Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ANO ANG KAPAYAPAAN?

KAPAYAPAAN
Ang resulta ng walang gulo o walang away sa isang
lipunan. Makakamit ang kapayapaan kapag may
pagkakaisa ang bawat tao sa isang lipunan (Eman,
2011).
Ito ay ang pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan o kawalan ng kaguluhan sa lahat ng
aspeto ng buhay tulad ng isipan, kalooban pamilya,
lipunang ginagalawan at iba pa.
Ang kapayapaan ay ang kalagayan ng pagkakaroon
ng katahimikan at katiwasayan. Ito ang katayuan sa
panahon na walang gulo, away, alitan o digmaan.
ANIM NA KONSEPTO NG KAPAYAPAAN
1. Kapayapaang Pansarili- tumutukoy sa kapayapaan ng kalooban at
ng puso. Kahit na may ingay o gulo, nananatili pa ring panatag at
kalmado ang kalooban.
 
Apat na Sangkap sa Sarili
• Pakikiisa sa Sarili (Harmony with self)- ito ay may kaugnayan sa
pisikal, imosyunal, sikolohikal, at mental na kalusugan. May pakikiisa
ang isang tao sa sarili kung siya ay may malusog na pangangatawan,
ang lahat ng pangunahing pangangailangan ay natutugunan,
nakakatulog nang mahimbing at nakakapag-ehersisyo ang katawan.
• Pakikipagkapwa (Harmony with others)- tumutukoy sa pakikiisa sa
kapwa lalo na kapag ang kapwang ito ay may kaparehong kakilanlan.
• Pakikiisa sa Kalikasan (Harmony with Nature)- ito ang
pagkakaroon ng kapayapaan sa sarili sapagkat maayos ang
kapaligiran na ginagalawan. Ang pagkakaroon ng mapayapa
at maayos na kapaligiran ay napakahalaga sa pagkakaroon
ng pakikipag-isa at kapayapaan. Kailangan ang tamang
pamamahala at pangangalaga sa kalikasan dahil kapag ito ay
nasira, ito ay maaaring magdulot ng sakit, kalamidad,
pagkasira ng kabuhayan at paghihirap ng pamumuhay.
• Pakikiisa sa Panginoon (Harmony with God)- ang
pagkakaroon ng pakikipag-isa sa Panginoon ay ang
pinakapundasyon ng kapayapaan. Ang Panginoon ang pag-
ibig at ang siyang tulay at dahilan ng pakikipagdamayan at
ang nagdadala ng magandang relasyon tungo sa ating sarili,
sa kapwa at sa kalikasan.
2. Pamumuhay ng may Habag at Hustisya- ang isang
tao ay makapamumuhay nang may katarungan kung
walang karahasan. Ang karahasan ay kinapapalooban
ng pinsala, pananakit, pang-aabuso, pagsasamantala,
pananakot, pang-aapi at pagpatay. Ang dalawang uri ng
karahasan ay ang pisikal at sikolohikal.
3. Pagtanggal ng Kultura ng Digmaan- ang Digmaan
ang isa sa mga hadlang sa pagkakaroon ng kapayapaan
at ito rin ang suliraning mahirap lutasin. Ayon sa ilang
pag-aaral ito raw ay nakaugat na saating kultura, ito ay
nagmula sa ating mga ninuno. Sa ngayon, ang
pagkakaroon ng Edukasyong Pangkapayapaan ang
nakikitang tanging pag-asa upang ito’y malutas.
4. Makamtan ang Karapatang Pantao- ang bawat
mamamayan ay protektado ng karapatang pantao. Ito ay
nakasaad sa Universal Declaration af Human Rights at sa
ating sariling Konstitution.
5. Pamumuhay na may Pakikiisa sa Mundo- kailangang
alagaan ang kapaligiran sapagkat nababawasan ng 100.000
ektaryang lupa ang ating bansa taun-taon dahil sa pagkasira
sa kagubatan. 11 milyong ektarya ng masaganang lupa rin
ang nagiging disyerto. Dahi dito, hindi natin namamalayan
na pinaiikli na natin ang haba ng ating buhay.
6. Pakikiisa sa Iba’t Ibang Kultura- ang ating bansa ay
binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko at mayaman sa iba’t
ibang kultura. Kaya, nararapat lamang na igalang ang
kaibahan ng ating kultura at paniniwala.
ANO ANG KAUNLARAN?
KAUNLARAN
Ayon kay James, ang kaunlaran ng bayan ay
nakakamit pag may mapayapa at pagkakaisa ang
bawat nilalang sa isang lipunan. Ito iyong epekto
kung saan lahat ng mamamayan sa isang lipunan ay
sumusunod sa lahat ng utos ng gobyerno.
Ito ay matatamo lamang kung sama-samang
nagtutulungan ang buong pamayanan. Ang
kaunlaran ay ang dahan-dahan o hindi kaya’y
mabilisang pag-asenso ng isang bansa, bayan o
pamayanan.

You might also like