Aralin 6

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Aralin

Aralin 66

CONATIVE,
INFORMATIVE, AT
LABELING NA GAMIT
NG WIKA
Ano ang
sasabihin
mo?
Pumasok ka sa auditorium ng inyong paaralan.
Nakita mong okupado na ng mga estudyante
ang mga upuan maliban sa isa na walang
nakaupo pero may bag na nakalagay. Alam mo
na ang may-ari ng bag ay ang estudyanteng
nakaupo sa tabi ng upuang may bag. Ano ang
sasabihim mo sa may-ari ng bag para magamit
ang bakanteng upuan?
Si Maribel ang pinakamatalino sa kanilang klase. Mataas ang
kaniyang mga marka. Mahusay siya sa lahat ng asignatura.
Kapag wala pa ang guro, nakaupo lang siya at nagbabasa ng
libro. Kapag recess naman, hindi siya nakikipagkuwentuhan
habang kumakain. Sa halip, nagbabasa siya at pinag-aaralan
ang kanilang mga leksiyon. Kapag sumasali siya sa
kuwentuhan, mas gusto niyang pinagkukuwentuhan ang
itinuro ng kanilang mga guro. Madalas ang mga estudyanteng
gaya ni Maribel ay binabansagang o binibigyan ng iba’t-ibang
pangalan ng kanilang mga kaklase. Ano-ano sa palagay mo ang
pangalang ibinigay o ibinabansag sa mga estudyanteng gaya
ni Maribel?
Habang nakasakay ka sa dyip papasok sa paaralan,
napansin mong unti-unting bumagal ang takbo ng
sinasakyan mong dyip. Pagkatapos, nakikita mong
nagtatakbuhang mga tao na may dal-dalang mga
gamit sa bahay. Narinig mong may sumisigaw ng
“Sunog! Sunog!” Nang tumingin ka sa labas ng dyip,
Nakita mo ang makapal na usok at malaking apoy
mula sa mga nasusunog na bahay. Pagdating mo sa
paaralan, hinhanap mo kaagad ang mga kaklase mo
para ibalita sa kanila ang tungkol sa sunog. Ano ang
sasabihin mo sa kanila?
Mahilig manghiram ng mga gamit mo ang
iyong kaibigan. May mga gamit ka pa sa
kaniya na hindi pa niya ibinabalik kahit
sinabihan mo na siya. Kanina, nanghihiram uli
siya ng bag at sinturon pero ayaw mo na muna
siyang pahiramin hangga’t hindi pa niya
ibinabalik ang mga gamit mong nasa kaniya
pa. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
“Huwag po ninyong
kalimutang isulat ang
pangalan ko sa inyong
mga balota!”
“Ano pa hahanapin
mo? Dito ka na! Bili
na!”
“Magtulungan po tayo
para sa pag-unlad ng
ating mga bayan.”
nagbibigay ng
impormasyon naghihikayat
nakikiusap

nag-uutos
Sa mga sitwasyong naiimpluwensiyahan
natin ang isang tao sa pamamagitan ng
pakiusap at pag-uutos, CONATIVE
ang gamit natin ng wika.
Nakikita rin natin ang CONATIVE
na gamit ng wika sa mga pagkakataong
gusto nating humimok o manghikayat,
may gusto tayong mangyari, o gusto
nating pakilusin ang isang tao.
Tuwing Darating ang Eleksiyon
Isa ang panahon ng eleksiyon sa maituturing na mahalagang panahon sa ating bansa. Mahalaga ito
sapagkat sa panahong ito tayo pumipili ng mga taong gusto nating maglingkod sa atin. Huwag nating
ipagkatiwala ang kinabukasan ng ating bayan sa mga kandidatong hindi karapat-dapat na maglingkod sa
atin. Dapat na maging matalino tayo sa pagpili ng mga kandidatong iboboto natin. Huwag tayong basta
maniwala sa kanilang mga sinasabi at ipinapangako. Lagi nating isaisip ang talo hanggang anim na taong
pag-upo nila sa pwesto. Kapag nagkamali tayo sa pagpili sa kanila, hindi natin sila kaagad mapapalitan.
Kung dati nanag nanalo ang kandidato at tumatakbong muli, balikan natin ang kaniyang naging paglilingkod.
Balikan natin ang kaniyang mga nagawa. Alamin natin ang mga naitulong niya sa pagsulong ng bayan, at
saka tayo magdesisyon kang muli ba natin siyang pagkakatiwalaan o hindi. Kapag bagong tumatakbo ang
kandidato, alamin natin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniyang propesyon, pamilya, at
pagkatao. Huwag tayong magpadala sa tamis sa pananalita ng isang kandidato.
Tuwing darating ang eleksiyon, gamitin natin at huwag balewalain ang isang mahalagang pamana sa atin ng
demokrasya– ang pagboto. Piliin natin ang mga kandidatong maglilingkod sa atin. Nasa matino nating
pagpapasiya nakasalalay ang kinabukasan ng atin bayan.
Sa mga sitwasyong may gusto tayong
ipaalam sa isang tao, nagbibigay ng mga
datos at kaalaman, at nagbabahagi sa iba
ng mga ipormasyong nakuha o narinig
natin, INFORMATIVE ang gamit
natin sa wika.
Bagong Bayani
Sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa OFW, patuloy pa rin ang maraming Pilipino sa
pangingibang-bayan upang magtrabaho. Bakit nga ba napipilitang umalis ang mga Pilipino sa Pilipinas? Ano
ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling bayan at magpasyang sa ibang lupain na lamang
magtrabaho at mag-alay ng kanyang lakas, galing at talino? Sa tanong na ito, marami kaagad ang mga
susulpot na kasagutan. Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na para maghanap ng mas magandang
kapalaran o “greener pasture”. Marami ang nagsasabi na para kumita ng dolyar, mapag-aral ang mga anak,
makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng sasakyan, makaipon ng perang pangnegosyo, at iba pa.
Kung susumahin ang mga pahayag na ito, halos lahat ay patungo sa iisang dahilan lamang– ang
paghahanap ng mas mabuting oportunidad sa trabaho upang mabigayn ng magandnag buhay ang pamilya.
Kahirapan ang pinakakaraniwang dahilan ng aksiyon ng mga Pilipino, lalo na ng kababaihan, na lisanin ang
Pilipinas at iwan ang pamilya para maghanapbuhay sa ibang bansa. Subalit, ano ang karaniwang
kinahihinatnan ng mga Pilipino pagsapit nila sa bansang kanilang nakatakdang pagtrabahuhan? Lahat ba ng
kanilang pangarap para sa kanilang pamilya ay nabibigyang-katuparan? Gumaganda nga ba ang buhay ng
mga OFW pati ng ng kanilang pamilya dahil sa kanilang pangingibang-bayan? Bagama’t hindi maikakailang
may mga Pilipinong nagtatagumpay at nakakamit ang katuparan ng mga pangarap s alabas ng bansa,
malungkot isipang mataas ang bilang ng mga Pilipinong ang kinauuwian ay ang kabaligtaran ng lahat ng
kanilang pinapangarap at inasahan.
Jack of all
trades
Bagong
fashionsita Pambansang bayani
kamao
jejemon Queen of
Fallen 44 Walking pasaway
all media
calculator
King of
Comedy PNoy Iskolar ng
bayan jologs
Asia’s Song
Bird terror
BANSAG PANAWAG
Ang pagsusuri natin sa mga tao ang
nagbibigay-daan para bansagan o bigyan
nayin sila ng LABEL o katawagan
nagbibigay kaalaman o
impormasyon
(informative)
nag-uutos katawagan
(conative) (label)
Halimbawa Mo,
Isulat Mo!
Panuto: Sumulat ng tatlong sariling halimbawa ng
makabuluhang pangungusap na nagpapakita ng
gamit ng wika na conative, informative, at labeling.
Nang sa lahat ng bagay ang
Diyos ay papurihan!

You might also like