Q3 Week 6

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

ARALING PANLIPUNAN

Ikatlong Markahan-
Modyul6 Ikanim na
Linggo
Pag-usbong ng Nasyonalismong
Pilipino Batay sa Pandaigdigang
Pangyayari
Ano ang target ko?
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang
nasusuri mo ang kaugnayan ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-
usbong ng nasyonalismong Pilipino batay sa
mga sumusunod: 1. Liberal na pamumuno; 2.
Ang pag-aalsa sa Cavite; 3. Isyu ng
Sekularisasyon.
Ano ako magaling?
Basahing mabuti ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang dahilan ng pagsiklab ng digmaan ng Espanya? A. Dahil sa pagpapalit ng
pamamahala ng Espanya mula sa konserbatibo tungo sa liberal. B. Dahil sa pagbubukas ng
mga daungan sa bansa para sa pandaigdigang kalakalan. C. Dahil sa pagbubukas ng British
East India Company ng mga bangko sa Pilipinas. D. Dahil sa pag-aangkat ng produkto sa
Pilipinas para matugunan ang mababang produksyon sa Mexico.
2. Sino ang itinalagang gobernador-heneral na isang demokratikong pinuno noong 1869-
1871? A. Gob. Hen Carlos Maria de la Torre C. Gob. Hen Jose Basco y Vargas B. Gob. Hen.
Rafael de Izquierdo D. Gob. Hen Fernando La Madrid
3. Ito ay isang pag-aalsa na umaabot sa 200 Pilipinong sundalo at obrero na naganap noong
1872. A. Pag-aalsa sa Cavite C. Pag-aalsa ni Maniago
B. Pag-aalsa ni Magalat D. Pag-aalsa ni Tamblot
4. Sino ang tatlong paring isinakdal at binitay sa pamamagitan ng garote? A. Burgos, Zamora,
Gonzalez C. Gomez, Burgos,Zapanta B. Gomez, Burgos, Zamora D. Zamora, Gomez, Borja
5. Ano ang naging epekto sa mga sundalong Pilipino pagkatapos ng pag-aalsa
sa Cavite? A. Dinesarmahan ang lahat ng sundalo sa arsenal at ipinatapon sa
Mindanao. B. Pinugutan ang tatlong pari sa Bagumbayan. C. Maraming
namatay sa pag-aalsa. D. Namundok at nagpakalayu-layo ang mga katutubo.
6. Bakit nag-alsa ang mga sundalo sa arsenal ng Cavite? A. Dahil sa pagpatay
sa tatlong pari. B. Dahil sa nawalan sila ng tirahan. C. Dahil sa pagpapahinto
ng serkularisasyon. D. Dahil sa pag-aalis ng pribilehiyong hindi pagbabayad ng
buwis.
7. Ano ang layunin ng kilusang sekularisasyon ng mga parokya? A.
Pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga paring Pilipino at Kastila. B. Mga
paring Kastila lang ang maaaring mamuno sa parokya. C. Pag-ako ng
karapatan sa mga Pilipino na maging pari. D. Pagbibigay sa mga paring sekular
ng kapangyarihang pamunuan ang mga parokya.
8. Sino ang nagtatag ng kilusang sekularisasyon upang ipagtanggol ang
karapatan ng mga paring sekular?
A. Gob. Hen. Carlos Ma. de la Torre C. Padre Jose Burgos
B. Gob. Hen. Rafael de Izquierdo D. Padre Pedro Pelaez
9. Saang pangkat ng mga pari nabibilang ang mga prayleng Espanyol ?
B. paring sekular C. paring katutubo B. paring regular D. ministro
10. Ilang pangkat ng mga pari ang nanunungkulan sa panahon ng Espanyol?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4
Ano ang balik – tanaw ko?
Isulat ang T kung ang pahayag ay wasto at M kung hindi sa sagutang papel.
1. Ang pagbubukas ng Suez Canal ang naging dahilan upang maging madali
ang sistema ng komunikasyon sa Pilipinas.
2. Ang mga ilustrado ay nabibilang sa mababang uri ng mamamayan sa
Pilipinas.
3. Ang pagbubukas ng Suez Canal ay nagpabilis sa pagpasok sa bansa ng
kaisipang liberal.
4. Lumago ang komersyo sa Pilipinas dahil sa pagbubukas nito sa kalakalang
pandaigdig.
5. Ang Suez Canal ay artipisyal na daluyan ng tubig na nagdurugtong sa
Mediterranean Sea at Red Sea.
Ano ang gagawin ko?
Ano ang kahulugan?
Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino Batay sa Pandaigdigang
Pangyayari Liberal na Pamumuno
Noong ika-19 ng Setyembre 1868, sumiklab ang isang
himagsikan sa Espanya . Nagugat ito sa pagpapalit ng
pamamahala ng Espanya mula sa konserbatibo tungo sa
liberal. Nagtagumpay ang himagsikan laban sa pamahalaan ni
Reyna Isabel II sa Cadiz, Spain.
Naging malaya at demokratiko ang pamunuan sa Spain. Nakatulong ang
kalagayang ito sa Pilipinas. Nagpadala sa ating bansa ng mga bagong pinunong
demokratiko. Naging magandang pagkakataon ito sa mga Pilipino.
Unti-unti nilang pinarating ang kanilang hiling at daing sa pamahalaan.
Nagawa nila ito nang ipadala ng Spain sa Pilipinas si Carlos Maria de la Torre
upang manungkulan bilang gobernador-heneral noong 1869-1871 na isang
demokratikong pinuno.
Ang Pag-aalsa sa Cavite (Cavite Mutiny)
Ito ay isang pag-aalsa noong 1872 ng umaabot sa 200 Pilipinong
sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite. Madaliang nasugpo ng
pamahalaang kolonyal ang pag-aaklas ngunit naging makabuluhan ito
sa kasaysayan. Dahil ginamit itong dahilan upang supilin ang mga
Pilipinong makabayan. At humihingi ng reporma sa pamahalaan.
Ang pag-aalsa ang ginamit na batayan upang isakdal at bitayin ang
tatlong paring Pilipino. Sina José Burgos, Jacinto Zamora, at Mariano
Gómez (Gomburza). Ang kanilang pagkamartir ang higit na nagpaalab
sa nasyonalismo ng mga Pilipino. At magdudulot sa huli ng
Himagsikang 1896.
Pinaniniwalaang nag-ugat ang pag-aalsa sa pagpapataw ni Gobernador-
Heneral Rafael de Izquierdo ng personal na buwis sa mga kawal at
manggagawa. Samantalang dati na siláng hindi saklaw nitó.
Isinaad ng buwis ang pagbabayad ng salapi at pagbibigay ng polo y
servicio ( sapilitang trabaho). Nang natanggap ng mga manggagawa ang
kanilang sahod, binawasan na ito ng buwis. Sa pamumunò ni Fernando La
Madrid, isang mestisong sarhento, nag-alsa silá noong Enero 20,1872.
Pagkatapos ng pag-aalsa, dinesarmahan ang lahat ng sundalo sa arsenal
at ipinatapon sa Mindanao. Dinakip at binitay o ipinatápon ang mga
pinaghinalaang sumuporta sa pagaaklas. Maraming mariwasa at ilustrado
ang nadawit sa pag-aalsa
Ginamit itong dahilan ng pamahalaang kolonyal at mga prayleng Español
upang idawit ang tatlong paring tinagurian ngayon bilang Gomburza.
Pagkatapos ng maigsi at kahinahinalang paglilitis.
Binitay ang tatlong pari sa harap ng publiko sa pamamagitan ng garote. Sa
halip ikatákot, tinandaan ito ng mga patriyota na pruweba ng kalupitan ng
mga mananakop.
Isyu ng Sekularisasyon
Isa pang mahalang pangyayari noong ika-19 na siglo na naging salik sa
pag-usbong ng kamalayang Pilipino ang sekularisasyon. Ang sekularisasyon
ay ang pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang
mga parokya.
Noong panahon ng mga Espanyol, nahati ang mga pari sa dalawa. Ito ay
mga paring regular at sekular.
Ang paring regular ay kinabibilangan ng halos mga prayleng Espanyol. Ito
ang mga paring kabilang sa mga ordeng relihiyoso tulad ng mga Agustino,
Dominikano, Heswita, Prnasiskano at Recoletos.
Ang paring sekular naman ay mga paring Pilipino na hindi kabilang sa
mga ordeng relihiyoso na pawang katulong lamang ng mga Paring Regular
sa mga parokya.
Nagkaroon ng suliranin kung sino ang mangangasiwa sa mga parokya ng mga
paring Heswita nang matanggal ang mga ito noong 1768. Pinagbintangan ng mga
maykapangyarihan ang mga Heswita na sinabing namuno sa isang pag-aalsa sa
Madrid, Spain laban sa isang ministro sa pamahalaan at pagtangkang patayin si
Haring Carlos III.
Nang dahil sa pangyayaring iyon, iniutos ng mga nakatataas na iluklok ang
mga paring sekular sa mga bakanteng parokya. Lubhang tinutulan ito ng mga
paring regular na natira. Nang bumalik ang mga Heswita noong 1859, itinaboy na
parang wala lang ang mga paring Pilipino kaya nakadama sila ng diskriminasyon.
Itinatag nila ang Kilusang Sekularisasyon na naglaban sa mga karapatan ng
mga Paring Pilipino. Ang Kilusang Sekularisasyon ay itinatag ni Padre Pedro Pelaez
upang ipaglaban ang karapatan ng mga paring sekular. Maagang nagtapos ang
panunungkulan ni Padre Pelaez pagkat namatay siya dahil sa lindol sa Katedral ng
Maynila.
Ipinagpatuloy ng GomBurZa ang kampanyang sinimulan ni Padre Pelaez. Mas lumala
ang diskriminasyon ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Mas umigting din ang hidwaan ng
mga Espanyol at Pilipino.
Sa pangkalahatan, ang sekularisasyón ay pagpapalawig ng mga gawaing hindi
pansimbahan o labas sa impluwensiya ng relihiyon. Nagkaroon ng mabuting epekto ito
ng nakipagtulungan ang mga mamamayan sa mga paring Pilipino. Dahil sa layunin ng
pananakop ng mga Español na gawing “sibilisado at Kristiyano” ang mga dinatnang
katutubo sa Pilipinas. At napangatwiranan ang pakikialam ng mga prayle sa mga gawain
ng pamahalaan.
Sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Español,
nangangahulugan ang sekularisasyon ng panggigiit ng kapangyarihan ng mga paring
sekular kapantay ng sa mga paring regular.
Sa pangkalahatan, masasabing nagkaroon ng epekto ang mga pangyayari sa labas
ng bansa noong ika-18 siglo. Ito ay sa pagpapalaganap ng malayang kaisipan sa
Pilipinas na siyang nagpakilos sa mga Pilipino upang ipaglaban ang mga karapatan at
kalayaan.
Sagutin ang mga katanungan.
1. Ipaliwanag kung bakit nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite? _______________
2. Ano ang naging dahilan ng pagbitay sa GomBurZa? ________________________
3. Ibigay ang kahalagahan ng pagtatag ng kilusang sekularisasyon sa Pilipinas?______
GAWAIN A.
Panuto: Pag-ugnayin ang mga salitang nasa Hanay A at B. Isulat ang titik sa
patlang bago ang bilang.
___1. Tatlong paring binitay A. Padre Pedro Pelaez
___2 Kilusang sekularisasyon B. GomBurZa
___3. Mestisong sarhento na nag-alsa C. Fernando La Madrid
___4. Himagsikan sa Spain D. Carlos Maria de la Torre
___5. Demokratiokng pinuno E. Setyembre 19,1868
GAWAIN B. Panuto: Lagyan ng TSEK (/) kung ang pangungusap ay may kaugnayan
sa pakikipaglaban ng mga Pilipino at EKIS (X) kung hindi sa sagutang papel.
_____1.Pagkakaroon ng pag-aalsa sa Cavite.
_____2.Pagkakaroon ng suliranin kung sino ang mangangasiwa sa mga parokya
ng mga paring Heswita .
_____3. Dinakip at binitay ang mga pinaghinalaang sumuporta sa pag-aaklas.
_____4.Walang diskriminasyon sa pagitan ng mga paring Kastila at Pilipino.
_____5. Pinatawan ng kamatayan ang tatlong paring martir.
GAWAIN C. Panuto :Piliin sa kahon ang mga pangyayaring naganap sa
bawat taon.
Ano ang natamo ko?
Maraming pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino. Nag-ugat ito sa pagpapalit ng pamamahala ng Spain mula sa
konserbatibo tungo sa liberal. Nagtagumpay ang himagsikan laban sa
pamahalaan ni Reyna Isabel II sa Cadiz, Spain. Naging malaya at demokratiko
ang pamunuan sa Spain.
Ang pag-aalsa sa Cavite ay naging dahilan ng pagbitay sa tatlong paring
martir na sina Gomez, Burgos at Zamora. Ito ay sa pamamagitan ng garote na
ikinagimbal ng sambayanan.
Sinundan ng sekularisasyon na mas lumala ang diskriminasyon ng mga
Espanyol sa mga Pilipino. Mas umigting din ang hidwaan sa pagitan ng mga
Espanyol at Pilipino.
Ano ang kaya kong gawin?
Ano ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag-
usbong ng Nasyonalismong Pilipino ? Nakatulong ba ito sa
pagkamit natin ng kalayaan? Ipaliwanag ang iyong sagot sa
pamamagitan ng isang sanaysay.
______________________________________________________
_____________
Kumusta ang target ko?
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin at isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
____1. Anong tawag sa pagpapalawig ng mga gawaing hindi pansimbahan o
labas sa impluwensiya ng relihiyon?
A. Sekularisasyon C. Kristiyanisasyon B. Kolonisasyon D. Katolisismo
____2. Sino ang Gobernador-Heneral na nagpataw ng personal na buwis sa mga
kawal at manggagawa?
B. Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre C. Gob. Hen. Rafael de Izquierdo
C. Reyna Isabel II D. Haring Carlos ____
3. Alin sa mga ordeng panrelihiyon ang hindi kabilang sa mga paring regular ?
A. Agustino B. Dominikano C. Illustrado D. Rekoletos
_____4. Ito ang naging dahilan ng pagsiklab ng himagsikan sa Espanya?
A. Dahil sa pagbitay sa GomBurZa. B. Dahil sa pagpalit ng palasyo.
C.Dahil sa pagtataksil ni Gob Hen. Carlos Maria dela Torre.
D. Dahil sa pagpapalit ng pamamahala ng Espanya mula sa konserbatibo tungo
sa liberal.
____5. Ang tatlong paring martir ay pinarusahan sa pamamagitan ng ______.
A. pagbaril C. pagbitay B. paggarote D. paglunod
_____6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng Cavite
Mutiny?
A. Mahigpit na pamamalakad ng mga Espanyol.
B. Paglimita sa pamamahayag ng mga Pilipino.
C. Paghahadlang sa sekularisasyon ng mga parokya.
D. D. Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga Pilipino.
____7. Ano ang mabuting naidulot ng sekularisasyon sa mga parokya? A.
Nagkawatak-watak ang mga Pilipino. B. Nakipagtulungan ang mga mamamayan
sa mga paring Pilipino C.Nakipagkasundo ang maraming Pilipino sa mga
Espanyol. D. Lumakas ang tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan.
______8. Anong pangyayari ang nagpasiklab ng damdaming nasyonalismo ng
mga Pilipino? A. Dahil sa pagbitay sa GomBurZa. B. Dahil sa pagbibigay ng
pagkain ng mga Espanyol. C. Dahil sa pag-aaklas ng mga Espanyol sa kanilang
Hari. D. Dahil sa gustong iparating ng Espanyol ang kanilang pagmamahal sa
mga Pilipino.
_____9.Ito ay orden ng pari na nása ilalim ng pangangasiwa ng mga obispo, at
sinanay upang humawak at mangasiwa ng mga parokya?
A. paring regular C. obispo B. paring sekular D. orde
10 . Alin ang naglalarawan ng epekto ng mga pangyayari sa labas ng bansa
noong ika-18 siglo? A. Napatahimik ang mainit na isyu sa sekularisasyon. B.
Napalawak ang kapangyarihan ng mga paring Pilipino. C. Napalaganap ng
malayang kaisipan sa Pilipinas D. Naiparating sa mga Pilipino na ang
pagkalaban mga Espanyol ay malaking kasalanan.
Ano pa ang kaya kong gawin?
Gawain A: Panuto : Ikuwento ang pakikipaglaban na ginawa ng mga Pilipino
sa pangyayaring nasa ibaba.

You might also like