Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

FILIPINO 10

MODYUL 3 & 4
Mga Paksa:
Modyul 1: Kahulugan ng salita batay sa
kayarian nito
Modyul 2: Mensahe at layunin ng
napanood na cartoon ng isang
mitolohiya
Balik-tanaw:
1. Kaisipan
2. Mga dapat tandaan sa pagkuha ng
kaisipan
3. Pagpapahayag ng Kaisipan/Pananaw
4. Mga hakbang sa pag-uugnay ng
kaisipan
Layunin:
• naiuugnay ang kahulugan ng salita batay
sa kayarian nito.
• natutukoy ang mensahe at layunin ng
napanood na cartoon ng isang mitolohiya
Panimulang Gawain:
Suriin ang mga sumusunod na salita at uriin kung ito ay
PAYAK, MAYLAPI, TAMBALAN AT INUULIT.
bulaklak PAYAK
sari – sari INUULIT
kasintibay MAYLAPI
abot – tanaw TAMBALAN
araw-araw INUULIT
Mga Gawain sa Pagkatuto:

KAYARIAN NG SALITA
1. Payak – binubuo ng salitang ugat lamang at
walang kasamang panlapi at hindi rin
nagkakaroon ng pag – uulit
Halimbawa: saya dumi grasa bahay
2. Maylapi – tawag sa salitang nabuo matapos
dagdagan ng panlapi – salitang
dinagdagan ng mga panlapi (unlapi,
gitlapi at hulapi) upang makabuo ng
panibagong salita
Halimbawa:
ma + saya = masaya um + dalaw = dumalaw
lista + han = listahan pag +sikap +an =pagsikapan
3. Inuulit – salitang binubuo ng pag – uulit ng
isang bahagi ng buong salita

Halimbawa:
Maduming – madumi bahay - bahayan
Masayang – masaya itim na itim
4. Tambalan – salitang binubuo sa pamamagitan
ng pagsasama o pagtatambal ng
dalawang salita upang makabuo ng
isang tambalang salita
Halimbawa:
Dalaga + bukid =Dalagang – bukid
– isang dalaga na nakatira sa bukid o taga bukid
Tukuyin ang mga halimbawang salita kung itoay
Payak, Maylapi, Inuulit at Tambalan.
pasyalan maylapi pantay- pantay inuulit
punong-kahoy tambalan pera payak
babae payak patalon-talon inuulit
palamig-lamig inuulit kapitbahay mayla
gutom na gutominuulit malapit-lapit inuulit
pi
sasayawin maylapi takdang aralin tambalan
silid -aralan tambalan puti payak
1. Anong salita ang kasingkahulugan ng tambalang
salitang pagiisang – dibdib? Sagot-pag-aasawa
2. Alin sa mga salitang maylaping nasa kahon ang may
naiibang kahulugan?
minamahal iniibig sinisinta hinahangad
Sagot- hinahangad
3. Anong payak na salita ang kasinghulugan ng salitang galak
sa pangungusap na: “Ligaya ang dulot ng muli naming
pagtatagpo ng dati kong kaibigan”. Sagot- ligaya
4. Anong inuulit na salita ang puwedeng gamiting
pamalit sa pariralang sobrang minamahal o labis
na iniibig?
Sagot- mahal na mahal
5. Alin sa mga salitang payak na nasa kahon ang
may naiibang kahulugan?
lilok ukit guhit
Sagot- guhit
MENSAHE AT LAYUNIN NG NAPANOOD
NA CARTOON NG ISANG MITOLOHIYA
mortal tumutukoy sa nilalang na may kamatayan o
namamatay
paghahabi isang proseso kung saan pinagsasala ang mga
sinulid upang makagawa ng tela
tanyag kilala o sikat
asal ugali o pag-uugali
nagbalatkayo nagpanggap nagkunwari
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit naging tanyag si Arachne sa kanilang lugar?
A. Siya ang pinakamaganda sa lahat ng dalaga
B. Mahusay siyang sumayaw at kumanta.
C. May taglay siyang kapangyarihan tulad ng isang
diyosa
D. Mahusay siyang maghabi at magburda ng tela.
D. Mahusay siyang maghabi at magburda ng tela.
2. Ano ang masamang idinulot kay Arachne ng
kaniyang katanyagan?
A. Naging magulo ang buhay niya.
B. Nawalan na ng oras sa sarili dahil sa dami ng
nagpapahabi
C. Siya ay naging mayabang at mapagmalaki.
D. Nagkasakit siya dahil sa sobrang pagod
C. Siya ay naging mayabang at mapagmalaki.
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ni Arachne ang
labis na ikinagalit ng diyosang si Athena?
A. “Walang nagturo sa akin ng paghahabi”
B. “Natutuhan ko sa sariling paraan ang paghahabi”
C. “ Mas magaling ako kay Athena kahit siya ang
nakatuklas nito”
D. “Ako na ngayon ang kikilalaning diyosa ng
paghahabi”
C. “ Mas magaling ako kay Athena kahit siya
ang nakatuklas nito”
• 4. Si Athena ay bumaba sa lupa na nagbalatkayong
isang ___ at pinuntahan si Arachne.
• A. Agila
• B. Paniki
• C. Matandang babae
• D. Marikit na dalaga
C. Matandang babae
5. Ano ang naging reaksyon ni Arachne sa matanda nang
sabihin nitong napakasuwerte niya sa natanggap na regalo kay
Athena, ang pagiging mahusay na manghahabi?
A. Nagpasalamat siya sa sinabi ng matanda.
B. Mas mahusay umano siyang maghabi kaysa kay Athena
C. Natuwa siya sa sinabi ng matanda
D. Nagalit siya sa matanda at itinaboy ito paalis
B. Mas mahusay umano siyang maghabi kaysa kay
Athena
6. Nainsulto nang labis si Athena nang sabihin ni Arachne
na __
A. Tuturuan siya ni Arachne ng tamang paghahabi ng tela.
B. Mas higit ang kaniyang ganda kasya sa diyosa
C. Siya ang nagturo ng paghahabi sa diyosa
D. Higit na maraming naniniwala sa kaniya kaysa sa diyosa

A. Tuturuan siya ni Arachne ng tamang paghahabi


ng tela.
7. Dahil sa matinding galit, hinamon ni Athena si Arachne
sa isang kompetisyon sa paghahabi. Ang sinumang matalo
ay ___
A. Ipatatapon sa ilalim ng lupa.
B. Titigil sa paghahabi
C. Ikukulong sa pusod ng dagat
D. Aalisan ng karapatang mabuhay
B. Titigil sa paghahabi
8. Ano ang napatunayan ni Arachne sa
kompetisyon?
A. Mas mahusay siya kaysa kay Athena
B. Walang katumbas ang husay ni Athena
C. Hindi patas ang mga hurado
D. Pagkakakitaan niya ang paghahabi
B. Walang katumbas ang husay ni Athena
9. Sa kaniyang pagkatalo kay Athena, ano ang
pinangangambahan ni Arachne ?
A. Ang maipatapon sa ilalim ng lup
B. Ang makulong sa pusod ng karagatan
C. Ang matigil sa kaniyang paghahabi
D. Ang talikuran ng taong humahanga sa kaniyang
galing
C. Ang matigil sa kaniyang paghahabi
10. Sa kabila ng awa ni Athena kay Arachne, bakit ginawa niya
itong ginawang gagamba?
A. Nakita niyang kasingsipag ng gagamba sa paghahabi si Arachne.
B. Alam ni Athena na malulungkot ito kung titigil sa paghabi.
C. Mas magiging masaya ang dalaga na maging isang gagamba
D. Dahil ito ang pinakamagaang parusa sa masamang asal ng
dalaga.

B. Alam ni Athena na malulungkot ito kung


titigil sa paghabi.
Gawain sa Pagkatuto:
• Ang mensahe ng akda ay tumutukoy sa mahalagang
natutuhan mula sa binasa o pinanood na akda. Dito
napupulot ng mambabasa o manonood ang aral na nais
nitong ipahiwatig .
• Ang layunin ay ang intensyon, motibo o dahilan ng may
akda na nais iparating sa mambabasa o manonood. Ito ay
maaaring , mang-aliw, manghikayat, mangaral,
magturo,magpaalala o manlibang.
PAGLALAHAT:
a. Kayarian ng Salita
1. payak 3. tambalan
2. maylapi 4. inuulit

b. Mensahe at Layunin ng Isang Akda


Karagdagang Gawain:
Balikan ang mga pangyayari sa iyong buhay kung saang ikaw ay
nakagawa ng pagkakamali at kung paano mo inayos pagkakamaling ito.
Isulat ito ng patalata upang makabuo ka ng isang replektibong sanaysay
Sikaping magamit ang apat na kayarian ng salita.
Pamantayan
Iniugnay na Kaisipan – 40%
Organisasyon ng ideya – 30%
Kabisaan sa wika – 20%
Kaisahan – 10%
Kabuoan – 100%

You might also like