Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Magandang Hapon!

Magandang Hapon

Magandang Hapon
Edukasyon sa Pagpapakatao 4- Rizal
Inihanda ni Reden S. Javillo
 
PANUNTUNAN
• Pag nag sasalita ang guro dapat makinig ang lahat.
• Maging aktibo sa klase.
• Pag hindi tinawag wag mag sasalita.
BALIK ARAL!
ANO ANG DAPAT GAWING PAG MERONG NANGANGAILANGAN NG
TULONG LALO NA SA MGA TAO NASALANTA NG KALAMIDA?

DUNASYON (mag bigay ng NARARAMDAMAN (Sa paglalagay


pagkain, damit, gamut.) ng iyong sarili sa kanilang
sitwasyon.)

MAGBOLUNTARYO (iboluntaryo MANGHIKAYAT (Hikayatin ang iyong


ang iyong oras, kakayahan, at pamilya, mga kaibigan, at mga
taleno) kamag-aral)
AKTIBIDAD
Ikumpara ang mga larawan at punahin kung ano
ang pagkakaiba ng dawala at ibigay ang iyong
ediya o naiisip sa mga larawan.

(IKUMPARA ANG DALAWA)


Paggalang sa Kapwa sa
Lahat ng Oras at
Pagkakataon
Layunin

a. Maipapamalas ang wastong paggalang sa kapwa sa


lahat ng oras at pagkakataon;
b. Maipapaliwanag kung papano ang tamang paggalang
sa kapwa; at
c. Naisasabuhay ang tunay na paggalang sa taong
nagpapahinga.
•Tungkol saan ang leksyon kaya natin
ngayon?
•Meron ba kayong naiisip o ideya?
•Kailan mo huling naipadama ang
paggalang sa kapwa?
•Ano ang iyong ginawa upang
maipakita ang paggalang sa kanila?
• Gamitin ang bawat pagkakataon upang
maipakita ang pagpapahalaga at paggalang sa
kapwa. Tandaan na walang pinipiling panahon,
oras, at pagkakataon ang pagpapadama ng
paggalang sa kapwa.
Ano ang Mabuting Gawin

Ang paggalang ay isang tanda ng pagpapahalaga at


pagmamalasakit sa kapwa.

Ang bawat tao ay dapat iginagalang anuman ang


katayuan sa buhay.
Masasabing may paggalang
ka sa kapwa kapag iniisip mo
kung paano nakaaapekto sa
kanila ang iyong salita at
kilos.
Ang paggalang sa kapwa ay maipapakita sa maraming paraan.

Ito
ay maipapahayag sa
pamamagitan ng mabuting asal
at magalang na
pananalita sa kapwa
Paggalang sa Nagpapahinga
• Ang pamamahinga tulad ng pagtulog ay isa sa mahalaga at likas na
gawain na kailangan ng tao sa kaniyang pang araw-araw na
pamumuhay.
Paano nga ba natin maipakikita ang paggalang sa mga taong
nagpapahinga o natutulog?

1. Iwasang maging sagabal o maging dahilan ng pagkaantala ng pamamahinga ng


kapwa. Huwag gumawa ng anumang ingay na makasasagabal sa kanilang
pamamahinga.
2. Maging maingat sa iyong pagkilos upang makasiguro na hindi ka makagagawa
ng anumang hindi kinakailangang ingay.
3. Ugaliin ding hinaan ang lakas ng tunog na galing sa telebisyon, radyo,
computer, o cellphone na madalas ay nagiging sanhi ng pagkaputol ng oras ng
pamamahinga ng tao.
4. Ipagpaliban ang anumang nais mong itanong o sabihin sa nagpapahinga o
natutulog kung hindi naman ito mahalaga.

5. Pahalagahan din ang mga tao sa paligid na may nagpapahinga o natutulog na


hindi dapat maistorbo.
Paggalang sa Nag-aaral
• Mahalaga ang bawat oras na ginugugol sa pag-aaral. Ang mga bagong
kaalaman na natututuhan mula sa pag-aaral ay nakapagpapalawak ng
kaisipan.
Ang mga sumusunod ay mga gawaing magpapamalas ng
pagrespeto sa kapwa sa oras ng kanilang pag-aaral.

1. Huwag abalahin sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan ang sinuman na nag-aaral,


gumagawa ng takdang aralin, o nagbabasa.

2. Huwag hikayating maglaro o maglibang ang nais mag-aral sapagkat maaaring maging
hadlang ito upang hindi matapos ang kanilang ginagawa.
3. Hinaan ang tunog na nanggagaling sa telebisyon, radio, computer, o cellphone upang
hindi makasagabal sa mga nag-aaral.

4. Iwasan ang pakikipag-usap o pakikipagdaldalan sa oras ng leksiyon sa loob ng silid-aralan.

5. Sa oras ng pagsusulit ay iwasan ang gumawa ng anumang ingay na maaaring makasira ng


konsentrasyon ng mga kumukuha ng pagsusulit.
Paggalang sa may Karamdaman o Maysakit
• Ang taong may karamdaman ay maraming pangangailangan na dapat
nating isaalang-alang. Ang mabuti at magalang na pakikitungo sa
taong maysakit ay makatutulong tungo sa pagbuti ng kanilang
kalagayan.
Ang mga sumusunod ay makatutulong sa mga may
karamdaman o maysakit.

1. Tulungan silang maging komportable. Ilagay sa kanilang tabi ang mga bagay na maaari nilang
kailanganin tulad ng tubig, unan, gamut at kahon ng tissue o icepack.

2. Panatilihing tahimik ang paligid upang higit na makapahinga ang maysakit.

3. Makatutulong kung hihinaan ang tunog na nanggagaling sa telebisyon , radio, computer, o


cellphone upang hindi makasagabal sa kanilang pamamahinga.
4. Alamin kung may kakayahan o lakas upang makipag-usap. Ipagpaliban ang pakikipag-usap sa
kanila hanggang bumuti ang kanilang kalagayan.

5. Aliwin sila sa pamamagitan ng pagbasa ng kanilang paboritong libro, samahan sa panonood


ng TV o makipagkuwentuhan sa kanila.
Tanung
*Ano ang tinalakay natin sa araw na ito?

*Ano ang mga aral na inyong napulot sa tinalakay ngayong umaga?

* Gano kahalaga ang paksang ating tinalakay ngayon?


AKTIBIDA
D
SaPagsasagawa
inyong palagay, kailan mo maipakikita ang paggalang sa
kapwa sa mga sumusunod na pagkakataon o sitwasyon.
PANUTO: Gumawa ng kahon at hatiin ang kahon sa apat na
piraso,isulat ang “sitwasyon” sa unahang taas na kahon at
sa pangalawang taas na kahon isulat naman ang salitang
“Pagpapakita ng Paggalang” tapos sa baba ng Sitwasyon
isulat naman sa mga sumusod na kahon ang mga salitang
(Kapag may nagpapahinga o natutulog, Kapag may nag-
aaral, kapag mayroong may sakit, at panghuli ang Kapag
may matanda)
HALIMBAWA
Sitwasyon Pagpapakita ng Paggalang

Kapag may nagpapahinga

Kapag may nag-aaral

Kapag mayroong may sakit

Kapag may matanda


PAGSUSULIT
• https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScFtSbx7Hs-
RPoLu8ZFcVk2ajrVw77PJLkauAji9zYoAMRl2A/viewform?usp=sf_link
Takdang Aralin
Basahin ang susunod na Aralin na makikita sa pahina 72.
Paksa “Ang Pakikinig ay Daan sa Mabuting Ugnayan”

You might also like