Professional Documents
Culture Documents
Panahon NG Kastila
Panahon NG Kastila
KASTILA
Panitikang Pilipino
Kabanata 2
https://teachersidney.wordpress.com/2015/07/1
8/pagbabalik-tanaw-kasaysayan-ng-pagsasaling-
wika-sa-pilipinas-at-daigdig-2/
Larawan ng Panahon
Layunin ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Relihiyong
Katolika Apostolika Romano sa kanilang pangingibang –
pook kaya unang ginanap ang misa at ang pagbibinyag sa
mga katutubo.
Dahil sa layunin nila na pagpapalaganp ng Kristiyanismo,
sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng mga
katutubo sa dahilang ang mga iyon daw ay likha ng mga
demonyo. Pinalaganap nila ang tungkol sa
pananampalataya nila. Nag- aral ang mga prayle ng mga
wika sa kapuluan at sumulat sila ng mga gramatika at
diksyunaryo.
Paksain ng panahon ng mga kastila
Diyos.
PANAHON NG AWIT AT KORIDO
Nahahati sa apat na bahagi ang panahong ito:
a. Awit at Korido
b. Tulang pang- aliw
c. Tuluyang pang- aliw
d.Dulang pang- aliw
Awit at Korido (Metrical Romances)
Batay sa anyo, ang awit ay binubuo ng 12 pantig sa loob
ng isang taludtod, apat na taludtod sa isang taludturan. Ang
musika’y madalang o andante. Ang paksa’y tungkol sa
bayani at mandirgima at larawan ng buhay. Ang korido
naman sa Pilipinas ay hinggil sa mga alamat at di kapani-
paniwalang kasaysayan na ang buod at paksa’y nababatay
sa mga naganap sa Europe. Ang mga kilalang manunulat
nito ay sina Jose dela Cruz (Joseng Sisiw), Ananias Zorilla at
Francisco Balagtas.
Kabilang sa mga awit ang Florante at Laura ni Balagtas at
sa korido naman ang Ibong Adarna.
Nilalaman ng Awit at Korido
1. Imbokasyon
2. Paghingi ng paumanhin
3. May isang matanda na siyang sumsubok ng katangian ng tauhan
4. May hinahanap na panlunas
5. May kababalaghan o mahika o milagro o engkanto
6. Di- karaniwang katangian ng pangunahing tauhan
may tatlong sagisag ang kabalyero:
Bathala, Babae at Bayan
Ipakikita ng tauhan ang kanyang pagwawasto sa kamalian,
pagtatanggol sa mahihina, paghihiganti para sa karangalan at
pagtatanggol sa Kristiyanismo
7. May paglalaban, pakikipagsapalaran at pagsubok
Barlaan at Josaphat
ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas
maisasama sa tuluyang pang- aliw ang akdang ito ni Padre
Antonio de Borja na nagpalimbag ng salin niya sa Tagalog
noong 1708 at 1712
akda naman ni Padre Juan Dasmaceno sa wikang Griyego
Ito ang matatawag na “Juan Bautista ng Nobelang Tagalog”
bagama’t ito’y salin lamang
ipinalalagay itong kauna-unahang nobelang nalimbag sa
Pilipinas.
Barlaan at Josaphat
Tungkol ito sa kasaysayan ni Josaphat na
anak ni Abenir ng India. Bagama’t siya’y
itinago na ng ama dahil sa hulang yayakap
sa Kristiyanismo, niloob ng Maykapal na sa
pamamagitan ni Barlaan ay matutuhan niya
ang aral ng Diyos. Maraming pagsubok ang
napagdaanan ni Josaphat bago niya
napapaniwala ang ama sa kanyang
paniniwala. Iniwan niya ang kaniyang
kaharian at namuhay bilang monghe. Ang
bangkay nila ni Barlaan ay pinagtabi nang
siya’y mamatay.
https://www.google.com/search?
q=barlaan+at+josaphat&tbm=isch&ved=2ahUKEwiz77HB9_fsAhUFbJQ
KHZDoD_
TANDANG BASIO MACUNAT
Karagatan
Ginaganap kapag may lamay upang aliwin ang mga namatayan
batay sa alamat ng isang prinsesang sa hangad na makaisang dibdib
ang binatang mahirap na kanyang iniibig ay nakaisip ng mainam na
paraan. Hinamon niya ang lahat ng manliligaw niyang sisirin ang
singsing na inihulog niya sa dagat.
Karilyo
Pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong
kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na
iniilawan ng gasera.
Moro- moro / Komedya
Isang dulang maka- relihiyon na kinagigiliwan ng mga
Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang mga pangunahing
tauhan ng dula ay mga Kristiyano at mga Muslim.
Nagsimula ang uri ng dulang ito noong kasalukuyan kainitan
ang labanan ng mga Kastila at Muslim sa Mindanao.
Noong Pebrero, 1637, matagumpay na napabagsak ang
tropa ng mga muslim sa Kotabato. Ito’y sa pamumuno ni
Gobernador Heneral Sebastian H. Corcuera.
Noong una, ang mga komedya ay naglalarawan
ng mga tradisyon at kabuhayan ng mga Pilipino.
Nang tumagal naging maka- relihiyon na ito,
nagsasalaysay ng mga tunggalian ng mga Muslim
at Kristiyano. Ang sentro ng paksa ay madulang
pakikipagsaplaran.
Ang banghay ay umiinog sa lalaking Muslim na
iibig at sasagutin ng babaeng Kristiyano.
Mga Dulang Panrelihiyon
Tibag (ukol sa paghahanap ni Emperatris Santa Elena
sa krus ni Kristo)
Senakulo (ukol sa pagpapakasakit, pagkamatay at
muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo)
Panunuluyan (ukol sa paghahanap ng matutuluyan
ng Banal na Mag-anak sa panahong
kagampan/manganganak na ang Birheng Maria)
Sanggunian
Rubin, Ligaya T. et.al (2001). Panitikan sa
Pilipinas. Quezon City: Rex Book Store Inc.