Panitikan Mga Batayang Kaalaman

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

PANITIKAN:

MGA BATAYANG KAALAMAN


Literatura. Panitikan ay
dalawa sa marami pang
ibang kasingkahulugang
salita sa ibat ibang
diyalekto at lengguwahe.
Na ang tinutukoy ay
ang kabuuan ng mga
akda o ang disiplina
ng pag-aaral nito.
‘Ang panitikan
ay talaan ng
buhay.’
(Arrogante, 1991)
‘Ang panitikan ay
lakas na
nagpapakilos sa
alinmang uri ng
lipunan.’ (Salazar
1995:2)
‘Ang panitikan ay
katipunan ng mga akdang
nasusulat na makikilala sa
pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag,
aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at
kawalang- aliw. ‘
(Webster 1947;557)
URI NG PANITIKAN
Batay sa Paraan ng
Pagsasalin
Pasalindila – naisalin sa ibang henerasyon
sa pamamagitan ng bibig ng tao dahil hindi
pa natutunan ang pagsulat (epiko, awiting-
bayan, alamat, kasabihan, salawikain,
bugtong at palaisipan)

Pasalinsulat– paraan ng pagsasalin ng


literatura magmulanang matutunan ng tao
ang sistema ng pagsulat, ito ay higit na
mahalaga dahil higit na naiingatan.
EPIKO tulang nagsasalaysay hinggil
sa kabayanihan, katapangan at
pakikipagsapalaran ng isang
pangunahing tauhan sa gitna ng mga
pangyayaring hindi kapanipaniwala.

ALAMAT mga salaysaying nauukol


sa pinagmulan ng mga bagay- bagay.
KASABIHAN Ang kasabihan ay
pahayag na nagbibibigay ng payo o
nagsasaad ng katotohanan kung saan ang
mga salitang ginagamit ay payak at
madaling maintindihan.

SALAWIKAIN ay mga maiiksing


pangungusap na lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay patnubay sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay.
Naglalaman ito ng mga karunungan
Batay sa Anyo
 
Tuluyan o Prosa – nasusulat sa
karaniwang takbo ng pangungusap at sa
patalatang paraan.

Patula – nasusulat sa taludturan at


saknungan (maaaring may sukat at tugma o
malayang taludturan na nangangahulugang
walang sukat at tugma).
Mga Akdang Tuluyan o Prosa
Nobela – mahabang salaysayin ng
mga kawing- kawing na pangyayari na
naganap sa mahabang saklaw ng
panahon, kinasasangkutan ng
maraming tauhan at nahahati sa mga
kabanata.
Uri Batay sa Pagbibigay- Diin sa
Sangkap:

Nobela ng Pangyayari –Luksang


Tagumpayni Teofilo Sauco.

Nobela ng Tauhan –Nena at Neneng ni


Valenciano H. Peῆa.

Nobela ng Romansa –Salawahang Pag-


ibig ni Lope K. Santos.
MGA AKDANG PATULA
Tulang Pasalaysay – kwento ng mga pangyayari at
nasusulat nang patula, may sukat at tugma; nasusuri
ayon sa paksa, pangyayari at tauhan.

Epiko – tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan,


katapangan at pakikipagsapalaran ng isang
pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring
hindi kapani-paniwala; dalawa sa pinakakilalang
halimbawa ay ang Biag ni Lam-ang (Iloko) at
Indarapatra at Sulayman (Muslim).
•Awit at Korido –kinapapalooban ito ng romansa o
pag-iibigan, pakikipagsapalaran, kabayanihan at
kataksilan at mga pantakas sa karahasan ng
katotohanan; mayroong paggamit ng mahika,
kababalaghan at kapangyarihang supernatural

Awit – may taludtod na lalabindalawahing pantig


tulad ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar at
Buhay ni Segismundo ni E. Julian de Tandiana

Korido – may taludtod na wawaluhing pantig tulad


ng Ibong Adarna ni Jose dela Cruz
•Tulang Pandamdamin o Liriko – tulang
tumatalakay sa marubdob na damdamin ng may-
akda o ng ibang tao.

•Awiting-bayan – maiikling tulang binibigkas


nang may himig, pinapaksa ang pag-ibig,
kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba,
kaligayahan, pag-asa at kalungkutan gaya ng Chit
Chirit Chit, Leron Leron Sinta at Bahay Kubo.
•Soneto – may labing- apat na taludtod hinggil sa
damdamin at kaisipan at naghahatid ng aral gaya
ng Soneto ng Buhay ni Fernando Monleon.
Elehiya – nagpapahayag ng panimdim dahil sa
pagyao ng isang minamahal gaya ng Awit sa Isang
Bangkay ni Bienvenido Ramos.

Dalit – tulang inaawit bilang pagpuri sa Diyos o sa


Mahal na Birhen gaya ng Dalit kay Maria.

Pastoral – naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa


kabukiran gaya ng Bayani ng Bukid ni Al Q. Perez.

Oda – paghanga o pagpuri sa isang bagay gaya ng


Ode to the Nightingale.
Tulang Padula o Dramatiko –
tulang isinasadula sa tanghalan
gaya ng La India Elegante y El
Negrito Amante ni Francisco
Baltazar.
Tulang Patnigan – mga laro o paligsahang patula na
noon ay karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga
namatayan
•Karagatan – ito’y batay sa alamat ng singsing ng
isang prinsesa na inihulog sa dagat upang
mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.
•Duplo – isang paligsahan sa husay ng pagtula at
pangangatwiran na siyang pumalit sa karagatan.
•Balagtasan – ito’y isang pagtatalo sa paraang
patula na nahango sa duplo at karagatan, ang salitang
“Balagtasan” ay hinango mula sa pangalang
“Balagtas” na si Francisco Balagtas na siyang “Ama
ng Panulaan.”
WAKAS…..

You might also like