Professional Documents
Culture Documents
TEORYA
TEORYA
TUNGKOL SA
PAGKABUO NG
KAPULUAN NG
PILIPINAS
Teorya o Theory
Sa mga pag –aaral o gawaing pananaliksik,
lalo na sa larangan ng agham, madalas
nababanggit ang salitang teorya.
Isang kaisipan o paliwanag sa isang
mahalagang konsepto gamit ang siyentipikong
pamamaraan ng pananaliksik.
PINAGMULAN NG
KAPULUAN NG PILIPINAS
TEORYA NG TEORYA NG TEORYA NG
CONTINENTAL BULKANISM TULAY NA
DRIFT O LUPA
Ang kapuluan ng Ang kapuluan ng Ang kapuluan ng Pilipinas
Pilipinas ay mula sa ay bunga ng pagtaas ng
Pilipinas ay bunsod ng
malaking tipak ng lebel ng tubig sa karagatan
mga pagtambak ng
lupain sa daigdig na at natabunan ng mga tulay
volcanic material mula na lupang nag-uugnay sa
naghiwa-hiwalay ilang
daang milyong taon na sa pagsabog ng bulkan ilang bahagi ng Timog-
ang nakakaraan. sa ilalim ng karagatan. Silangang Asya.
TEORYA NG CONTINENTAL DRIFT
GONDWANALA
ND –
Timog hating-globo
Teorya ng Continental Drift
ay ang unti – unting paggalaw
ng kalupaan sa daigdig mula sa
supercontinent. Pinatunayan din
ni Wegener sa teorya ang
pagkakaroon ng magkakatulad na uli ng
fossilized na labi ng hayop sa South
America at Africa; akmang hugis ng
silangang baybayin ng South America sa
kanlurang baybayin ng Africa at ang
magkatugmang rock formation at mga
kabundukan sa South America at Africa.
Ipinaliliwanag ng Teorya ng Tectonic
Plate ang paggalaw ng mga kapuluan.
Ang CRUST ay nahahati sa malalaki
at makakapal na tipak ng lupa na
tinatawag na TECTONIC PLATE.
Dulot ng paikot na paggalaw ng init sa ilalim ng
mga tectonic plate sa asthenosphere (Mantle) ay
napapagalaw rin ang mga tectonic plate palayo,
pasalubong at pagilid sa isa’t – isa. Dahilan ang
prosesong ito hindi lang sa paggalaw ng mga
kontinente kung hindi maging sa iba pang
prosesong pangheograpiya tulad ng paglindol,
pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga
kabundukan.
TEORYA NG BULKANISMO O
PACIFIC THEORY
Bailey Willis Amerikanong siyentipiko ang
nagsabing ang Pilipinas ay nabuo bunsod ng bulkanismo,
o pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
200 milyong taon na ang nakakalipas nang ang
pagputok ng mga bulkan sa paligid ng Pacific Basin ay
nagdulot sa paglitaw ng mga pulo sa Pacific Ocean.
Ang patuloy na pagtambak ng
mga volcanic material sa ilalim ng
karagatan ang nagbigay-daan sa
unti-unting paglitaw ng kapuluan
ng Pilipinas mula sa karagatan.
TEORYA NG TULAY
NA LUPA
Sinasabing ang pulo ng Pilipinas ay
dating kabahagi ng tinatawag na
continental shelf na nakadugtong sa
mainland Asia.
CONTINENTAL SHELF mga tipak na
lupasa ilalim ng katubigan na nakakabit sa
mga kontinente.
Ito ay pinag – uugnay ng mga tulay na lupa
na noon ay lumitaw dahil sa pagbaba ng lebel
ng tubig sa karagatan bunsod sa paglukob ng
yelo sa ilang bahagi ng mundo.
ICE AGE ang panahon kung
kalian nagingang temperature sa
daigdig, bumaba ang lebel ng tubig
sa karagatan, at nagkaroon ng
malawak na pagyeyelo sa ibabaw ng
daigdig.
– Pinagdurugtong ng mga tulay na lupa
ang mga pulo sa isa’t – isa, at ang
Pilipinas ay ilang karatig na bansa sa
timog – Silangang Asya.
–Paliwanag ng siyentista, sa pagkatunaw
ng yelo na bumabalot sa malaking
bahagi ng North America,
Europe, at Asya may 250,000 taon na
ang nakalilipas ay lumubog ang
mababang bahagi ng daigdig kabilang
na ang mga tulay na lupa-dahilan
upang mapahiwalay ang Pilipinas sa
iba pang bahagi ng Asya.
Pagtukoy sa Konsepto: Isulat ang
konseptong hinihingi sa bawat bilang.