Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Paggamit ng Wastong

Retorikal na Pang-ugnay
sa Akda
Paggamit ng Wastong Retorikal na
Pang-ugnay sa Akda (kung, kapag,
sakali, at iba pa), sa Paglalahad (una,
ikalawa, halimbawa, at iba pa, isang
araw, samantala), at sa Pagbuo ng
Editoryal na Nanghihikayat
Ang kalayaan ay may kaakibat na
responsibilidad. Saklaw nito ang
pagsasalita, ang mga binitawang salita
ay hindi na mababawi pa kaya
kailangan ang lubos na pag-iingat dahil
ito ay maaaring makabuo o makasira
ng isang tao.
Ikalawa, ang pagkilos na may kaakibat na
desisyon, na kahit anong mangyari, ay
kailangang maging responsable ka sa
kahihinatnan nito. Ikatlo, ang pagsulat hinggil
sa pagbibigay ng opinyon at kuro-kuro sa
nangyayari sa iyong paligid kasama rito ang
pag-alam sa katotohan at matibay na batayan
isinusulat.
Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Ang isang mahusay na editoryal o pangulong


tudling ay nagsusuri, nagpapakahulugan tungkol
sa isang napapanahong pangyayari upang
magbigay-kabatiran, impormasyon, o manlibang
sa mga taong nagbabasa nito
Sa pahayagan, makikita ito bilang isang
pitak o column kung saan mababasa
ang kuro-kuro, opinyon, at
paninindigan ng buong pahayagan o
tinatawag na editoryal. Ito ay tinatawag
ding tinig ng pahayagan.
Ang mga bahagi ng editoryal:

1. Panimula

2. Katawan

3. Wakas
Isa sa mga uri ng editoryal ay
manghikayat. Ang pagnanais na
makahikayat o makumbinsi ang iyong
mambabasa sa iyong pananaw o
paninindigan ay isang hamon sa isang
manunulat lalong higit sa pagsulat ng
isang editorial.
Sa pagsulat ng isang editoryal, malaki ang
maitutulong ng retorikal na pang-ugnay
upang maging mabisa ang ginagawang
paglalahad at mapanatili ang ugnayan ng
mga salita, sugnay, parirala maging
pangungusap. Kabilang sa mga ginagamit
ay ang sumusunod:
1. Ang pang-ukol o preposition sa wikang
Ingles, ay kataga o salitang nag-uugnay sa
pangngalan o panghalip sa ibang salita sa
pangungusap.
Halimbawa:
sa ng kay/kina
Para sa/kay alinsunod sa/kay para sa/kay
ayon sa/kay
tungkol sa/kay laban sa/kay
2. Ang pang-angkop o ligatures sa
wikang Ingles, ay salitang nag-uugnay
sa panuring at salitang tinuturingan.
Pinadudulas nito ang daloy ng
pangungusap.
A. na – Ginagamit ito kapag ang
unang salita ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n.
Halimbawa:
bilog na bola
makinis na lamesa
B. -ng – Ginagamit ito kapag ang unang salita ay
nagtatapos sa patining. Ikinakabit ito sa unang
salita.
Halimbawa:
mabuting tao
maputing anghel
*kapag ang unang salita ay nagtatapos sa n,
kinakaltas ang n at ikinakabit ang -ng.
Halimbawa:
tuwirang pahayag
3. Pangatnig - Ang pangatnig o
conjunction sa Ingles ay mga
kataga/salita na nag- uugnay ng
dalawang salita, parirala, o sugnay.
Halimbawa:
A. Pandagdag - nagsasaad ng pagpuno o pagdagdag ng
impormasyon
Halimbawa: at, pati

B. Pamukod - nagsasaad ng pagbubuklod o paghihiwalay


Halimbawa: o, ni, maging

C. Pagbibigay-sanhi - salitang nagbibigay katuwiran o


nagsasabi ng kadahilanan Halimbawa: dahil sa, sapagkat,
palibhasa
D. Paglalahad ng bunga o resulta - nagsasaad ng
kinalabasan o kinahinatnan
Halimbawa: bunga, kaya

E. Kondisyon - nagsasaad ng kondisyon o pasubali


Halimbawa: kapag, pag, kung, basta

F. Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat - nagsasaad ng


pagkontra o pagtutol Halimbawa: ngunit, subalit,
sapagkat
Gayundin sa paglalahad nito, ginagamit ang sumusunod:

4. Sa paglalahad ng kuwento ginagamit ang mga pang-


ugnay tulad ng isang araw, samantala, at iba pa.

5. Pagsusunod-sunod o order. Ang paraang ito ay ang


pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Gumagamit ito ng
mga pang-ugnay na una, ikalawa, ikatlo, kasunod,
panghuli, at iba pa. Ginagamit ito upang mas madaling
masundan ang ginagawang paglalahad ng mga mambabasa.
EDITORYAL
Huwag Maging Pasaway Narito Pa ang Kalaban Punto Mo I
Pang-masa I June 19, 2020

HINDI bumababa at tumataas pa ang kaso ng mga


nagkakaroon ng infection. Ibig sabihin, nasa paligid pa
ang kalaban at nag-aabang ng mga makakapitan. Kaya
hindi pa dapat magrelaks ang mamamayan. Hindi
dapat maging pasaway sapagkat napakadelikado pa sa
kasalukuyan.
Mula nang payagan na makapagbukas ang ilang
establisimyento para may pagkakitaan at gumulong ang
ekonomiya, pati na rin ang pagbiyahe ng ilang
pampublikong sasakyan, tila nakakalimot na sa pag-iingat
ang ilan at nawawala na ang physical distancing.
Nagkukumpolkumpol na naman at ang iba ay walang face
mask. At kung may face mask, nakalitaw ang ilong at ang
iba naman ay nasa dakong panga na. Mayroong nakasabit
na lang sa tainga ang face mask. Mayroon na ring mga nag-
iinuman sa kalsada at may nagkakaraoke pa. May mga
nagtsitsismisan na sa kalsada.
Narito pa ang kalaban at naghihintay pa ng
mga mabibiktima. Hindi pa dapat balewalain ang
sinasabi ng mga awtoridad na mag-ingat para
hindi mahawa ng virus. Kailangang panatilihin
ang nasimulang paghuhugas ng kamay, umiwas
sa karamihan ng tao, mag-face mask at huwag
magkumpol-kumpol o magdikit-dikit.
Araw-araw ay may nadadagdag na kaso
at may namamatay. Ang isang magandang
balita ay marami ang gumagaling. Mas
maganda kung mararating ang numero na
hindi na halos gumagalaw ang mga kaso at
patuloy naman ang mga nakakarekober.
Nagdudulot naman ng pangamba ang sinabi
ng isang propesor sa University of the
Philippines (UP) na maaari daw umabot sa
40,000 ang kaso ng COVID-19 sa Hunyo 30
kung patuloy na magluluwag ang gobyerno.
Hindi raw dapat ang pagluluwag sa ngayon
sapagkat dadami pa ang kaso.
May ilang local government units (LGUs) na humiling
sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of
Emerging Infectious Diseases na isailalim pa sa mahigpit
na quarantine ang kanilang nasasakupan. Ayon sa report, 20
LGUs ang humiling na baguhin ang kanilang klasipikasyon
at ilagay sila mula General Community Quarantine (GCQ)
patungo sa Modified Enhanced Community Quarantine
(MECQ) para ganap na mapigilan ang pagkalat ng virus.
Nararapat na sumunod ang mamamayan.
Huwag balewalain ang ipinag-uutos sapagkat
patuloy ang pagkalat ng sakit. Makipagtulungan
para ganap na malabanan ang salot na virus.

Sanggunian: https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2020/06/19/2021976/editoryal-huwag-maging-
pasaway-narito-paang-kalaban

You might also like