Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Panahon ng

Himagsikan
IKAAPAT NA KABANATA
Larawan ng Panahon
Ang panitikan sa panahong ito ay nahahati
ang panahon sa Himagsikan Laban sa Kastila
at Laban sa mga Amerikano at ang
pangkalahatang tema nito ay:
• Nananawagan ng himagsikan
• Nakasulat sa bernakular (wikang katutubo)
• Nagpapahayag ng marubdob na
pagkamakabayan
Mga Tula at Manunulat
Katapusang Hibik ng Pilipinas ni
Andres Bonifacio – tahasang
nananawagan ng pagbaklas/paghiwalay
ng Pilipinas sa “Inang Espanya”
Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres
Bonifacio
Filipinas ni Jose Palma – pinagbatayan
ng liriko/titik ng Pambansang awit
Mga Sanaysay
• Ang Ningning at Ang Liwanag ni Emilio
Jacinto – ukol sa masasamang dulot ng pag-
ibig sa ningning ng kayamanan
• Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog ni
Andres Bonifacio – panawagan sa mga
Pilipino na tuklasin kung saan nagmula ang
mga paghihirap na kanilang dinaranas (sa
KOLONYALISMO/Pananakop at
pangingibabaw ng mga dayuhan)
• El Verdadero Decalogo (Ang Tunay na
Sampung Utos) ni Apolinario Mabini –
sampung utos na kahawig ng 10 Utos sa
Bibliya; nagbibigay-diin sa pag-ibig sa bayan
at kapwa
• Kartilya ng Katipunan ni Emilio Jacinto –
naglalaman ng mga tuntuning dapat sundin
ng mga Katipunero
• Catwiran ni Pio Valenzuela – sanaysay na
alay sa bayan
Mga Pahayagan
• Kalayaan – opisyal na pahayagan ng Katipunan;
pinamatnugutan ni Pio Valenzuela.
• El Heraldo de la Revolucion [Tagapagbalita ng Himagsikan] –
opisyal na pahayagan ng Republikang Pilipino; makalawa sa
isang linggo kung lumabas. Itinaguyod nito ang kaisipang
pampulitika.
• La Independencia [Ang Kalayaan] – pahayagang
pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna
• Diario de Manila – ang pantulong ng Kalayaan . Natagpuan ng
mga Kastila ang limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga
plano ng mga Katipunero.
• La Republica Filipina – Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro
Paterno
• Ang Kalayaan – tagapamalitang Tagalog at Capampangan,
Tarlac, 1899
Panahon ng Kolonyalismong
Amerikano
IKALIMANG KABANATA
Panahon ng Kolonyalismong Amerikano
Ang panitikan sa panahong ito ay :
Nagpapakita ng dalawang pwersang nagtutunggalian
• Nakasulat sa wikang Katutubo, Kastila at Ingles
• Tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga
paksang romantisista
• Nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o
pagpapailalim sa mga Amerikano
• Nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o
nangongopya ng mga estilong Kanluranin
Sa Espanyol pa rin nagsulat ang iba
dahil sa:

• Protesta sa pananakop ng mga Amerikano na


nagsasalita ng Ingles
• Mas matulain at mas akma sa panitikan ang Kastila
kaysa Ingles, ayon sa kanila
• Bibihira pa ang sanay mag-Ingles sa mga unang taon
ng pananakop ng Amerikano
• Espanyol pa rin ang wika ng mga intelektwal noon
Mga Manunulat sa Kastila

• Cecilio Apostol – sumulat ng mga tulang handog sa mga


bayani at tumutuligsa sa mga Amerikano
• Fernando Ma. Guerrero – naglabas ng antolohiya/koleksyon
ng mga tula na pinamagatang Crisalidas (“Mga Higad”)
• Jesus Balmori – may sagisag na Batikuling (isang uri ng
puno); “poeta laureado” (poet laureate)
• Manuel Bernabe – makatang liriko
• Claro M. Recto – naglabas ng antolohiyang Bajo Los
Cocoteros (“Sa Lilim/Shade ng Niyugan”)
• Apolinario Mabini – “utak ng Himagsikan”; ipinatapon ng
mga Amerikano sa Guam dahil popular sa taumbayan ang
kanyang mga sinusulat
Mga Nagsulat sa Tagalog

• Julian Cruz Balmaceda – sumulat ng


“Bunganga ng Pating”
• Lope K. Santos – nobelista at mambabalarila
(grammarian); Ama ng Balarilang Tagalog
• Jose Corazon de Jesus – “Huseng Batute”;
“Makata ng Puso/Pag-ibig”
• Pascual Poblete – sumulat ng pasyon na anti-
prayle
Mga Nagsulat sa Tagalog
• Florentino Collantes – batikang duplero;
“Kuntil-Butil”
• Amado V. Hernandez – “Makata ng mga
Manggagawa”
• Valeriano Hernandez-Peña – “Tandang
Anong”; nobelista
• Iñigo Ed Regalado – “Odalager”; kwentista,
nobelista at peryodista
Mga Nagsulat sa Tagalog at Iba Pang
Wikang Katutubo

• Severino Reyes – “Ama ng Dulang Tagalog”


• Aurelio Tolentino – “Ama ng Dulang
Kapampangan”
• Juan Crisostomo Sotto – “Ama ng Panitikang
Kapampangan”
• Hermogenes Ilagan – mandudula
(playwright)
• Patricio Mariano – kwentista
Mga Nagsulat sa Ingles

• Jose Garcia Villa – makatang Pormalista (art for art’s


sake); “Doveglion”
• Zoilo Galang – nagsulat ng unang nobela sa Ingles
• Zulueta de Costa – makata
• N.V.M. (Nestor Vicente Madali) Gonzales – kwentista
• Paz Marquez Benitez – kwentista
•Maximo Kalaw – nobelista
•Juan Laya – nobelista
•Leon Arguilla – kwentista
•Nick Joaquin – kwentista
Mga Sanaysay
• El Desarrollo Caida Dela Republica Filipina
(Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino) ni
Apolinario Mabini – tumatalakay sa pagtataksil ng
mga Pilipinong ilustrado sa Unang Republika ng
Pilipinas
• Aves de Rapiña (Mga Ibong Mandaragit-
EDITORYAL; iba pa sa nobela ni AVH) –
tumutuligsa sa Amerikanong ganid at tiwali;
nilathala sa pahayagang “El Renacimiento”;
ipinasara ang pahayagan at ipinakulong ang mga
editor at ibinenta/isinubasta ang lahat ng ari-arian
ng dyaryo
Mga Tula
• Al Yanqui ni Apostol – tumutuligsa sa
pananakop ng mga Amerikano
• Maria Clara ni Guerrero – nagpapahayag ng
pagluluksa dahil sa inagaw na kalayaan
• Pasyong Poblete – tumuligsa sa mga prayle
sa pamamagitan ng tulang estilong pasyon
Mga Tula
• Kahapon, Ngayon at Bukas (IBA PA SA DULA) ni
Aurelio Tolentino – alegorikal at sarkastikong batikos
sa huwad na kabaitan ng Estados Unidos
• Sa Dakong Silangan (“modernong awit”) ni Jose
Corazon de Jesus – alegorikal na pagtalakay sa
kasaysayan ng Pilipinas mula pagdating ng mga
Kastila hanggang sa pagdating ng mga bagong
mananakop (Amerikano)
Mga Tula

• Bayan Ko ni Jose Corazon de Jesus –


tumutuligsa sa pananakop ng dayuhan at
nagbibigay-pag-asa na balang araw, lalaya
rin ang bayan (nilapatan ng musika ni
Prop. Constancio de Guzman kaya naging
awit)
• Mahalin Ang Sariling Wika ni Joaquin
Mañibo
Mga Tula

• Kung Tuyo na ang Luha Mo,


Aking Bayan ni Amado V.
Hernandez
• Ang Lumang Simbahan ni
Florentino Collantes
Mga Dula
• Walang Sugat (sarswela) ni Severino Reyes – ukol sa
pag-iibigan ng isang babae at ng Katipunero
• Napun, Ngeni at Bukas [Kahapon, Ngayon at
Bukas] sarswela ni Aurelio Tolentino – tuligsa sa
pananakop ng mga Amerikano; ipinaaresto si
Tolentino at ang mga artistang gumanap; ni-raid ang
mga pagpapalabas
• Anac Ning Katipunan [Anak ng Katipunan]
sarswela ni Juan Crisostomo Sotto
• Tanikalang Ginto ni Juan Abad – dulang pag-ibig
ang paimbabaw (superficial) na tema ngunit
pagtuligsa sa imperyalismong Amerikano ang tunay
na mensahe
Mga Dula

• Pobres y Ricos [Mga Mahirap at Mga


Mayaman] sarswela ni Isabelo delos Reyes –
tumatalakay sa kaawa-awang kalagayan ng
mga manggagawa sa Pilipinas
• Bagong Cristo ni Aurelio Tolentino –
tumatalakay sa minimithing pagkakaisa ng
mga manggagawa upang makamit nila ang
kanilang hinahangad na uri ng lipunan
Mga Nobela

• Banaag at Sikat [Glimmer and Sunshine] ni


Lope K. Santos – kauna-unahang nobelang
tumalakay sa sosyalismo
• Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña
• Madaling Araw [Dawn] ni Iñigo Ed Regalado
• Pinaglahuan ni Faustino Aguilar – nobelang
nananawagan ng rebolusyon ng mga manggagawa
• Mga Anak-Dalita ni Patricio Mariano
• Mga Anak-Bukid ni Rosauro Almario
Mga Nobela

• Bulalakaw ng Pag-asa ni Ismael A.


Amado – tampok ang karakter na mala-
Simoun
• Pusong Walang Pag-ibig ni Roman
Reyes
Ang Balagtasan
• Nagsimula noong unang bahagi ng 1900s
• Pagtatangka ng mga makabayang makata na ikiling (to
tilt) ang paksa ng mga patulang pagtatalo gaya ng sa
duplo sa mga paksang pampulitika at panlipunan
• Ang mga unang balagtasan ay tumalakay sa mga paksang
gaya ng: wikang sarili, wikang Ingles o Kastila?; obrero o
eskirol; kagyat (immediate) na kalayaan o awtonomiya?
• Ipinangalan kay Francisco Balagtas; nagkaroon ng
bersyon sa ibang wika gaya ng sa Kapampangan
(Crisottan: parangal kay Juan Crisostomo Sotto) at sa
Ilokano (Bukanegan: parangal kay Pedro Bukaneg)
Mga Pahayagan

• El Nuevo Dia [Ang Bagong Araw]


• El Grito del Pueblo [Ang Sigaw
ng Bayan]
• El Renacimiento [Ang Muling
Pagsilang]
Mga Nobelang Ingles

• A Child of Sorrow ni Zoilo Galang


• The Filipino Rebel ni Maximo
Kalaw
• His Native Soil ni Juan Laya
• He Dishonor the Mayor ni Leon
Ma. Guerrero
Panahon ng Hapon/Gintong
Panahon ng Panitikang Tagalog
IKAANIM NA KABANATA
Panahon ng Pananakop ng Hapon
Ang panitikan sa panahong ito ay :
• Nakasulat sa wikang katutubo gaya ng
Tagalog
• May “katutubong kulay”
• Tumatalakay sa buhay sa
lalawigan/kanayunan (countryside),
paghahangad ng kalayaan at
pagkamakabayan
Maikling Kwento
• Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda
• Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
• Uhaw ang Tigang na Lupa ni
Liwayway Arceo
• Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan ni
NVM Gonzales
Natatanging Kontribusyon ng mga
Hapon sa Panitikan ng Pilipinas
• Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles (taktika
upang maakit ang mga Pilipino sa
republikang papet ng mga Hapon)
• Hinikayat ang mga manunulat na magsulat
sa Tagalog at iba pang wikang katutubo
• Pinayagan ang pag-iral (existence/operation)
ng mga magasin na gaya ng Liwayway na
nagpalaganap sa sariling panitikan ng
Pilipinas (bagamat nakapailalim ito sa
sensura o censorship)
Sanggunian
Rubin, Ligaya T. et.al (2001). Panitikan sa Pilipinas.
Quezon City: Rex Book Store Inc.
https://www.slideshare.net/cli4d/ang-mga-panahon-
ng-panitikan

You might also like