Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

IBA’T IBANG ESTRATEHIYA NA

MAGAGAMIT SA AKTIBONG
PAGTUTURO

LAILANIE MAE N. MENDOZA


BSED-FIL 2A
INFORMATION CHART
• Pamaraan: Tatlo hanggang 4 na tanong na inihanda ng guro
ang nakalista sa itaas ng grid chart. Isusulat ng pangkat ang
impormasyong inaakalang alam nila tungkol sa bawat
tanong. Ililista at tatalakayin ng pangkat ang mga posibleng
sanggunian upang mahanap ang mga impormasyon. Kapag
nahanap na ng pangkat ang sagot sa bawat tanong, isusulat
nila ito sa ilalim ng angkop na kolum pati na ang
sanggunian. Makapagdaragdag ng bagong kolum tulad ng
“Iba Pang Kawili-wiling Kaalaman” at “Mga Bagong Tanong”.
I –SEARCH
• Mula sa isang teksto (naratibo o
ekspositori) na nabasa, pipili ang mga
estudyante ng isang tanong o tema na
gusto pa nilang mapag-aralan o masuri.
Isasagawa ang imbestigasyon / pag-aaral
sa labas ng klase at isusulat ang resulta /
mga konklusyon sa I-Search sheet.
JIGSAW
• Isang kolaboratibong estratehiya na ang isang pangkat
ng mag-aaral ay nagiging eksperto sa isang bahagi ng
teksto (karaniwang tekstong impormasyonal) at
pagkatapos ay ibinabahagi at pinag-uusapan ang
kanilang mga kaalaman sa kanilang “home group”.
Maaari ring magpangkat ang mga mag-aaral at
ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang “expertise”
sa ibang pangkat. Epektibo ito sa pagtalakay ng isang
mahabang aralin na kailangang matapos sa loob ng
maikling panahon.
LIST-GROUP-LABEL
• Nabuo upang mapalawak ang bokabularyo sa Agham
at Araling Panlipunan. Mula sa guro, may isang
“stimulus topic” na hinango sa karanasan ng mga
estudyante o sa mga materyales na pinag-aaralan.
• Nagbibigay naman ang mga estudyante ng iba’t ibang
salitang iniuugnay nila sa paksa. Kapag umabot na sa
salita ang listahan, kinakategorya at binibigyan ng label
ang mga salita.
THINK-PAIR-SHARE
• Isang kooperatibong pagkatuto kung saan
nakikinig muna ang estudyante sa ilang
tanong, nag-iisip tungkol sa kaniyang
isasagot, nakikipares upang
makipagtalakayan sa isa o higit pang
kaklase at nagbabahagi rin kaniyang mga
sagot sa buong klase.
DUGTUNGANG
PAGKUKUWENTO
• Ang pagkukuwento ay maaaring simulan ng
guro o ng isang mag-aaral. Limang mag-aaral
ang magsasagawa nito hanggang matapos at
mabuo ang kuwento. Pagkatapos masabi ng isa
ang kaniyang bahagi, hahawakan niya ang
kamay ng katabi bilang tanda na siya ay tapos
na.
WHAT CAN YOU SAY?
• Gumagamit ng mga larawan ang
guro at gagabayan ang mga mag-
aaral na ipaliwanag ang nilalaman
nito. Maaaring gamitin ang mga
larawan sa dyaryo.
MOCK TRIAL
• Maaaring gamitin sa pagbibigay hatol sa isang
pangyayari sa kuwento na nais bigyan ng
pagsusuri. Halimbawa: Dapat bang patawarin si
Senyora Mameng dahil sa hindi makataong
pagtrato niya sa mga katulong? Papangkatin
ang klase sa a) HUKOM, b) TAGA-USIG, c)
TAGAPAGTANGGOL, d) NAGHABLA, e) MGA
SAKSI.
MOUTHFUL OF IDEAS AT BAKYA NI
NENENG

• Ipapasa ang isang maliit na bakya habang


may tugtog. Kapag huminto ang tugtog,
ang huling may hawak ng bakya ang
siyang sasagot sa bugtong. Kung ang
sagot sa bugtong ay gunting, kukunin ng
mag-aaral ang gunting sa loob ng paper
bag. Sasagutin ng mag-aaral na ito ang
tanong na nakadikit sa gunting.
PARADE OF COSTUME
• Magbibihis ang mga mag-aaral ng kasuutan na akma sa isang
partikular na panahon o lugar. Mararanasan ng mga mag-aaral
ang isang panahon na kaugnay sa kanilang mga naging
kasuutan. Maganda itong gawin sa panahon ng Buwan ng Wika,
sa Pagdiriwang ng mga Nagkakaisang Bansa at mga piling
maiikling kuwento na ang tuon ay sa kasaysayan ng bansa.
Maaari rin naman na gawin ito kung nais ng guro na magkaroon
ng pagtatanghal sa ilang piling kilalang tao. Ang mga mag-aaral
ay magbibihis na gaya ng mga bayani, mga pinuno ng bayan o
kahit sinong kilalang tao na maaari naman na kaugnay sa
paksang tinatalakay.
CLASH OF CLASS
• Bubuo ng pangkat sa loob ng klase. Pagkatapos pipili ang
bawat pangkat ng isang tauhan o character sa Clash of
Clans na magiging pangalan ng kanilang pangkat at doon
ibabatay ang kanilang “kapangyarihan” na magagamit nila sa
gagawing gawain. Ang bawat pangkat ay gagawa ng mga
tanong batay sa paksang tatalakayin. Kung sakaling nasagot
ng isang pangkat ang tanong mula sa katunggaling pangkat
ay kukuha ito ng isa sa kanilang miyembro—hanggang
maubos ang mga ito at ang matitira lamang ay ang isang
pangkat.
SANGGUNIAN:
• https://slideplayer.com/slide/14042449

You might also like