2. Natutukoy ang bawat salita base sa kanilang konsepto 3. Nakabubuo ng halimbawa ng ponemang suprasegmental, klaster, diptonggo at pares minimal PONOLOHIYA Ang lahat ng wika saan mang panig ng mundo ay binubuo ng iba't ibang tunog, mga tunog na ginagamit upang makabuo ng mga salita. Ang pag-aaral ng mga tunog na ito ay tinatawag na ponolohiya at ang makahulugang tunog naman ng isang salita ay tinatawag na ponema. Ito ang tawag sa mga yunit ng tunog ng isang wika na nagpapaiba ng isang katuturan. Ponemang Suprasegmental Ito ang mga tunog na nakapagpapabago ng kahulugan ng mga salita/pangungusap na hindi kinakatawan ng letra ng alpabeta. May mga pagkakataon na kinakatawan ito ng mga bantas. Ito ang mga sumusunod: Diin (stress) Pagtaas o pagbaba ng tinig (pitch) Pagpapahaba ng Tunog (lengthening) Paghihinto (juncture) Intonasyon Ponemang Segmental Makahulugang tunog na inirerepresenta ng simbolo at mga titik na maaaring katinig o patinig. Ang /?/ ay kumakatawan sa glotal na tunog, na hindi kinakatawan ng anumang letra at hindi isinusulat sa pagbaybay ng salita.
Ayon sa pag-aaral, may 21 ponemang segmental.
Ponemang patinig: /a,e,i,o,u/. Ponemang katinig: b, k, d, g, h, I, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, /?/ A. Diptonggo Alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o/ y/ sa loob ng isang pantig ay itinuturing na isang diptonggo. Ilan sa mga gamiting mga diptonggo sa Filipino ay ang aw, iw, ay, oy, at uy. Halimbawa: Sa-YAW a-RAW ka-GAW ga-LAW-GAW ta-NAW a-LIW-IW a-GAY-A ba-TAY sa-LUY-SOY da-LOY B. Klaster Ang klaster o kambal katinig ay ang magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa loob ng isang pantig. Maari itong matagpuan sa unahan, gitna, at hulihang pantig ng salita. Halimbawa: GRI-po KLA-ro PLU-ma PLA-kard TRA-po PLE-ges KRIS-mas DRA-ma TRI-PLE KLI-ma C. Pares Minimal Ito ay ang mga pares ng salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na matatagpuan sa magkatulad na posisyon na nagpapabago ng kahulugan. Karaniwan itong ginagamit sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog na magkakahawig nguni't magkakaibang ponema. Halimbawa: sisig-sisid taga-daga bigkis-ligkis tala-sala bala-pala