Pangkat III WPS Office

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Pangkat III

✓ Carolino, Nathalia M.
✓ Caburao, Camilo
✓ Bandala, Jehada
D. Saligan sa Panunuring
Pampanitikan
1. Pangangailangan ng Panunuri at
Kahalagahan
2. Kahalagahan ng Panunuri
3. Mapanuring Pagbabasa
4. Matalinong Pamumuna
5. Batayan ng Pagsusuri
6. Balangkas ng Pagsusuri
Ang Panunuring Pampanitikan ay Isang malalim na paghimay sa
mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat-
ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga
malikhaing manunulat sa katha.
Mga Sangay:

1. Pag Dulog ay may Apat na Uri;


*Pormalistiko,
*Moralistiko,
*Sikolohikal,
*Sosyolohikal
CAROLINO 2. Pananalig (Teoryang Pampanitikan)
Mga Saligan sa Panunuring Pampanitikan

1.Magkaroon ng likas na kuro-kuro. Hindi nagpapadala sa


kabantugan ng may akda. Kailangan din na bukod sa pagiging
matatag ay maging tiyak din sa ginagawang pagpapahalaga o
Pamumuna.
2. Ang pinagdadaanan at kasalukuyang buhay ng may akda ay
Kailangang maliwanag sa Panunuri upang lubos niyang maabot
Ang mensahe, pangyayari at mga damdaming taglay ng katha.
3. Ang manunuri ay kailangan maging tapat, nagtataglay siya ng
obhetibong pananaw- walang kinakatigan.
KAHALAGAHAN NG PANUNURI
1. Ang bunga ng pagsusuri ay pantay na paghuhusga sa akda na
kung saan ang mambabasa ay nakakalikom ng higit na kaalaman
tungkol sa likhang sining.
2. Naipaliliwanag ang mensahe at layuning napapaloob sa akda.
3. Ang makatarungang pagsusuri ay magiging sandigan ng higit
pang pagpapalawak at pagsulong ng manunulat at ng panitikan.
4. Maging ang istilo ng manunulat ay natutuklasan sa
pamamagitan ng pagsusuri.
MAPANURING PAGBABASA
Ano nga ba ang Pagbabasa?
Lapp at Flood (1978)- Ito ay paraan ng pagkilala ng nakalimbag na
sagisag at pagbibigay - kahulugan dito.

Lalunio (1985)- Isang proseso ng pangangailangan ng pag-iisip,


pagpapahalaga, pagpapasya, pagwawangis, at paglutas ng
suliranin.

Lorenzo et.al.(1997)- Ang Pagbabasa ay ang tiyak na madaliang


pagkilala ng ayos at pagkasunod-sunod ng mga salita, pagsama-
sama ng mga salita para makabuo ng ideya at kahulugan.
CABURAO
MAPANURING PAGBABASA
Ano nga ba ang Pagbabasa?

Badayos (1999)- Ang Pagbabasa ay Isang proseso ng pag-iisip


at ito'y prosesong interaktibo.

Ang Mapanuring Pagbabasa ay ang Pagbabasa ng Isang akda na


kung saan ay pinagliliming mabuti Ang binabasa.
* Pinag-iisipan Ang nilalaman at mensahe na nais ipaabot ng may
akda.
* Tinitingnan Ang bawat detalye o bahagi ng Isang akda at Ang
ibubunga nito sa mga mambabasa.
Ang Mapanuring Mambabasa ay malayang nakapaglalahad ng mga
reaksyon, sariling pananaw tungkol sa nais ipabatid ng ng manunulat.

Ang Isang katha ay mananatiling Karaniwang akda lamang


ngunit kung Ang mapanuring mambabasa ay naglalahad ng
maganda at kapaki-pakinabang na reaksyon, Ang katha'y
nagiging Kanai-nais at katanggap-tanggap.
MATALINONG PAMUMUNA

1. Ito nagbibigay ng mahusay na komento, opinyon o reaksyon sa


nabasa at ginagamitan ng talas ng pag-iisip.
2. Pagsusuri o pag-aaral ng bawat detalyeng binabasa.
3. Pagbibigay ng balanse at makatwirang Pamumuna sa
pamamagitan ng pagbanggit ng mga positibo at negatibong Punto
sa binasa.
4. Walang Kinikilingan; Kung nararapat na sumang-ayon ay
ipinapahayag ang pagsang-ayon at kung nararapat tumutol ay
ipinapahiwatig Ang pagtutol.
MATALINONG PAMUMUNA

1. Pagtuin ng pansin sa nais ipabatid ng manunulat.


2. Pagpapahalaga sa kalakasan ng may akda.
3. Pagtukoy sa kahinaan ng Isang akda at pagbibigay
mungkahi para sa ikaliliwanag at ikagaganda nito tungkol sa
paghabi ng mahahalagang balyus.
4. Sining sa paggawa ng mga pagpapasya o paghatol at
pagtuturo o pagsasabi ng mga kanais-nais na katangian ,
kapintasan, Kamalian, o pagkukulang.
BATAYAN NG PAGSUSURI

1. Liwanaging mabuti Kung anong uri ng katha ang


sinusiri;
2. Basahin ito ng masinsinan at igawa ng lagom;
3. Bigyang halaga hindi lang ang nilalaman kundi pati
Ang istilo ng pagkakasulat ng katha.
4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at kahinaan ng
katha mag-ukol din ng karampatang
pagpapakahulugan;
BATAYAN NG PAGSUSURI

5. Lakipan ng ilang siping makapagbibigay kahulugan sa


ginagawang Panunuri at samahan ng maikling pagbibigay
katuturan;
6. Iwasan Ang pagbibigay ng anumang kapasiyahan nang
walang lakip na batayan o patunay at
7. Kailangang nababatay din ang anumang pagpapasya sa
takdang pamantayan, bagama't maaring isama rin ang
sariling pagkilala ng sumusulat ayon sa matapat niyang
paniniwala. (Nenita Papa)
BALANGKAS NG PAGSUSURI

May tatlong balangkas na


maaring gamitin sa Pagsusuri
sa mga akdang Pampanitikan
Balangkas A

Pamagat ng may akda:


May-Akda: (ilahad ang talambuhay kung may nailimbag)
Mga Tauhan: (Bigyang Paglalarawan)
Buod o Lagom ng may katha: (maikli lamang)
Pagsusuri;
1. Panahong Kinabilangan
2. Sariling Puna
3. Gintong Kaisipan/ Balyus na nakapaloob sa
katha
4. Mga mungkahi ( Kung mayroon upang lalong
mapaganda at mapaunlad Ang katha.
Balangkas B

I. A. Pamagat ng Katha- May-akda


B. Sanggunian o aklat ng pinagkuhanan
II. Buod
III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Pagbibigay uri at paliwanag tungkol dito ( uri ng
tula, uri ng dula, uri ng nobela atbp).
B. Istilo ng Paglalahad
Paraan ng Paglalahad ng mga kaisipan o
pangyayari.
C.Mga Tayutay
1.Mga halimbawa ng bawat Tayutay na nataggpuan sa kathang
sinuri .
2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat Tayutay na hinalaw
D. Sariling Reaksyon
1. Teoryang Pampanitikan
2. Mga pansin at puna
a. Mga Tauhan
b. Galaw ng Pangyayari
3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa Isip
b. Bisa sa Damdamin
c. Bisa sa Kaasalan
d . Bisa sa Lipunan
Balangkas C
I. Sanligan
II. Buod
III. Kahulugan ng Pamagat
IV. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
1. Kalagayang Sosyal at Pangkabuhayan
2. Kulturang Pilipino
3. Pilosopiyang Pilipino
4. Simbolismong Pilipino
V. Pananalig/ Teoryang Pampanitikang nakapaloob sa may akda
VI. Implikasyon
1. Kaligayang panlipunan
2. Kalagayang Pangkabuhayan
3. Kalagayang Pansarili
MARAMING
SALAMAT 🥰

You might also like