Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Carlos Polestico Garcia

(1957-1961)
Talambuhay:
Kapanganakan:Nobyembre 4, 1896
Lugar ng kapanganakan:Talibon,Bohol
Magulang: Policronio at Ambrosia Polistico
Edukasyon:Philippine Law School (Law)
Asawa:Leonila Dimayuga
Anak: Linda
Kamatayan: Hunyo 14,1947 sa Quezon City
(Atake sa Puso)
Carlos P. Garcia
Siya ang ika-walong pangulo ng Pilipinas .Naluklok bilang pangulo si
pangalawang pangulo ng Pilipinas si Carlos P Garcia dahil sa kamatayan ni
Pangulong Magsaysay.Ipinagpatuloy niya ang walong buwan g natitira sa
panunungkulan ni Magsaysay.Nahalal siyang pangulo ng bansa .Sa halalan nong
Nobyembre 1957 at nanungkulan noong Marso 18,1957-Desyembre 30 1961
.Nanalo naman bilang pangalawang pangulo si Diosdad Macapagal,isang kasapi
ng Liberal Party. Naging isa din siyang senador ng Pilipinas na naglingkod sa
taong 1946-1953 ,Gobernador ng Bohol noong 1933-1941 at miyembro nang
“Phillippine House of Representatives” na nanggaling sa Bohol’s 3rd District
noong tao ng 1925-1931
Pilipino Muna
Kilala si Garcia sa pagpapatupad ng “Pilipino Muna”. Sa pagpapatupad ni
Garcia ng Pilipino Muna binigyang-diin niya ang pagbibigay sa mga Pilipino ng
karapatan at pagkakataong unahin Mapaunlad ang kanilang kabuhayan bago
ang ibang bansa.Karapatan ng mga Pilipino na maki-Nabang sa ating likas na
yaman bago ang mga dayuhan.

Hindi nagustuhan ng mga mangangakal na banyaga tulad ng mga Amerikano at


Tsino ang patakarang “Pilipino Muna”.Subalit ito ang kailangan upang mabigyan
ng katiwasayan sa pangangalakal ang mga Pilipino
Mga Pagbabago sa Base Militar sa Pilipinas
Tinangka ni Garcia na magkaroon nang pagbabago sa Base Militar noon sa pamamalakad ng mga
Amerikno sa Pilipinas.Nagtagumpay naman si Garcia sa pagsisikap niyang ito batay sa mga pagbabago nang: (1)
pagtataas ng watawat ng mga Pilipino kaagapay ng watawat ng Amerikano sa lahat ng base ng mga Amerikano
simula noong Mayo 1,1957; (2)pagbabalik sa Pilipinas ng daungang pangmilitar na nasa Maynila ;(3)
pagkakasunduan ng Pilipinas at US na ipapaalam sa isa’t isa ang paglalagay ng mga missle kung dumating ang
takdang panahon;at(4)Pagbababa sa 25 taon ng 99 na taong pag-upa sa mga base at pagtatakda rin ng
limitasyon saMga himpilang military ng US sa Pilipinas kabilang ang Cark Air Base,Sangley Point Naval
Base,Subic Naval Base at Camp John Hay.

Ugnayang Panlabas
Ipinagpatuloy ni Garcia ang patakarang panlabas ng pamunuang Magsaysay.Nagpahayag sina Pangulong
Garcia at Pangulong Chiang Kai Shek ng Taiwan na nagpapatatag ng seguridad ng isa’t isa laban sa komunismo
Dahil dito, pinagtibay ng Kongreso ang Anti-Subversion law ,isang patunay na ang Pilipinas ay tutol at laban
saKomunismo .Pinagtibay din ang kasunduan sa paggitan ng Japan at Pilipinas noong 1960 para sa
pagkakaibigan,paglalayag,at kalakalan.itinatag naman ang Association of Southeast Asia noong 1961 para sa pa-
gtutulungang ,pangkultura at pangkabuhayan ng mga kasaping bansa
Pagtaya sa Administrasyon
Pinagsikapan ni Garcia na mangibabaw ang karapatan ng mga Pilipino sa kanunlarang
ekonomiko ng bansa. Tinangka ng administrastong Garcia na ibigay ang kontrol ng kalakalan sa
mga Pilipinong mamumuhunan sa halip na panatilihin sa mga kamay ng mga dayuhan.
Magandang paraan ito ng pagbuhay ng nasyonalismong Pilipino sa pamamagitan ng pagtangkilik
sa sariling produkto. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nagpapamalas ng pagmamalaki at
kung may pagmamalaki sa sariling produkto, patuloy na paghuhusayin pa ang mga produktong
atin. Subalit ito ay hindi lubusang nagtagumpay dahil unti-unting naalis ang kontrol sa kalakalan
dahil sa payo kay Pangulong Garcia ng mga taong kampi sa malayang kalakalan at
makapangyarihang mga politiko na naggiit sa malayang kalakalan.
Nagtagumpay si Garcia sa pagkakaroon ng pagbabago sa pamamalakad sa mga base
militar sa Pilipinas para rin sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino. Umunlad din ang
ugnayang panlabas dahil sa pagpapatuloy ng paglaban sa komunismo. Isang patunay rito ang
pagdami ng mga bansang nakikipag-ugnayan sa Pilipinas.

You might also like