FILIPINO 9 Paraan Sa Pagpapahayag NG Emosyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Paraan sa Pagpapahayag

ng Emosyon
•Salita

•Kilos
•Berbal
•Di-berbal
1. Pangungusap na pahanga
•Ang pangungusap na
pahanga ay nagbubulalas ng
matinding damdamin ng
paghanga.
Halimbawa:
1.Kay lamig ng hangin!
2.Ang galing naman!
2. Pormulasyong panlipunan
•Ito ay mga nakagawiang
pagbati, paggalang na
maituturingnang de-kahon sa
komunikasyong Pilipino.
Halimbawa:
1.Magandang Umaga!
2.Mabuhay!
3.Nakikiramay po ako.
Komunikasyong
Di-berbal
1. Tinig
•Ang mataas na tono ng boses ay
nagpapakita ng galit, paghihinala,
pagkagulat, kilig, at tuwa; samantala,
ang mababang tono ay nagpapakita ng
damdaming mahinahon, malungkot, o
seryoso.
2. Galaw
• Sa pagtatalumpati, ang paghakbang papalapit
sa manonood o pasulong ay paghahayag ng
bago at makabuluhang isipan. Mamamalas dito
ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Sa
kabilang banda, ang hakbang paurong ay
maaaring magpahiwatig ng damdaming may
takot, walang kasiguraduhan, o pag-
aalinlangan.
3. Kumpas ng kamay
• Sa pagtatalumpati, ang nakalahad na palad ay
nangangahulugan ng pagiging bukas,
mahinahon, at kahandaan sa pagtanggap; ang
nakataob na palad ay pagtanggi, pag-iwas, o
kalungkutan; at ang nakayukom na palad o
nakasarang kamao ay maaaring magbadya ng
matinding galit.
4. Mukha
• Ang pagtataasng kilay ay maaaring tanda ng
pagsusungit o pagtataray; ang pagsasalubong nito ay
nangangahulugan ng pagkainis o pagkadismaya; ang
mga matang nanlilisik ay hudyat ng matinding galit;
ang mga matang nanlalaki ay maaaringgulat o puno
ng pagtataka; at ang labi/bibig ay ginagamit sa
paglalahad ng kasiyahan (ngiti) o kalungkutan
(paghihinagpis).

You might also like