Filipinas Dentro de Cien Años: The Philippines A Century Hence

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Filipinas

Dentro de
Cien Años
The Philippines a Century
Hence
• Pagtalakay sa
Mga paksa mahahalagang punto ng
sa Filipinas Dentro de Cien
Presentasyo Años upang makita natin
ang kalagayan ng Pilipinas
n na ito. sa Panahon ni Rizal.
• Sinalin sa Ingles bilang “The Philippines a Century
Filipinas Dentro de
Hence” Austin Craig, na siyang nagsulat rin ng “The
Cien Años Story of Jose Rizal” noong 1909.
Filipinas Dentro de Cien Años
• Sinulat sa apat na bahagi sa La Solidaridad ni Rizal, binahagi rito ang
kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng Kaharian ng Espanya.
• Kasama sa limbag ang kanyang hula ukol sa kahahantungan ng
Pilipinas sa loob ng sandaang taon.
Unang Bahagi
• “in that terrible crisis when a people changes its form of government,
its laws, usages, customs, religion and beliefs the Philippines were
depopulated, impoverished and retarded—caught in their
metamorphosis, without confidence in their past, without faith in
their present and with no fond hope for the years to come.”
• Sa panunupil ng Espanya, tayo’y nabawasan, lalong naghirap, at lahat
ng aspeto ng pamumuhay na dikit sa ating pagkapilipino ay nawasak
(mga katutubong paniniwala, pamilya, at ang pag-aasam ng kalayaan).
Unang Bahagi

• “…people, who had no love for them nor knew what liberty was, easily
changed masters, perhaps hoping to gain something by the
innovation.”
• “They gradually lost their ancient traditions, their recollections—they
forgot their writings, their songs, their poetry, their laws, in order to
learn by heart other doctrines, which they did not understand, other
ethics, other tastes, different from those inspired in their race by
their climate and their way of thinking. Then there was a falling-off, they
were lowered in their own eyes, they became ashamed of what was
distinctively their own, in order to admire and praise what was foreign
and incomprehensible: their spirit was broken and they acquiesced.
Unang Bahagi

• At ang mga tao’y, sabi nga natin, nawalan ng pag-asa sa pananatili sa ating mga
katutubong paniniwala sa pag-aasam na ang paniniwala sa bagong kulturang
hatid ng Espanya (dala ng takot at panunupil) ay makabubuti sa kanila sa mga
susunod na siglo.
• Dito rin isiniwalat ni Rizal na ang Pilipino’y pinapangit sa sarili niyang Bayan –
na ang pagkapilipino ay simbolo hindi ng pagmamalaki kundi hiya. At ang
Espanya ang tinuturing na malakas, kahit siya pa ang hindi tubong lupa sa atin.
• “Thus years and centuries rolled on. Religious
Unang Bahagi shows, rites that caught the eye, songs, lights,
images arrayed with gold, worship in a strange
language, legends, miracles and sermons,
hypnotized the already naturally superstitious
spirit of the country, but did not succeed in
destroying it altogether, in spite of the whole
system afterwards developed and operated
with unyielding tenacity.”
• Makikita natin na matagumpay ang panunupil
sa pamamagitan ng relihiyon, ngunit hindi
matagumpay ang tuluyang pagkasira ng ating
paniniwala sa isang malayang Pilipinas.
Unang Bahagi
• Mangilan-ngilan pang bahagi ng Unang Bahagi ng Filipinas Dentro de Cien Años ang
nagsasabi na buhay pa sa puso ng mga Pilipino ang paniniwala na ang pagiging matapat sa
Espanya ay walang kuwenta. Ito’y dahil sa patuloy na mga abuso ng kaparian at ng buong
Espanya.
• “The spirit of the people was not thereby cowed, and even though it had been awakened in
only a few hearts, its flame nevertheless was surely and consumingly propagated, thanks to
abuses and the stupid endeavors of certain classes to stifle noble and generous
sentiments.”
• Dito rin tinanong ni Rizal kung anong mangyayari sa Pilipinas magdaan man ang sandaang
taon.
• Kung noon man itinanong ang kahahantungan
ng Pilipinas sa loob ng sandaang taon, madali
ang sagot. Ngunit kung ang nakita ng mga

Ikalawang Pilipino sa ilang siglong pagkakatali sa Espanya


ay ang pasakit, kalungkutan, at kawalan ng
pagkakaisa lalo na sa mga pangulo ay nawalan

Bahagi na rin sila ng pag-asa. Sa loob ng tatlong siglo,


nasanay na ang Pilipino sa ganito – ang leeg ay
nakapatong sa pamatok (EN: yoke), mga
kamay na nakakadena, at kita sa kanyang mga
mata ang kawalan ng pag-asa.
Ikalawang Bahagi
• Sa panahong isinulat ni Rizal ito, itinanong nga na kung pareho pa ba ang kalagayan ng
Pilipinas sa ilalim ng Espanya kumpara noon? Para sa mga Español ay oo – bobo pa rin tayo
at tumandang paurong.
• Ngunit, ito’y isiniwalat ni Rizal na ito’y isang walang katotohanan.
• Dito rin tahasang sinabi ni Rizal na ang Pilipino’y wala nang tiwala sa Espanya. Inihalintulad
ni Rizal ang Espanya sa isang nars na nag-aalaga ng isang bata ngunit hindi hinahayaang
lumaki ang bata bagkus nilalason upang hindi lumaki, at kahit sa mahinang hikbi ay ang
nars na ito’y nagwawala.
Ikalawang Bahagi

• Sinabi rin ni Rizal na ang mga Español din naman ang sumisira sa kanila: mga opisyal na hindi
pinagbabayad sa kanilang mga kasalanan kahit na ang kahit sinong umupo ay umalis na
walang pondo ang bayan ay hindi pinarurusahan. Tinanong ni Rizal: para saan ang batas
kung ang mga kalaban ng estado ay pinarurusahang walang paglilitis, at ang Español ay
nakalalakad nang malaya kahit na sila’y may sala?
• Dahil dito, sinabi ni Rizal na: “The batteries are gradually becoming charged and if the
prudence of the government does not provide an outlet for the currents that are accumulating,
some day the spark will be generated.” Malapit na ang paghihimagsik laban sa manunupil
kung hindi babaguhin ng Espanya ang mga ito upang magyabong ang Bansa.
Ikalawang Bahagi

• Sa huling mga bahagi ng bahaging ito sinabi ni Rizal na maaaring kahantungan


ng Pilipinas sa loob ng sandaang taon ay: “The Philippines, then, will remain
under Spanish domination, but with more law and greater liberty, or they will
declare themselves independent, after steeping themselves and the mother
country in blood.”
Ikatlong Bahagi
• Sinabi dito ni Rizal na ang España’t Pilipinas ay parang si Sancho Panza
sa nobelang Don Quixote na sinabihan ng kanyang doktor na si Pedro
Rezio na ang mga dapat kainin lang ni Sancho ay ito’t iyan at kahit
nakahain na ang mga pagkain ay pinatanggal pa ni Rezio ang mga ito.
Ang kinahantungan nito ay isang gutom na Sancho.
• Tulad ng Pilipinas, pinalalagakan tayo ng España ng mga pagbabago
ngunit ang ating doktor – sa katauhan ng Gobernador Heneral – ay
hindi tayo pinahihintulutan maranasan ito. Ang kinahantungan nito ay
isang gutom na Pilipinas.
• Sa huli, si Sancho’y naghimagsik kontra sa kanyang doktor. Pilipinas?
• Ang mga putaheng inihahain sa
Pilipinas sa atin ng España na
hinarang ng mga Gobernador
Heneral ay ang malayang
Ikatlong pamamahayag, pagkakaroon ng
Bahagi kinatawan sa Cortes (congreso).
Ikaapat na Bahagi
• Kung ang mga pangyayari sa ibang sibilisisayon ay ikokonsidera (sa loob ng pananakop ng
kung sinuman), hindi malayong mag-alsa ang mga Pilipino: “not harassed by opposing
tendencies and antagonistic ideas and interests, some day the Philippines will fatally and
infallibly declare themselves independent.”
• Dito rin sinabi ni Rizal na ang posibilidad na mapasailalim ng Amerika ang Pilipinas:
“Perhaps the great American Republic, whose interests lie in the Pacific and who has no
hand in the spoliation of Africa, may some day dream of foreign possession. This is not
impossible, for the example is contagious, covetousness and ambition are among the
strongest vices, and Harrison manifested something of this sort in the Samoan question.”
Ikaapat na Bahagi

• Sa huling bahagi ng mga sanaysay na ito, nagmukhang binantaan ni Rizal ang


Espanya:
• “Therefore, we repeat, and we will ever repeat, while there is time, that it is
better to keep pace with the desires of a people than to give way before
them: the former begets sympathy and love, the latter contempt and anger.
Since it is necessary to grant six million Filipinos their rights, so that they
may be in fact Spaniards, let the government grant these rights freely and
spontaneously, without damaging reservations, without irritating mistrust”
Buod

• Ang pananakop ng Espanya ay humantong sa kamatayan, kahirapan, at pagkabobo ng


Pilipino.
• Sinira rin ng Espanya ang mga kulturang katutubo at pinalitan ng mga kulturang Kastila
– lalung-lalo na ang relihiyon. Dahil dito, iniakyat sa trono ang Kastila at sumailalim sa
pangungutya ang mga katutubong kultura maging sa mga Pilipino. Ito’y dahil rin sa
takot sa mananakop.
• Dahil sa takot sa mananakop at paniniwala sa kaligtasang hatid ng Katolikong Dios
hatid ng mga prayle, naging masunurin nang walang pagtatanong ang mga Pilipino sa
España. Dahil sa takot, napasunod ang Pilipino. Dahil sa mga prayle, naging walang
imik ang Pilipino.
Buod

• Kahit na hindi binigyan ng Espanya ang Pilipinas ng edukasyon ay naging mainit ang
lagablab ng apoy sa loob ng mga Pilipino upang maging malaya. At ang pag-aalsa’y
hindi malayo sa katotohanan.
• Hindi magpakailanman na sasariwain ng Espanya ang kanyang kapangyarihan sa
Pilipinas, kung patuloy niyang pahihirapan ito’t hindi pararanas ang mga polisiyang
maginhawa na ginagawad ng kaharian ng Espanya. Ang Pilipino’y mag-aasam ng mas
maginhawang buhay; hindi mapapahinto ang kanilang daan papuntang kaunlaran.
• Hindi kaya ng Espanya na maglagak pa ng kaniyang tao sa Pilipinas para lamang
mapanatili ang kanyang kapangyarihan sa paraan ng pagpatay ng mga Pilipino.
Imposible ang genocide ayon sa estatistika.
Buod
• Mag-aalsa ang mga Pilipino kung walang
pagbabagong mangyayari.
• Hindi rin maitatanggi na ang Amerika ay
nananakop na sa Pasifiko, kung kaya’t posible rin
na ang Pilipinas ay maaaring mapasailalim ng
Amerika.
Pag-usapan natin!
1. Hindi maitatanggi na nangyari
nga ang mga hula ni Rizal: ang
baya’y nag-alsa, ang Amerika’y
sumakop sa Pilipinas sa ilalim ng
Kasunduan sa Paris. Ngunit ang
isa sa mga hula ni Rizal ay ang
anneksasyon – isang malayang
Pilipinas na probinsya ng
Espanya. Kung ikaw ang
tatanungin, anong mga
kahantungan ang iyong nais at
bakit?
Pag-usapan natin!

2. Pinakikita dito ang resulta ng lampas sa


tatlong siglong pananakop ng Espanya – sa
ilalim ng diktaturya. Paano sinasalamin ng
mga sanaysay ni Rizal ang kasalukuyan, lalo
na’t parang diktaturya rin ang nangyayari –
limitado ang malayang pamamahayag, ang
mga kinatawan natin ay hindi taumbayan
ang kinakatawan, mga pulis na pumapatay
nang walang paglilitis (o nagtatanim ng
ebidensiya), atbp.?

You might also like