Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 9 Mga Pahayag Sa Pagbibigay NG Opinyon
FILIPINO 9 Mga Pahayag Sa Pagbibigay NG Opinyon
NG OPINYON, MATIBAY NA
PANININDIGAN, AT MUNGKAHI
PAGBIBIGAY NG
OPINYON
OPINYON
Ito ay ang sariling palagay tungkol sa
isyu.
Nakabatay ito sa sariling paniniwala o
kuro-kuro ng tagapagsalita.
Mga ilang pahayag na magagamit sa
pagpapahayag ng opinyon:
-Sa aking palagay…/Sa palagay ko../Ang palagay
ko diyan…
-Sa aking tingin…/Sa tingin ko../Ang tingin ko
diyan…
-Sa aking pananaw…/Sa pananaw ko../Ang
pananaw ko diyan…
-Para sa akin…/sa amin…
-Ang masasabi ko ay…
-Pakiramdam ko ay…
-Ang dating sa akin ay…
-Wari ko ay…
-Kung ako ang tatanungin ay…
-Kung ako lang ay…
PAGPAPAHAYG
NG MATIBAY NA
PANININDIGAN
MATIBAY NA PANININDIGAN
Ito ay ang matapang na paggiit sa isang
posisyon.
Produkto ito ng pagtimbang-timbang sa
magkakaibang panig at pagsusuri sa mga
ebidensiya hanggang makabuo ng isang
pananaw na mapanghahawakan at
maipaglalaban.
May tono ito ng matinding
damdamin.
Ang isang taong may matibay
na paninindigan ay desido sa
pahayag na kaniyang bibitawan.
Mga ilang pahayag na magagamit sa
pagpapahayag ng matibay na
paninindigan:
-Ako/Kami ay naninindigan na…
Ako/Kami ay naniniwala na…
Ako/Kami ay tumitindig sa
paniniwalang…
-Ipinaglalaban ang…/Ipinaglalaban
ko/naming ang…
-Iginigiit ang…/Iginigiit ko/naming ang…
-Isinusulong ang…/ Isinusulong ko/naming
ang…
-Mariing tinututulan ang…/Ako/Kami ay
mariing tumututol sa…
PAGBIBIGAY NG
MUNGKAHI
PAGBIBIGAY NG MUNGKAHI
Ito ay ang pagbibigay ng mga rekomendasyon o
panukalang pagkilos tungo sa lalong ikabubuti.
Bukas itong pagbabahagi ng mga idea, opsiyon,
o alternatibo.
Itinutulak nito ang tumatanggap ng mensahe
upang tingnan ang mga bagay sa ibang
perspektiba o sumubok ng ibang paraan.
Mga ilang pahayag na magagamit sa
pagpapahayag ng rekomendasyon:
-Ipinapanukala na…/ Ipinapanukala kong…
-Iminumungkahi na…/Iminumungkahi kong…
-Inirerekomenda na…/ Inirerekomenda kong…
-Magalang na Ipinapanukala/ Iminumungkahi/
Inirerekomenda na…
Ang gawin kaya ay…
Subukin kaya ang…
Paano kung gawing…
Ano kaya kung…
Bakit hindi na lang…