Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

(Epiko mula sa Turkey)

MGA TAUHAN:
 Haring Peseng  hari ng Turkey

 Haring Minucehr  hari ng Persia na namatay

 Alp Er Tonga  anak ni haring Peseng


 may likas na tangkad, may katawang tulad
ng leon, may lakas tulad ng elepante at may dilang tulad
ng matalim na espada

 Alp Ariz  kapatid ni Alp Er Tonga

 Barman  isa sa mga bayaning Turko at humamon


ng pang-isahang laban
 bata pa at may pusong wangis ng leon

 Kubad  kapatid ng heneral ng Persia


 matanda na
 Haring Zal  hari ng bansang Kabil, kakampi ng Persia

 Zev  napunta sa kanya ang trono ng Persia ngunit


nagapi rin

 Zal  ipapalit sanang hari ng Persia ngunit siya’y matanda


na

 Rustem  anak ni Zal na lumaban sa mga hukbo ng Turko

 Keykavus  nakuha nito ang trono ng Persia


 naglasing sa pagdiriwang ng kanyang tagumpay at siya
ay nabihag at nailigtas siya ni Zal
 Siyavus  anak ni Keykavus
 una niyang napangasawa niya ang anak ng bayaning Turko
na si Piran
 pinaslang din siya sa huli

 Ferengis  pangalawang asawa ni Siyavus na


pinakamatandang abak ni Alp Er Tonga

 Keykhusrev anak na lalaki ni Siyavus sa una niyang asawa

 Sarka anak na lalaki ni Alp Er Tonga na namatay sa digmaan

 Bazur  pinadala ni Keykhusrev laban sa mga Persian na


kung saan ay bumuulong ng sumpa na naging dahilan ng pag-
ulan ng niyebe
 Sideanak ni Alp Er Tonga na isang Panginoong Tsino na tinawag na
Puladvend (naninirahan sa bundok ng Tsina na umanib sa hukbo ng Turan
Pesheng ang tunay na pangalan
namatay nang makalaban si Keykhusrev

Iba pang anak ni Alp Er Tonga:


 Cehen

 Afrasiyab

 Girdegir

 Guheyla

 Bijen isang bayaning Persian na nahulog sa anak ni Alp Er Tonga na si


Menije

 Kara Khan isa sa mga hukbo ni Alp Er Tonga sa Ceyhun

 Hum naninirahan sa yungib malayo sa mga tao


nagbilanggo kay Alp Er Tonga
 Nag-uumapaw ang galit
ni Alp Er Tonga at
inalok niya ang
kanyang sarili upang
maghiganti sa Persia
sapagkat may angkin
siyang lakas upang
makipaglaban.
AMUL
 Pinasamahan ni Haring Peseng
ang kanyang isa pang anak na
si Alp Ariz sa pakikidigma at
una nilang tumungo sa Amul
kasama ng mga sundalo at
pinintahan ang katubigan ng
dugo.
DEHISTAN
 Sa kanilang paglalakbay patungong Persia ay
nakarating sila sa Dehistan. Dito ay unang
nagkaharap ang dalawang hukbo, si Barman
na isang Turko at si Kubad sa Persia.
Naglaban sila umaga hanggang gabi at sa
huli’y nagtagumpay si Barman. Umatras ang
mga Persian sa labanan at pinauwi ang hari sa
kanyang dalawang anak na lalaki at sa
Bundok Zave naman ang mga kababaihan.
 Nagpahinga ng dalawang araw
ang magkabilang kampo at sa
ikatlong araw ay muling lumusob
ang hukbo ni Alp Er Tonga. Pilit
na tumatakas ang hari at heneral
ng Persia ngunit sinundan niya
ang mga ito at naging bihag.
 Si Haring Zal ng bansang Kabil
ay dumating upang tulungan ang
mga Persian at sa pamamagitan
niya ay natalo niya ang mga
Turko. Dahil sa pagkatalo nila’y
nagalit si Alp Er Tonga dahilan
ng pagpaslang niya sa bihag na
hari.
SARI
 Pinaslang ni Alp Er Tonga ang
kanyang kapatid sapagkat
kanyang pinalaya ang mga bihag
na nais na sanang kitlin ngunit
iminungkahi ng kanyang kapatid
na ibihag na lamang ito sa Sari
ngunit sa huli’y kanya palang
pinatakas.
 Ang trono ng Persia ay napunta kay
Zev na kung saan ay limang buwan
ang naging digmaan nila sa mga
Turko, ngunit nagkaroon ng
taggutom at nagkasundo ang
kanilang bansa ng kapayapaan. At
dumating nga sa puntong ang mga
bansa sa hilagang Persia ay naging
 Patuloy pa ring sinalakay ni Alp Er
Tonga sa kabila nang pagkamatay ni
Haring Zev. Nagalit si Haring Peseng kay
Alp Er tonga dahil sa papaslang nito sa
kanyang kapatid.
 Sa pagkamatay ng bagong hari ng Persia
at naging bakante ang trono ay sinabihan
niya ang kanyang anak na kunin ang
trono.
 Labis ang pagkabahala ng mga Persian sa
pagdating ng hukbong Turko kung kayat
nagpaabot sila ng mensahe kay Zal ngunit
matanda na ito, sa halip ay pinapunta ang
anak na si Rustem sa pakikidigma. Sa
pamamagitan niya natalo niya ang mga Turko
at nakuha ang korona muntik na rin niyang
matalo si Alp Er Tonga ngunit dumating pa
ang mga kasamahan nito sanhi ng kanyang
pagtakas. Napatay ni Rustem ang 1160 na
CEYHUN
 Lumipat at umuwi si Alp
Er Tonga sa Ceyhun at
kinumbinsi ang ama na
makipagkasundo, at
nagkaroon nga ng
kapayapaan.
 Ang trono ng Persia ay pinamunuan nga ni
Keykavus, ngunit sumalungat ang mga Arab.
Nabihag siya dahil sa kanyang kalasingan sa
pagdiriwang ng tagumpay.
 Sinalakay ni Alp Er Tonga ang mga Arab at
ang lahat ay kanyang binihag nang
makapasok na sa Persia, hanggang ang mga
Persian ay muling humingi ng tulong kay Zal
at nailigtas nga niya si Keykavus mula sa mga
Arabat naging bahagi ng kanyang hukbo.
Muli na namang natalo si Alp Er Tonga at
SIRAHS
 Pitong tanyag na bayani mula sa
Persia ang lumapit kay Rustem
upang natugis si Alp Er Tonga sa
kanyang lupain. Nabalitaan niya ito
at pumunta sa Sirahs ngunit sa
kasamaang palad ay natalo ang
kanyang mga sandatahan at muntika
niyang pagkabihag mula sa mga
Persian.
 Naging abala si Keykavus sa
kanyang buhay pag-ibig at pag-
aliw sa Persia. Lumapit ang mga
Turko kasama si Alp Er Tonga
upang makipaglaban at ipinadala
nni Keykavus ang kanyang anak
na si Siyavus at Rustem sa
pakikidigma.
GANG
 Si Alp Er Tonga ay nagkaroon ng
masamang panaginip kung kayat
tapagkasunduan nila ng kanyang
mga tagapayo na makipagsundo
sa mga Persian at pinakawalan
niya ang mga bihag at nagtungo
sa lungsod ng Gang.
 Nagalit si Keykavus sa kanyang
anak at kay Rustem sapagkat
ayaw niya ng kapayapaan tungo
sa Turkey. Si Rustem ay nagbalik
sa kanyang bansa at sumama
naman si Siyavus kay Alp Er
Tonga sa lugsod ng Gang.
 Napangasawa ni Siyavus ang
anak ng bayaning Turko na si
Piran ngunit hindi nagtagal ay
kanya ring napangasawa ang
pinakamatandang anak ni Alp Er
Tonga na si Ferengis at
nagkaroon nang anak kay Piran
at pinangalanang Keykhusrev.
 Nagkaroon ng hidwaan sina
Siyavus at Alp Er Tonga sapagkat
may mga taong may ayaw kay
Siyavus kung kaya’t nagsalita ang
mga taong ito upang siraan siya
kay Alp Er Tonga na naging
dahilan ng pagpaslang kay
Siyavus.
 Sa mga pangyayaring iyon ay
nagpakitang muli si Rustem at
nagkaroon muli ng digmaan. Sa una
nilang pakikidigma ay naglabanan ang
anak ni Alp Er Tonga na si Sarka laban
sa mga Persian ngunit siya’y kanilang
napatay. Patuloy nilang sinundan si Alp
Er Tonga sa Dagat ng Tsina, si Rustem ay
bumalik sa kanyang bansa matapos ang
anim na taong pagpaslang sa mga taong
sinumang makita.
 Naghiganting muli si Alp Er Tonga
nang madatnang sunog ang Turan at
patay ang lahat. Sinakop niyang muli
ang Persia, nagtipon muli ng hukbo
at lumikha doon ng pitong taong
taggutom. Dahil sa mga
pangyayaring iyon ay iniwan ni
Keykhusrev ang trono sa Persia at
sumumpang maghihiganti muli kay
 Bumuo ng unang hukbo si Keykhusrev ng
hukbo ngunit bumagsak bago pa man
makaharap si Alp Er Tonga. At muling
agpadala ng bagong hukbo. Kanilang
nakaharap si Bazur na bumulong ng sumpa na
naging dahilan ng pag-ulan ng niyebe sa mga
bundok at hindi makagalaw ang mga hukbong
Persian kung kaya sila ay natalo. Muli silang
lumapit kay Rustem nang dahil sa kanya ay
nagawa niyang talunin ang mga Turko at
nadakip ang isang pinunong Tsino na kabilang
 Sinimulang maghanda na naman si Alp
Er Tonga nang malamang nagapi ang
kanyang mga hukbo at mas lalong
pinalakas pa ang kanyang kalooban ng
humingi ng payo sa mga magagaling na
tauhan. Si Side na kanyang anak ang
nakidigma at sa huli ay nagapi si Rustem.
 Muli na namang naglaban ang mga
Turko at Persian, nanalo sila at muling
tumakas si Alp Er Tonga.
 Muli na namang ginambala ng mga Turan ang
mga Persian. Pinapunta ni Keykhusrev ang
isang bayaning Persian na si Bijen upang
lutasin ang suliraning ngunit siya ay nabighani
sa kagandahan ng anak ni Alp Er tonga na si
Menije. Nahulog ang loob nila sa isa’t isa
isinama ng dalaga si Bijen sa Turan. Nagalit si
Alp Er Tonga at binihag si Bijen sa isang balon
at pinalayas ang kanyang anak sa palasyo.
Pinadalang muli ng Persia si Rustem at
nailigtas si Bijen at pinadala si Menije sa
Persia.
 Nanalo sa digmaan ang mga
Persian sa tulong ni Rustem,
tumakas si Alp Er Tonga sa
malayong Karluk.
Napagkasunduan ng Turkey at
Tsina na magsanib puwersa
upang maghiganti sa mga
Persian. Sa unang digmaan ay
nanalo ang mga Persian.
 Muli na namang tinipon ni Alp Er
Tonga ang kanyang mga hukbo at
sumulong na mayroong
dalawang-katlo (2/3) ng kanyang
libo-libong hukbo. Nanatili siya
sa Beykend at nabalisa nang
malamang natalo ang mga
hukbong kanyang pinadala.
 Sumumpa na naman ng paghihiganti
si Alp Er Tonga. Kanyang ibinigay
ang kalahati ng kanyang hukbo sa
anak na si Kara Khan kasama ang
ang iba pang mga anak na sina Side,
Cehen, Afrasiyab, Girdegir at
Guheyla sa bansang Bukhara at
maging kanyang apo.
 Nagkaharap sina Keykhusrev at
si Side at nasawi si Side. Nag-
aalab sa galit si Alp Er Tonga ng
sumalakay sa mga Persian at
napatay niya ang mga bayani ng
Persian. Pagsapit ng gabi dinala
ni Alp Er Tonga ang kanyang
hukbo sa Ceyhun.
 Nagtungo si Kara Khan sa kabisera ng Gang na tila paraiso at
tinipon ang kayang mga hukbo. Ang mga Turko ay hindi
nagbigay ng tubig sa mga Persian at pinapatay ang mga ito.
Pinatay ni Keykhusrev ang mga lalai’t babae at sinira ang
mga kaharian.
 Nagtagpo ang magkabilang panig sa Ilog Gulzariyun.
Nanalangin si Keykhusrev sa hulihan ng hukbo sapagkat
siya’y natakot sa hukbo ni Alp Er Tonga nang dalhin sa
kanyang panalangin ay biglang bumagyo at nagliparan ang
mga buhangin sa hukbo ng Turan. Umurong ang mga Turko
ngunit pinapaslang ni Alp Er Tonga kung sinuman ang
umurong sa laban.
 Ang dalawang hukbo ay naghiwalay pagsapit ng gabi.
Makikipaglaban pa sana muli si Alp Er Tonga ngunit ang
kanyang anak na si Kara Khan na lamang ang natitira sa
kaniyang hukbo.
 Narating ni Alp Er Tonga ang Gand upang salakayin si
Rustem ngunit nakatakas na ito.
 Si Keykhusrev ay umanib kay Rustem
kasama ang kanyang mga hukbo.
Naghukay sila ng isang bitag sa harap ng
tore nang tumungo si Alp Er Tonga sa
Gang at sinunog ang mga pinabagsak na
dingding upang sila’y salakayin at
kanilang pinaslang ang lahat. Nakatakas
muli si Alp Er Tonga kasama ang
kanyang dalawang daang panginoon.
Nagtungo siya sa hari ng Tsina, lahat ng
Turko mula sa lahat ng dako ay pumanig
kay Alp Er Tonga.
 Nag-iwan ng komandante sa Gang at sinundan si Alp
Er Tonga, nagkita sila’t nagpadala ng liham si Alp Er
Tonga na nagmumungkahing magharap sila ng isang
pang-isahang laban ngunit hindi pumayag si
Keykhusrev.
 Nang gabi rin iyon ay naglaban ang magkabilang
hukbo at gumawa ng bitag ang mga Persian at
kanilang natalo ang mga Turko. Nagtungo si Alp Er
Tonga sa disyerto kasama ang ilang hukbo. Natakot
ang hari ng Tsina kay Keykhusrev.
 Nakipagkasundo si Keykhusrev sa Tsina na hindi na
niya tutulungan si Aph Er Tonga.
 Nabahala si Alp Er Tonga at nagtungo sa lungsod ng
Gangidiz.
 Sinundan ni Keykhusrev si Alp Er Tonga nang
malamang nakatawid siya ng dagat. Narating nila
iyon sa loob ng pitong buwan. Sinakop niya ang
Ganginiz at pinatay ang lahat ngunit lihim muling
nakatakas si Alp Er Tonga.
 Narating ni Rustem ang Gang at ipinagtanong si Alp
Er Tonga ngunit wala sinuman ang nakakikilala sa
kanya dahil pagala-gala na lamang na gutom at
uhaw. Naging tahanan niya ang isang yungib sa isang
matarik na bundok.
 Binilanggo ni Hum si Alp Er Tonga na naninirahan
sa yungib na iyon sapagkat hindi wikang Turko ang
pananangis na kanyang narinig mula rito ngunit
nakatakas din siya at tumalon sa tubig.
 Nabalitaan ni Keykhusrev ang
nangyari kay Alp Er Tonga, nilinlang
niya si Alp Er Tonga upang umahon
sa tubig saka niya ito pinaslang.

You might also like