Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Aralin 20

Sektor ng Industriya
Panimula:
• Sa nakaraang aralin, tinalakay
natin ang sektor ng agrikultura at
kung ano ang ambag nito
upang makamit ang
pambansang kaunlaran.
• Sa araling ito, tatalakayin natin ang
sektor ng industriya at kung ano
ang papel nito sa pagkakaroon ng
matiwasay na pamumuhay ang
bawat mamamayan.
Sektor ng
Industriya
• Pangunahing layunin nito ay maiproseso
ang mga hilaw na materyal upang makabuo
ng mga produkto na ginagamit ng tao.

hilaw na materyal produkto


Sub-sektor ng
Industriya
•Pagmimina (Mining)
• Pagmamanupaktura
(Manufacturing)
• Konstruksyon
(Construction)
• Utilities
Pagmimina

• Pagkuha at pagproseso ng mga yamang


mineral (metal, di-metal, o enerhiya) upang
gawing tapos na produkto o kabahagi ng
isang yaring kalakal.
• Ang mismong produkto, hilaw man o
naproseso ang nagbibigay ng kita para sa
bansa.
Pagmamanupaktura
• Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga
produkto sa pamamagitan ng manual labor o
ng mga makina.
• Nagkakaroon ng pisikal o kemikal na
transpormasyon ang mga materyal o bahagi
nito sa pagbuo ng mga bagong produkto.
Konstruksiyon
• Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng
pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba
pang land improvements.
Utilities
• Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang
pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan tulad
ng tubig, kuryente at gas.
• Kasama dito ang paglalatag ng mga
imprastruktura at angkop na teknolohiya upang
maihatid ang nararapat na serbisyo sa lahat
ng tao.
Kahalagahan ng
Industriya
• Gumagawa ng mga produktong
may bagong anyo, hugis at
halaga.
• Nagbibigay ng trabaho.
• Pamilihan ng mga tapos na
produkto
• Nagpapasok ng dolyar sa
bansa
Sangay ng Pamahalaan na
Tumutulog sa Sektor ng
Industriya
• Department of Trade and Industry (DTI) –
Gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatatag ng
negosyo.
• Board of Investments (BOI) – Tinutulungan nito ang
mga nagsisimulang industriya at humihikayat sa mga
dayuhang mamumuhunan na magnegosyo sa
bansa.
• Philippine Economic Zone Authority (PEZA) –
Tumutulong sa mga mamumuhunan na maghanap ng
lugar upang pagtayuan ng negosyo.
• Securities and Exchange Commission (SEC) –
Nagtatala at negrerehistro sa mga kompanya sa
bansa.
Isaisip:
• Pangunahing layunin ng sektor ng
industriya ang maiproseso ang mga
hilaw na materyal upang makabuo ng
mga produkto na ginagamit ng tao.
• Mahalaga ang sektor ng industriya
sapagkat gumagawa ito ng mga
produktong may bagong anyo, hugis at
halaga, nagbibigay ng empleyo,
pamilihan ng mga tapos na produkto at
nagpapasok ng dolyar sa bansa
TAKDA:

PAGPAPAHALAGA

• Paano ka makatutulong sa pag-


unlad ng sektor ng industriya tungo
sa pagkamit ng kaunlaran ng
bansa?
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
References:
• Capada M. et. al.(2020) Araling Panlipunan Ika-apat
na Markahan – Module 23: Sektor ng Industriya Ang
Mga Patakaran at Programa Nakatulong sa Sektor
ng Industriya, (Unpublished) DepEd Division of Iligan
City
• Eko and Miya characters used with permission from
the National Economic Development Authority
(NEDA) retrieved March 20, 2020 from
http://2040.neda.gov.ph/eko-and-miya-series

You might also like