• Subukang patotohanan o pasubalian ang mga sumusunod sa pamamagitan at pagbibigay ng matitibay na mga ebidensya: 1.Ikaw ay hindi tunay na estudyante ng paa- ralan. 2.Mabait kang tao. 3.Wala kang kapera-pera. 4.Mayabang ka. 5.Normal ang iyong bigat. 6. Masayahin kang tao. 7. May dumi ka sa mukha Katanungan: • 1.Anu-ano ang iyong ginawa upang makakuha ka ng mga ebidensya? 2.Nahirapan ka ba o nadalian sa pagkuha ng mga patunay upang pagtibayin ang iyong sagot? Bakit? 3.Sa iyong pananaw, gaano kahalaga ang pangangalap ng mga ebidensya sa buhay ng tao? 4.Mahalaga ba ang pangangalap ng mga ebiden- sya sa pananaliksik? Bakit? Ipaliwanag. • Ang kasabihang “Ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili” ay isang matandang kasabihan na may talinghagang dapat pagtuunan ng pansin upang maihatid tayo sa makabagong panahon. Ito ay nanganga – hulugang bago maniwala,kinakailangan munang magbigay o maglahad ng mga ebi – densya o patunay upang maihiwalay ang katotohanan sa kuro-kuro na isa sa mga kina- kailangan sa pagbuo ng isang pananaliksik. Ano ang pananaliksik at paano naisasagawa ito? • Ang pananaliksik ay batay sa nasusukat na katibayan.Ang lahat ng kaalamang itinuturing na makabago ay hinango sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan. • Ang pananaliksik ay isang sistematiko,pormal, mahigpit, at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng mga lunas sa suliranin o makahanap at makapagbibigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at ugnayan. • Ito rin ay isang proseso ng paghanap ng natata nging kasagutan sa natatanging katanungan sa pamamagitan ng isang organisado,patas, at maaasahang paraan. Sa madaling salita, ang pananaliksik ay sis- tematikong proseso ng pagtatanong na binu- buo ng mga tanong,problema o haypotesis, pangongolekta ng datos, analisis at interpre- tasyon ng datos.(Nunan,1998). Pagtuklas sa paggawa ng Pananaliksik • Sa pagtahak sa katotohanan,kinakailangan ang mga sumusunod: 1.Datos – batayang yunit ng impormasyon 2.Impormasyon – mga pinag-ugnay na datos 3.Detalye – mga naberika na impormasyon 4.Palagay – mga posibleng kaugnayan o pinagmulan ng mga detalye 5.Teyorya – mga nasubok na palagay 6.Prinsipyo,batas,o katotohanan – mga napatu= nayang teyorya. Ano ang layunin ng pananaliksik? • May dalawang layunin ang pananaliksik: 1.Ang paghahanap ng katotohanan 2.Ang paghahanap ng kapaliwanagan o katuwiran kapag ang katotohanan ay hindi agarang matatamo. Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Pananaliksik • 1.Kontrolado –Ang mga baryabol o datos ay hindi dapat manipulahin sapagkat magdudulot ito ng kawalang katiyakan o pagka-inbalido(Invalid) ng resulta ng pananaliksik. • 2.Balid – kung ang lahat ng aspekto nito ay suportado ng mga datos na nakamkam o dating nasaliksik na. • Sistematiko – magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon o datos na iisang layunin ang katangian nito. Sa sistematikong pamamaraan ito ay inaasa- han na sinisunod ang prosesong ito: 1.)pagtukoy ng problema 2.)pagrerebyu ng mga impormasyon 3.)pangongolekta ng datos 4.)pag-aanalisa ng datos 5.)pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon 4.Obhektibo,Lohikal at walang Kinikilingan -hindi dapat mabago o mabahiran ng per- sonal na saloobin ang pagbibigay ng inter – pretasyon sa pananaliksik. 5.Kwantiteytib o Kwaliteytib – Nakalahad sa kwantiteytib na pamamaraan ang mga datos kapag ito ay gumagamit ng istatistiks(statistic) tulad ng porsyento,tsart,mean,median, mode at iba pang uri ng distribusyong numerikal. Nasa pamamaraang kwaliteytib naman ang pamamaraan kapag ito ay naglalahad o nagsasa- Laysay ng kalikasan(nature) ng isang sitwasyon o pangyayari sa gamit ang pandama o senses. 6. Empirikal- matamang pagmamasid o eksperimentasyon sa pagkuha o pagbuo ng mga impormasyon. 7.Mapanuri – dumaraan ito sa masusing interpretasyon na walang bahaging pagkakamali ayon sa paggamit ng tamang estatistika at anali- tikal na pagbibigay interpretasyon mula rito. 8. Pinagtitiyagaan o hindi minamadali -pinaglalaanan ito ng sapat na panahon at paguuli-ulit na pagrerebyu sa mga datos at resulta ng pananaliksik na may pag-iingat. Mga Uri ng Pananaliksik 1. Deskriptib – ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng isyu o paksang sinasaliksik. 2. Eksperimental – ginagamit kung ang datos na hinahanap ay tutukoy sa epekto ng paksa o isyu na pinag-aaralan. 3. Historikal – ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kalagayan o kaganapan sa nakalipas ng panahon. Pangkatang Gawain:Sipat Mata Bawat pangkat ay magbibigay ng kani-kanilang paglalarawan ng “Pananaliksik”. P-1 Mga salitang pwedeng maiugnay sa salitang PANANALIKSIK P-2 Mga pangunahing kaisipang natutunan sa aralin-Pananaliksik P-3 Kahalagahan ng pananaliksik sa buhay ng tao P-4 Paggawa ng Akrostik- PANANALIKSIK Paglalapat ng aralin Paano mo magagamit sa iyong buhay ang natutunan sa araling ngayong araw? Paglalahat ng Aralin • Dugtungan ang pahayag upang mabuo ang pangungusap.. Ang pananaliksik ay _________Dapat taglayin ng isang pananaliksik ang _______ Pagtataya: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: • 1. Ano ang pananaliksik?Bakit mahalagang pag-aralan ang pananaliksik?
2.Ano-ano ang mga katangian ng isang mabu-
ting pananaliksik?Magbigay ng halimbawa. Karagdagang Gawain • Alamin ang mga paraan ng pangangalap ng mga datos at tamang pagsipi sa mga ito