Mauugat ang pag-unlad ng maikling kuwento bilang genre ng panitikan sa matatandang salaysayin. Dahil wala pa namang konsepto ng propesyonal na manunulat noong unang panahon, karamihan ng matatandang salaysayin ay nasa tradisyong pasalita. Alamat, kuwentong tungkol sa pinagmulan ng mga bagay, pook, at iba pa; Pabula, kuwentong ang mga tauhan ay pawing mga hayop na nagtataglay ng ugali ng tao; Kuwentong bayan, salaysay na tungkol sa iba’t ibang uri ng tao sa lipunan; Mito, salaysay tungkol sa diyos at diyosa at mga nilalang na may kakaibang kapangyarihan; Epiko, isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng isang baganing nagtataglay ng kapangyarihan. Kilalang mangangatha ng kuwento sa daigdig
Homer na kumatha ng Iliad at Odyssey;
Ovid, isang Romano na kumatha ng mga kuwentong ibinatay sa mitolohiyang Griyego, ang Metamorphosis; Aesop na siyang pinagkakautangan ng mga unang pabula sa daigdig. Gitnang Silangan Ang dakilang epiko ni Gilgamesh na naisulat libong taon BCE na ang nakaraan, ang The War of the Gods, The Story of Adapa, at mga salaysaying Canaannite na The Heavenly Bow at The King Who Forgot ay mga kuwentong naiukit sa clay tablet gamit ang cuneiform bilang panulat. Arabia 1001 Arabian Nights - kalipunan ng mga kuwentong- bayan ng Gitnang Silangan. Nabuo ito sa panahon ng Gintong Panahon ng Islam. England Kinilala si Geoffrey Chaucer sa kaniyang Cantebury Tales, isang kalipunan ng mga kuwento mula 1387 hanggang 1400. Nagsalaysay ito ng mga paglalakbay ng mga peregrino papuntang Cantebury, England. Peregrino- nagbibigay ng kuwento upang malibang sila sa kanilang paglalakbay. Italya Decameron ni Giovanni Boccaccio ang itinuturing na pasimula ng maikling kuwento sa wikang italyano. Decameron -koleksiyon ng mga kuwento tungkol sa pitong kabataang babae at tatlong kabataang lalaki na nagtungo sa Florence at namalagi sa isang bahay- paupahan sa Fiesole. Ang mga kuwento at ibinabahagi ng 10 tao sa bawat araw kaya naman ang koleksiyong ito ay binubuo ng 100 kuwento. Amerika
Naging bantog ang The Legend of
the Sleepy Hollow at Rip Van Winkle ni Washington Irving. Kinilala si Irving bilang “unang Amerikano ng panitik.” Isinilang bilang lehitimong genre ng panitikan ang maikling kuwento noong ika-19 siglo bilang bunga ng edukasyon at pag-usbong ng mga magasin at pahayagan. Ayon kay William Boyd sa kaniyang artikulong online na A History of a Short Story, mauugat ang maituturing na unang maikling kuwento kay Walter Scott ng United Kingdom, sa kaniyang The Two Drivers na nailimbag noong 1827 sa Canongate. Ayon pa rin kay Boyd (2006), si Edgar Allan Poe ang siyang unang nagsuri ng pagkakaiba ng maikling kuwento at nobela. Makaraang masuri ni Poe ang Twice-Told Tale ni Nathaniel Hawthorne, nakita niya na may tatlong katangian ang isang maikling kuwento. Una, maikli lamang at natatapos basahin sa isang upuan; ikalawa, may buong banghay ukol sa pangunahing tauhan; ikatlo, nag-iiwan ito ng isang kakintalan o impresyon Narating naman ng maikling kuwento ang rurok ng katanyagan bilang genre ng panitikan sa panahon ni Anton Chekhov, ang itinuturing na “pinakamahusay na manunulat ng maikling kuwento” sapagkat binago ni Chekhov ang naratibo. Nagiging higit na makatotohanan ang akda kapag hindi pormulado o de kahon. Ang maiikling kuwento ni Chekhov ay karaniwang nagpapakita ng pagdurusa ng tao gaano man siya kabuti. Lagi ring nakatatagpo ng kamalasan sa buhay ang kaniyang tauhan. Samakatwid, ang mga maikling kuwento ay kasasalaminan ng mga pangyayaring totoo sa buhay ng tao, magagandang pangyayari man ang mga ito o isang kasawiampalad.