Professional Documents
Culture Documents
Mga Paraan NG Pagtalakay Sa Mga Akdang Pampanitikan
Mga Paraan NG Pagtalakay Sa Mga Akdang Pampanitikan
Mga Paraan NG Pagtalakay Sa Mga Akdang Pampanitikan
PAGTALAKAY SA MGA
AKDANG PAMPANITIKAN
PANLIPUNAN
PANGKAISIPAN
PANGMORAL
PANG-ANYO
PANG-ARKETIPO
Bawat akdang nakasulat ay magkakaroon
lamang ng halaga kung ito’y binabasa at
pagkatapos ay pinag-uukulan ng matamang
pagsusuri ng bumabasa.
Nadaragdagan ang pagpapahalagang ito sa
pamamagitan ng pagtalakay sa nilalaman nito,
gayundin sa iba’t ibang mga aspeto ng akda.
Ang pagtalakay sa mga akdang pampanitikan
ay nakatutulong nang malaki sa lalong
ikauunawa sa nilalaman, mensaheng ibig
iparating, mga talinghaga o tayutay na
ginagamit at, sa ilalim ng kaisipang nais na
ipinahihiwatig ng may-akda.
5 Dimensyon base kay Arrogante (1991)
Panlipunan
Pangkaisipan
Pangmoral
Pang-anyo
Pang-arketipo
PANLIPUNAN
Dito’y matamang sinusuri ng mambabasa lalo
na ng mga mag-aaral ng panitikan ang
interaksyon ng tao sa tao, ng tao sa lipunan,
sinusuri rin ang interaksyon ng tao sa kaniyang
kapaligiran.
Susuriin din dito ang mga suliraning
panlipunang may malaking kaugnayan sa
kanyang tagumpay o pagkabigo.
Halimbawa: Ibong Mandaragit
PANGKAISIPAN
Dito’y binibigyang-diin ang pakikipaglaban ng
tauhan sa sariling isipan.
Iniisip niya kung tama ba o mali ang kanyang
desisyon, ang kanyang gagawin o ginagawa.
Kung minsan, pag di naging matagumpay ang
kanyang ginawa, pinipilit niyang sabihin sa
sariling tama naman ang kanyang ginawa.
PANGMORAL
Ito ay ang pagtalakay na pampanitikan na ang
isinasaalang-alang ay ang aral, ugali, kilos at
panahong ikinapangyari.
Subalit di lahat ng inaasal ng nakararami ay
sasabihin na nating wasto.
Halimbawa: pre-marital seks o live in bago
kasal.
Subalit may mga pagbabago rin namang di
lumilinang sa bata ng moralidad kaya nga’t
masasabing may kinalaman ang panahon sa
pagtalakay na pampanitikang ito.
Halimbawa: Panliligaw
PANG-ANYO
Malimit na ginagamit ito ng mga guro ng
panitikan bilang paraan nila ng pagpapahalaga
sa anumang akdang kanilang nais talakayin.
Maaaring ito ay tula, kwento, nobela at iba pa.
Porma o anyo ng pagkakabuo sa mga akdang
pampanitikan.
PANG-ARKETIPO
Ito ay paraan ng pagtalakay sa anumang
akdang pampanitikan na kasisinagan ng mga
tauhan sa Bibliya o banal na Kasulatan,
gayundin sa mga tauhan ng mga klasikong
akda ng mga Griyego at Romano at sa mga
akdang popular tulad ng Florante at Laura na
akda ni Francisco Balagtas; ng Sisa, Salome at
Elias, Basilio at Crispin sa akda ni Rizal sa
Noli Me Tangere.
Kung ang pagtalakay ay kasisinagan ng mga
tauhang buhat sa Banal na Kasulatan tulad nina
Pedro o Simon, Maria at Jose, ng Mabuting
Samaritano, ng Alibughang Anak at iba pa;
masasabi nating pang-arketipo ang
pamamaraang ginamit.
ERMITA
ni: CC Marquez
Ito ang Ermita, Isang kagubatan ng lasing na
nota
At sala-salabat
Ang bisig na bisig ng mga turista
Na namumulupot
Sa murang petalo ng mga orkidya…
Kumunoy ang gabi’t
Isang kadawagan ng hungkang na tawa
Ito ang Ermita.
Ermita ay gubat,
Isang kasukalan ng langong liwanag
Na gumagahasa
Sa dilim na sulok ng disco at beerhouse;
Narito ang bangis
Ng nagpapakahayop na mulat na utak
Na ang nilalapa
Ay sisiw na bagong kabababang-pugad
Ermita ay gubat.
Ermita ay Eden
May bawal na bungang malayang kainin,
Isang kadawagan
Ng Teknolohiya, realismo’t sining…
Arenang sukatan
Ng pagka-Bathala at pagkaalipin,
Gubat ng liwanag
Na dilim ng lungsod ang limit silawin,
Ermita ay EDEN!.