Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

PANGHALI

P
Panghalip
Ang panghalip ay may malaking
tungkulin sa gramatika. Ito ang
katagang panghalili sa pangngalan.
Mahalaga ito upang hindi paulit-
ulit ang paggamit sa pangngalan sa
pagsasalita maging sa pagsulat.
Mga halimbawa:
1. Si Risa Jay isa sa mga aktibong mag-aaral na
humihikayat sa kaniyang kamag-aaral na sumali sa
proyekto ng kanilang paaralan tungkol sa
pagreresiklo ng mga basura. Siya rin ay
nagpatawag ng pagpupulong sa kanilang klase upang
pag-usapan ang kaniyang binabalak upang ito ay
maging matagumpay.

2. Nagmamadaling iniabot ni Arman kay George ang


liham upang hindi siya maabutan ng ulan sa daan.
Uri ng Panghalip
1. Panghalip na Panao - Ito ang tawag sa mga salitang
panghalili sa pangngalan ng tao. Ilan sa mga ito ay
ang sumusunod: ako o kata, kita o tayo, kami, ikaw o
ka, kayo, siya o sila.

Mga halimbawa:
 Siya ang aking kaibigan na hindi kailanman nang-
iiwan.
 Sa kanila ko natutuhang magpakumbaba sa kabila ng
kalupitan ng ibang tao.
 Ikaw na ang bahalang magpaunawa sa kanila sa
kahalagahan ng pakikipag-ugnayan at pakikiisa.
2. Panghalip na Pananong Ito ang pamalit sa
pangngalang itinatanong. Ilan sa mga ito ay
ang sumusunod: ano/ano-ano, sino/ sino-sino,
kailan/kai-kailan, saan/saan-saan, magkano,
alin/alin-alin, gaano/gaa-gaano, ilan/ilan-
ilan, at iba pa.

 Saan matatagpuan ang pinakamataas na


bundok sa bansa?
 Magkano ang perang babaunin mo sa ngayong
darating na bakasyon?
3. Panghalip na Panaklaw - Ito ang panghalili sa
mga salitang nagpapakita ng kaisahan, bilang, dami,
o kalahatan. Maaaring ito Oy Myak o di-tiyak

a) Mga tiyak na panghalip panaklaw balana, panay,


tanan, bawat isa, lahat, marami, pawang, pulos
iba, kaunti

 Bawat isa ay may tungkuling tumulong sa gobyerno


upang labanan ang lumalalang problema sa droga.
 Kaunti lamang ang nakauunawa sa tunay na hangarin
ng pangulo ng bansa.
b) Mga di-tiyak na panghalip na panaklaw
anuman, sinuman, saanman, ninuman, kaninuman,
kailanman, magkanuman

Mga halimbawa:
 Anuman ang sabihin nila, mananatili ang
pagtitiwala ko sa iyo.
 Sinuman sa kanila ang isasama mo sa
paglalakbay ay igagalang ko basta
masisiguro mong masaya ka sa pinili mo.
4. Panghalip na Pamatlig - Ito ang mga
salitang ginagamit sa pagtuturo ng tao,
bagay, pook, gawa, o pangyayari . Ilan sa mga
ito ay ang sumusunod: ito/ire, nito/nire,
ganito/ganire, dito/rito, heto/eto, iyan/
niyan, diyan/riyan, hayan/ayan

Mga halimbawa:
a) Ganito ang tamang paraan ng pagpapaabot ng
pasasalamat sa pangulo
b) Ito ang impormasyon na makatutulong sa
pagresolba ng kaso.

You might also like