaganap sa isang relasyon o ang
tinatawag na domestic violence, maging ang
kalalakihan ay biktima rin. Ang ganitong uri ng
karahasan sa mga kalalakihan ay maaari ring
maganap sa heterosexual at homosexual na
relasyon.
Angelyn Majadillas
St.Pedro Calungsod

You might also like