Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Kabihasnang Maya

GROUP 1
PANGKAT ORION
Namayani sa Yucatan Peninsula (isang rehiyon sa Timog
Mexico hanggang Guatemala) noong 2600 BC pa lamang.
Lumitaw at nakilala lamang ito noong 250 CE.
Ang pag-iral ng kultura ng kabihasnang “Maya” sa kabuuan
ay nagtagal mla 500 BC hanggang 900 CE. Habang ang
“Classic Maya” naman ay 250 CE – 900 CE
Mga pamayanang lungsod na nabuo:
- Uaxactun
- Tikal
- El Mirador
- Copan
- Palenque
– 700 CE, nakamit nito ang rurok ng kabihasnan.
Ang mapa ng Timog Mexico
PINUNO
- Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang
mga kaparian sa pamamahala.
- Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na halach
uinic o “tunay na lalaki” ang mga pamayanang
urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa
kanilang mga diyos.
- Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado.
-Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan.
PINUNO
ang
“halach
uinic”
URI NG
PAMUMUHAY:
- EKONOMIYA
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga
produktong pangalakal ay mais, asin, tapa,
pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at balat ng
hayop. Nagtanim sila sa pamamagitan ng
pagkakaingin, Ang pangunahing pananim nila ay
URI NG
PAMUMUHAY:
- LIPUNAN
Nahahati sa apat na antas ng lipunan ang Maya. Nasa
pinakamataas na antas ang mga halach uinic (tunay na tao) ang
pinuno ng lungsod na siya rin pinuno ng hukbo. Ang nasa
ikalawang antas ay mga paring pinangungunahan ng tinatawag na
Ah Kin Mai (The Highest One of the Sun). Kasama sila at iba
pang hari sa pagsasagawa ng mga pag-aaalay, seremonya, at ritwal
para sa mabuting ani o kaya tagumpay sa digmaan. Ang mga
URI NG
PAMUMUHAY:
Mga alipin naman ang pinakamababang antas. Sila ang
naglilingkod sa kanilang mga amo sa pagbubungkal sa
mga bukirin. Sila ay kadalasan ay mga komoner na
ipinagbibili, mga bihag sa digmaan o kaya mga taong
binili sa kalakalan.
URI NG
PAMUMUHAY:
- Dahil sa kahalagahan ng agrikultura
sa buhay ng mga Maya, ang sinamba
nilang diyos ay may kaugnayan sa
pagtatanim tulad ng mais gayundin
Ilan sa mga pangunahing pananim ng mga
Mayans ay ang mais, pinya, at cacao.
MGA AMBAG:
- Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong
pangkalakal ay mais, asin tapa, pinatuyong isda, pulot-
pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa
pamamagitan ng pagkakaingin.
- Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani,
aklabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao.
- Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga
Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa
pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan.
MGA AMBAG:
- Nakillala ang mga Maya sa larangan ng
matematika at astronomiya. Ang isang kalendaryo
ay batay sa araw. Ginamit din ng mga Maya ang
konsepto ng zero. Nalinang ng mga Maya ang
komplikadong sistema ng hiroglipiko o
hieroglyphics na ginamit sa pagtatala ng mga
obserbasyon at kalkulasyon sa astronomiya at sa
impormasyong pangkasaysayan.
MGA AMBAG:

Mayan
Numerals
PAGBAGSAK:
-Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos
ang 600 CE. Subalit sa pagtatapos ng ikawalang siglo CE,
ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng
kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang
pangrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850
CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sentrong Maya ay
tuluyang inabandona o iniwan. wala pang lubusang
makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan.
Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng
kalikasan, paglaki ng populasyon, atpatuloy na digmaan
ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito.
PAGBAGSAK:
- Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak
ng produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi
ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na
nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong
kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito.
- Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan
ng Yucatan at nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng
Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa panghina ng
Chicken at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa
buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa
noong 1450.

You might also like