Project Sagip Pre TEst

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Welcome

Grade 2
Project
S.A.G.I.P
(Pre-Test)
PRE-READING TEST ANG
BULATI
“Naku po! Bulati, bulati!” sigaw ni Pilar. “ibigay mo na sa akin ang
pala, dudurugin ko iyan” sabi ni Delia. “Huwag! kaibigan ng halaman ang
bulati. Pinaluluwang nito ang lupa. Tinutulungan nito ang halaman”,
sagot ni Caring. Ayaw maniwala nila Delia at Pilar habang sila ay
nagtatalo, sumuot ang bulati sa lupa.

Mga Tanong:
1. Sino ang takot sa bulati?
a. Si Caring
b. Si Delia
c. Si Pilar
2. Sa tingin mo, sino ang pinakamarunong sa tatlong bata?
a. Si Caring
b. Si Delia
c. Si Pilar
3. Ayon kay Caring, bakit mahalaga ang bulati sa halaman?
a. Dahil sinisira ang halaman
b. Dahil kinakain ang mga bunga nito
c. Dahil Pinaluluwang nito ang lupa
4. Ano raw ang kaugnayan ng bulati sa halaman?
a. Kaibigan
b. Kalaban
c. Wala
5. Napatunayan ba ni Caring na ang bulati ay nakakatulong sa
halaman ?
a. Oo
b. Hindi
c. Siguro
LANGGAM
Galing sa kaldero ang isang langgam. May pasan-pasan
itong isang butil na kanin. May nakasalubong itong isa pang
langgam.
Nagkiskisan sila ng sungot. Nagpatuloy na sila sa kani-
kanilang lakad. Maya maya may kanin na ring pasan-pasan ang isa
pang langgam.

Mga tanong:
1. Saan galing ang unang langgam?
a. Sa kaldero
b. Sa pinggan
c. Sa tasa
2. Ano ang pasan-pasan nito?
a. Kanin
b. Tinapay
c. Ulam
3. Ano ang nasalubong nito?
a. Butiki
b. Ipis
c. Langgam
4. Ano ang kanilang pinagkiskisan?
a. Paa
b. Sungot
c. Tiyan
5. Ilang langgam ang nasa kwento?
a. Isa
b. Dalawa
c. Tatlo
SI TULA
Ako si Tula isang batang Muslim. Tulad moa ko ay isa ring
Pilipino. Magkatulad tayo sa maraming bagay. Sa relihiyon
lamang tayo nagkakaiba. Ang aming Diyos ay si Allah.
Limamng ulit sa isang araw kung kami ay magdasal.
Hindi kami kumakain ng baboy. Para sa amin ay marumi
ito.
Mga Tanong:
1. Si Tula ay isang batang
a. Amerikano
b. Hapones
c. Pilipino
2. Siya ay taga
a. Bisaya
b. Luzon
c. Mindanao
3. Ang Diyos ng mga Muslim ay si

a. Allah
b. Hesus
c. Muhammed
4. Para sa mga Muslim ang baboy ay

a. Banal
b. Mahal
c. Marumi
5. Naiiba sa atin ang mga Muslim sa

a. Anyo ng mukha
b. Kulay ng balat
c. Relihiyon
SI YUKIDO
Hello! Ako si Yukido, isa ng batang Hapones. Hindi kami
nagsusuot ng sapatos sa loob ng bahay. Inaalis naming ang sapatos sa
loob ngbahay. Inaalis naming ang sapatos sa may pinto bago pumasok
ng bahay. Ang kainan naming ay mababang mesa na kung tawagin
ninyo ay dulang. Sa lapag kami umuupo kung kumakain. Hindi kami
gumagamit ng tinidor at kutsara. Chopsticks ang karaniwan naming
gamit. Ang inumin naman naming ay tsaa.
Mga Tanong:
1. Taga saan si Yukido?
a. United States
b. Japan
c. China
2. Ano ang masasabi mo sa taas ng mesang kanilang kainan?
a. Katamtaman
b. Mababa
c. Mataas
3. Ano ang ginagamit nila sa pagkain?
a. Kamay
b. Chopsticks
c. Kutsara at tinidor
4. Ano ang karaniwan nilang inumin?
a. Kape
b. Salabat
c. Tsaa
5. Saan sila nakaupo kung sila ay kumakain?
a. Bangko
b. Lapag
c. Silya
BITUIN
Bituin, bituin sa langit tanawin. Kukutikutitap tila alitaptap.
Bituin, bituin ako ay babain at iyong isama sa buwang maganda.
bituin,bituin, hiling ko ay dinggin,nais kong dalawin birheng
maawain.

Mga Tanong:
1. Ano raw ang nakakatulad ng bituin?
a. Alitaptap
b. Alapaap
c. Bulak
2. Ano ang ibig mangyari ng batang tumutula?
a. Tanawin sya ng bituin
b. Babain sya ng bituin
c. Tanglawan sya ng bituin
3. Saan ibig makakarating ng batang ito?
a. Sa buwan
b. Sa langit
c. Sa ibang bayan
4. Ayon sat ula nasaan ang bituin?
a. Sa alapaap
b. B. sa langit
c. Sa tubig
5. Sino ang ibig dalawin ng bata?
a. Ang kanyang ama
b. B. ang birheng maawain
c. Ang kanyang kalaro
NAWAWALA
Isinama ng nanay si Pal sa pamimili ng ulam. Kasunod nito
habang siya ay namimili. Maya maya ay wala na ang bata sa
kanyang likuran. Hinanap niya ito wala ang bata sa manggugulay.
Wala rin sya sa magbababoy. Ganggamunggo na ang pawis ng
nanay sa pagod at takot. Ipagbibigay alam na nioya ito sa pulis
nang matanaw niya si Pal sa magpuputo.

Mga Tanong:
1. Sino ang nawawala?
a. Si Bal
b. Si nanay
c. Si Pal
2. Saan isinama ni nanay si Pal?
a. Sa paaralan
b. Sa palengke
c. Sa simbahan
3. Ano ang pinamili ng nanay ni Pal?
a. Kasangkapan
b. Damit
c. Ulam
4. Kanino sana patutulong ang nanay?
a. Sa pulis
b. Sa taty
c. Sa magiitlog
5. Saan natanaw ng nanay si Pal?
a. Sa magkakarne
b. Sa magpuputo
c. Sa mag iitlog
BAKIT KAYA?
Nakahuli ng isang ibong pipit si Merto. Agad syang nagpabili ng
hawlang tanso. Doon niya ikinulong ang ibon. Araw-araw ay
binibigyan niya ito ng inumin, palay at saging. Ngunit matamlay pa
rin ang ibon. Ayaw nitong kumanta at lumukso. Bakit kaya? Tanong ni
Merto sa sarili.

Mga Tanong:
2. Anong ibon ang nahuli ni Merto?
a. Ibong pipit
b. Ibong maya
c. Ibong agila
3. Saan niya ito inalagaan?
a. Sa isang hawla
b. Sa loob ng bahay
c. Sa isang kahon
4. Ano ang naging kalagayan ng ibon?
a. Masigla
b. Matamlay
c. May sakit
5. Ano ang ayaw gawin ng ibon?
a. Kumain
b. Uminom
c. Kumanta at lumukso
6. Nalaman b ani Merto ang dahilan ng pagkakaganoon ng ibon?
a. Oo
b. Hindi
c. Marahil
NAPAHIYA

Natanaw ni Linda ang batang nagdaan sa tapat ng kanilang bahay. “Perla,


Perla!” ang tawag ni Linda. Hindi lumingon ang bata. Dali-dali syang humabol.
Tinakpan niya ang mga mata nito nang kanyang abutan. “Sino ka?” tanong ng
batang kanyang tinakpan ang mata. “Hulaan mo,” sagot ni Linda. “Hindi ko
maisip eh” “Linda, si Linda ako!” “Sinong Linda, wala akong kilalang Linda”.
Inalis ni Linda ang kanyang kamay. Hindi pala ito si Perla. Napahiya si
Linda.

Mga Tanong:
1. Bakit hindi lumingon ang bata nang tawagin ni Linda?
a. Hindi siya si Perla
b. Nagagalit siya kay Linda
c. Nakalimutan na niya si Linda
2. Ano ang ginawa ni Linda nang hind siya nilingon?
a. Nagtampo sya
b. Pinabayaan niya ito
c. Hinabol niya ito
3. Paano biniro ni Linda ang inaakala niyang si Perla?
a. Tinukso niya
b. Tinakpan niya ang mga mat anito
c. Pinalo niya ito sa balikat
4. Sino ang napahiya?
a. Ibang bata
b. Si Linda
c. Si Perla
5. Saan Nakita ni Linda ang inakala niyang si Perla?
a. Sa simbahan
b. Sa daan
c. Sa paaralan
DYARYO! DYARYO!
Pawisan at uhaw na uhaw si Nestor. Kahit napagod sa
pagtitinda ng dyaryo ay masaya siya. Tuwang-tuwa siya tuwing
masasalat sa bulsa ang isandaang piso. Tunay na iba ang perang kita
sat ulo ng pawis, kasiya-siya. Naalala niya nang makapulot siya ng
dalawampung piso. Naawa siya sa nawalan noon. Natakot din siya
dahil maari siyang pagbintangang magnanakaw.

Mga Tanong:
1. Paano kumita ng pera si Nestor?
a. Sa pagbubuhat ng kargada
b. Sa paglilinis ng sapatos
c. Sa pagtitinda ng dyaryo
2. Magkano ang kinita ni Nestor
a. Isandaang piso
b. Dalawampung piso
c. Tatlumpung piso
3. Ano ang nadama niya sa perang pinagpawisan?
a. Kaligayahan
b. Pagkatakot
c. Pagkapahiya
4. Magkano ang napulot minsan ni Nestor?
a. Isandaang piso
b. Dalawampung piso
c. Tatlumpung piso
5. Ano ang nadama ni Nestor nang makapulot siya ng
dalawampung piso?
a. Kaligayahan
b. Kasaganaan
c. Pagkatakot
ISDA
Ano ang isda? Hindi lahat ng makikita sa tubig ay isda. Ang
isada ay yaong may gitnang buto o tinik. Sa tubig ito iniitlog,
napipisa at lumalaki. Humihinga ito sa tulong ng kanyang hasang.
May palikpik ito na ginagamit na panlangoy. Natutulog ba ang
isda? Mangyari pa, ngunit dilat din ito kahit natutulog dahil
walang talukap ang mata ng mga isda. Hindi nito kailangan ang
talukap.
Pinananatiling basa ng tubig ang mga mata nito.
Nakaririnig din ang isda tulad mo.
Mga Tanong:
1. Ano ang ginagamit ng isda sa paglangoy?
a. Kaliskis
b. Hasang
c. Palikpik
2. Alin ang ginagamit nito sa paghinga?
a. Kaliskis
b. Hasang
c. Palikpik
3. Paano matulog ang isada?
a. Nakadilat
b. Nakahiga
c. Nakapikit
4. Ano ang nagpapanatiling basa sa mata ng isada?
a. Luha nito
b. Tubig dagat
c. Tubig sa hasang
5. Nakaririnig ba ang isda?
a. Oo
b. Hindi
c. Hindi sinasabi
Susi saPagwawasto Nawawala
1. C
Ang Bulati 2. B
1. C 3. C
2. A 4. A
3. C 5. B
4. A
Bakit Kaya
5. A
1. A
Langgam
2. A
1. A 3. B
2. A 4. C
3. C 5. A
4. B
Napahiya
5. A
6. A
Si Tula
7. C
6. C 8. B
7. C 9. B
8. A 10.B
9. C
Dyaryo! Dyaryo
10.C
11.C
Si Yukido
12.A
11.B 13.A
12.C 14.B
13.B 15.C
14.C
Isda
15.B
16.C
Bituin
17.B
16.A 18.A
17.B 19.B
18.A 20.A
19.B
20.B
PROJECT S.A.G.I.P
(PRE-TEST)
COLBY D GILLEGO
GRADE 2 - APPLE

You might also like