Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 41 To 42
Kabanata 41 To 42
Kabanata 41 To 42
42
ABANGAN, Shana Gwyneth B.
41
Ang Dalawang
Panauhin
Balisa at di makatulog si Ibarra dahil sa nangyari sa dula. Dumating si Elias upang ipabatid na may sakit si
Maria. Tinanong nito ang binata kung may nais sabihin sa dalaga bago dalhin sa Batangas.
Isinalaysay din ni Elias kung paano huminto ang kaguluhan. Kilala niya raw ang dalawang nanggulo at
napahinto dahil na rin sa pakiusap niya.
Nagbihis si Ibarra at pupunta sa bahay ni Kapitan Tiago. Nakasalubong niya sa daan ang kapatid ng
lalaking madilaw na yumao sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan, si Lucas. Kinukulit nito si Ibarra sa
perang makukuha sa pagkamatay ng kapatid.
Sinagot siya ni Ibarra na sa susunod na lamang sila mag-usap dahil pupunta siya sa maysakit. Nangulit si
Lucas ngunit tinalikuran lang siya ni Ibarra.
Sumama ang tingin ni Lucas kay Ibarra. Napabulong ito na apo raw talaga ng matandang nagpahirap sa
ama ni Lucas itong si Ibarra. Pero magkakasundo pa rin daw sila basta magbayad si Ibarra.
ARAL
May mga taong kayang kalimutan ang
paninidigan at ipinaglalaban para
lamang sa pera. Para sa kanila, may
katumbas na halaga ang kanilang
desisyon at pananaw sa buhay.
Talasalitaan
1.Naligalig – nabalisa, hindi mapagkali, nabagabag
3.Ipabatid - ipaalam
4.Abalahin - nidisturbuhin
Isang nagpapanggap na mediko si Don Tiburcio. Galing siyang Espanya ngunit di na nakabalik doon at dito
na nakapangasawa.
Dating tagalinis sa ospital si Tiburcio. Nang manirahan sa Pilipinas, naghirap ito. Nang mapangasawa si
Victorina, naisip niyang magpanggap na doktor, alinsunod na rin sa payo ng ilang kaibigan.
Nakabawi sa kabuhayan ang mag-asawa dahil sa dami ng nagpapagamot sa kaniya kahit huwad naman
itong manggagamot.
Agad na pinuntahan ni Don Tiburcio ang maysakit na si Maria. Pinulsuhan ito at sinabing mapapagaling
ang dalaga. Niresetahan ito ng liquen at gatas, Jarabe de altea, at dalawang pildoras de Cinaglosa.
Ipinakilala naman ni Tiburcio kay Linares na nagbighani na sa dalaga.
3.Maralita - mahirap
4.Naglalayag – naglalakbay