Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

MORPOLOHIYA

MGA MIYEMBRO

01. 02.
SAGABAEN, CORPUZ,
HAZEL DANNIEL JR. V.

03. 04.
ABUAN, MARK ORDONIO, MARK
VINCENT ANGELO G.

05. 06. 07.


MATEO, SUBIDO, CHRISTIAN POPES,
CARMELA PAUL KRISTINE
ANO ANG MORPOLOHIYA?
● Ang morpolohiya ay isang disiplina ng linggwistika na nag-
aaral ng kayarian ng mga salita.

● Tungkol ito sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng


pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng mga salita.
MORPEMA
● Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles at
kinukuha sa salitang Griyego na morph o nangangahulugang anyo o
yunit at eme na ang ibig sabihihin ay kahulugan.

● Ito ang pinakamaliit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng


kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na
pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga
pantig ay makakabuo ng isang salita.

Halimbawa:
Makahoy, matao, marumi, magalis
Malayang Di-malayang
Morpema Morpema
• Ito ang mga salitang • Kinakailangan pa itong
ugat o tinatawag ding ilapi sa ibang morpema
payak ang anyo o kayarian upang maging malinaw at
dahil may taglay itpmg tiyak ang kahulugan.
tiyak na kahulugan. • Tinatawag na panlapi
ang mga morpema na
lagging nakakabit sa ibang
morpema.
• Di malayang morpema
ang mga affix o panlapi.
MGA ANYO NG MORPEMA
Morpemang binubuo Morpemang binubuo ng
01. ng salitang-ugat 02. Panlapi

Morpemang binubuo ng isang


03. Ponema
Morpemang
01 binubuo ng
salitang-ugat
- Ito ay may salitang payak at walang
kasamang panlapi.

Halimbawa: Tanim, Sulat, Gawa

Ang salitang-ugat ay tinatawag


na malayang morpema kung maaari itong
makatayong mag-isa: takbo at bili sa
tumakbo at binili.
Morpemang
02 binubuo ng
Panlapi
- Kilala bilang di-malayang morpema
sapagkat inilalapi sa ibang morpema.

Halimbawa: Alamin, Antukin, Hikain


Morpemang
03 binubuo ng
isang Ponema
- Ito ay ang paggamit ng makahulugang
tunog o ponema sa Filipino na
nagpapakilala ng gender o kasarian.

- Nakikilala ang pagkakaibang ito sa


pamamagitan ng [a]

Halimbawa:
Propesora (Propesor), Doktora (Doktor), Lina
(Lino)
MGA URI NG MORPEMA

Morpemang Morpemang
Pangkayarian Pangnilalaman
Ito ay nakapagpapalinaw Ito ay mga salitang may tiyak na
ng kahulugan ng buong kahulugan at nagsisilbing
pangungusap katulad ng: mahalagang salita sa loob ng
ang, si, ng, sa, pero, ka, ang, pangungusap
ba, atbp.
DISTRIBUSYON NG MORPEMA
UNLAPI GITLAPI
Kapag inilalagay sa unahan ng salita. Kapag nakalagay sa loob ng salita.
Hal. magbasa, umibig, paalis Hal. sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa

HULAPI KABILAAN
Kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay
Hal. ibigin, sulatan, sabihin, gabihin sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita.
Hal. mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan

LAGUHAN
Kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Hal. magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan
Ang mga morpema ng isang wika ay may mga tiyak na
kaayusan o distribusyong sinusunod:

● Ang unlaping um- ay laging nasa unahan ng salitang-ugat na


nagsisimula sa patinig: akyat [umakyat].

● Ang gitlaping -um- ay laging nasa pagitan ng unang katinig at


kasunod nitong patinig ng nilalapiang salitang nagsisimula sa
katinig: tulong [tumulong].
Kaya ang distribusyon ng isang morpema ay ang kabuuan ng
kontekstong puwedeng paggamitan nito sa wikang kinabibilangan.
Ano ang gamit ng ng sa mga sumusunod na pangungusap?

1. Nagluto ng adobo ang mga kusinero. (pananda ng tuwirang


layon)
2. Binili ng nanay ang mga ulam na iyan. (pananda ng tagaganap
ng
pandiwang balintiyak)
3. Mahirap pala ang eksamen ng mga sundalo. (panuring na
paari)
MGA ALOMORP NG MORPEMA
Ang isang morpema ay maaaring magbago ang anyo dahil sa impluwensya
ng kaligiran. Mayroon itong itinuturing na tatlong anyo ng alomorp ng
morpema.: [pang- ], [ pan-] at [ pam-]. Bawat alomorp ay mayroong sariling
distribusyon. Ginagamit ang alomorp na [ pang-], kung ang inuunlaping aalita
ay nagsisimula sa alinman sa mga ponemang patinig na /a, e, i, o, u/ o
alinman sa mga ponemang katinig na /k, g, h, m, n, ng,vw, y/ at walang
pagbanagong nagaganap dito.

Halimbawa:
● Panggabi pang-abay
● Pangkamay pang-opera
● Pangmadla pang-walis
MGA ALOMORP NG MORPEMA
Ginagamit naman ang [pan-], kung ang salitang inuunlapian ay
nagsisimula sa alinman sa / d, l, r, s, t/.

Halimbawa:
● Pandamit
● Pansala
● Pantakip
● Pantaksi
MGA ALOMORP NG MORPEMA
● Ginagamit ang [pam-], kung ang inuunlapiang salita ay
nagsisimula sa /b, p/.

Halimbawa:
● Pambansa
● Pampakyaw
● Pampito
● Pambutas
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
ASIMILASYON- ito ay ang pagbabagong karaniwang nangyayari sa
tunog na /ng/ sa mga panlaping pang-, mang-, hing- o sing- dahilan sa
impluwensya ng kasunod na tunog ( unang tunog ng salitang nilalapian).
 
Halimbawa:
● pang- + bansa = pangbansa = pambansa
● mang- + bola = mangbola= mambola
● sing- + tamis = singtamis = sintamis
DALAWANG URI NG ASIMILASYON
1.Asimilasyong ganap- ito ang pagbabagong nagaganap sa pusisyong pinal ng
isang morpema dahilan sa impluwensya ng kasunod na tunog.
 
Halimbawa:
● Pang- + dakot = pangdakot = pandakot
● Sing- + puti= singputi= simputi
● Sing- + rupok= singrupok= sinrupok

2.Asimilasyong di-ganap- nawawala ang unang tunog ng nilalapian.


 
Halimbawa:
● pang- + talo= pantalo = panalo
● mang- + kuha= mangkuha = manguha
● Pagpapalit Ponema- may mga tunog na nababago
sa pagbuo ng mga salita.
 
Halimbawa:
● ma- + dami= madami= marami
● ka- + dagat + -an= kadagatan= karagatan
● ka- + palad + -an= kapaladan = kapalaran
METATESIS
kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa ponemang /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-
in-], nagkakapalit ng pusisyon ang mga ponemang /i/ at /n/ at nagiging [ni-].

HALIMBAWA
● l + [-in-] + angoy
= linangoy > [-in-] > [ ni-]
= l[ni-]angoy
= nilangoy

● l + [-in-] + uto
= linuto > [-in-] > [ ni-]
= l[ni-]uto
= niluto
PAGKAKALTAS NG PONEMA
kapag ang ponemang patinig sa huling pantig ng salitang-ugat ay nawawala sa
sandaling ito’y hinunlapian.
 
● HALIMBAWA

● [asin] + [-an]
= asinan > /i/
= asnan
 
● [bilih] + [-an]
= bilihan > /i/
= bilhan
 
● [bigay] + [-an]
= bigayan > /a/
= bigyan
REDUKSYON O PAG-AANGKO
Sa uring ito, pinagsasama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong
salita. Nagkakaroon din ng pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng bagong salita.

HALIMBAWA

● [Kita] + [mo]
= kitam

● [hintay ] + [ka]
=teka

● [sabi] + [nila]
= anila
PAGLILIPAT-DIIN
Pagbabagong nagaganap sa diin ng salitang-ugat kapag nilalapian

HALIMBAWA

● [ka-] + [samah] + [-an] malumay


= kasamahan – mabilis

● [laro] + [-an] maragsa


= laruan - playground - malumay
=laruan - toy – mabilis

● [basah] + [-an] maragsa


= basahan – malumay
KAYARIAN NG MGA SALITA
1.Payak
-Binubuo ng salita ugat lamang at walang kasamang panlapi at hindi rin
nagkakaroon ng pag-uulit.
 
Halimbawa:

● alay
● bahay
● patay
● talon
● kain
KAYARIAN NG MGA SALITA
2.Maylapi
-Binubuo ng panlapi at salitang-ugat

Halimbawa:
 
● ma+saya= masaya
● ma+dumi= madumi
● ma+itim= maitim
● ma+liit= maliit
● lista+han= listahan
KAYARIAN NG MGA SALITA
2.Maylapi
-Binubuo ng panlapi at salitang-ugat

Halimbawa:
 
● ma+saya= masaya
● ma+dumi= madumi
● ma+itim= maitim
● ma+liit= maliit
● lista+han= listahan
KAYARIAN NG MGA SALITA
3. Inuulit
- Salitang binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi ng salita o ng buong
salita

2 URI NG INUULIT

1.PAG-UULIT NA GANAP 2.PAG-UULIT NA DI-GANAP


PAG-UULIT NA GANAP
-inuulit ang buong salitang-ugat
 
Halimbawa:
 
Salitang-Ugat Pag-uulit
 
gabi gabi-gabi
araw araw-araw
PAG-UULIT NA DI-GANAP
-bahagi lamang ng salita ang inuulit
 
Halimbawa:
 
Salitang-Ugat Pag-uulit
talon tatalon
sulat susulat
inom iinom
awit aawit
KAYARIAN NG MGA SALITA
4.Tambalan
-tawag sa pagsasama ng dalawang salita

2 URI NG TAMBALAN

1.TAMBALANG GANAP 2.TAMBALANG DI-GANAP


TAMBALANG GANAP
- ang dalawang salita pinagtambal ay nagkaroon ng ikatlong kahulugan
iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama
 
Halimbawa:
 
bahag+hari= bahaghari
hampas+lupa= hampaslupa
TAMBALANG DI-GANAP
- ang taglay ng kahulugan ng bawat dalawang salita ay hindi mawawala
 
Halimbawa:
 
bahay+kubo= bahay-kubo
punong+kahoy= punongkahoy
silid+aklatan= silid-aklatan
MGA BAHAGI NG PANANALITA
1. PANGNGALAN
-Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop o pangyayari.

2 URI NG PANGNGALAN

1.PANGNGALAN PANTANGI 2.PANGNGALAN PAMBALANA


PANGNGALANG PANTANGI
- ay ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa tiyak ng ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook, pangyayari, at iba pa. Kadalasan, ang pangngalang pantangi ay nagsisimula
sa malaking titik.

HALIMBAWA:
● *Gregorio del Pilar
● *Bb. Aisah Gomez
● *Dr. Roberto Jimeneco
● *Bacolod City National High School
● *Luneta Park
● *Bench
● *Jollibee
● *Bruno (aso)
● *Araw ng mga Puso
PANGNGALANG PAMBALANA
- ay ang uri ng pangngalan na tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao,
pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa.Hindi katulad ng pangngalang
pantangi na karaniwang nagsisimula sa malaking titik, ang pangngalang
pambalana ay nagsisimula sa maliit na titik.

HALIMBAWA:
● *damit
● *guro
● *pook-Pasyalan
● *parke
● *aso
● *paaralan
MGA BAHAGI NG PANANALITA
2. PANGHALIP
-Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan
upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi
magandang pakinggan.

Uri at Halimbawa:
● Panao - ako, siya, sila
● Paari - akin, kaniya, kanila, amin
● Pananong - sino, ano, kailan
● Pamatlig - dito, doon
● Pamilang - ilan, marami
● Panaklaw - madla, pangkat
MGA BAHAGI NG PANANALITA
3. PANDIWA
Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.

Uri ng Pandiwa:
● Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral.

● Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon


Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena.

● Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.


Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.
PANG-URI
- Salitang nagsasaad ng katangian o uri ng tao, hayop, bagay, lunan at iba pa na
tinutukoy ng pangngalan o panghalip na kasama nito sa loob ng pangungusap. Ito
ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip upang
mabigyang- diin ang kakaibang katangian sa iba.
KAURIAN NG PANG-URI
1.PANG-URING PANLARAWAN
-Maaring maglarawan sa katangian, hitsura o anyo, kulay, lasa, amoy,tunog, kayarian at hugis
ng pangalan at panghalip.
Halimbawa:
● Malinis ang kanyang budhi.
● Si Jose Rizal ay bantog na Bayani.
● Mabango ang damit ni Michael.

A. LANTAY
- Walang tinutukoy kundi ang katangian ng pangngalang nilalarawan. Walang hambingang
nangyayari rito.
Halimbawa:
● Sariwang gulay ang dala ni Dean mula sa Dagupan.
● Si Magdalena ay maitim.
● Magaling si Berta.
KAURIAN NG PANG-URI
B.PAHAMBING
- Ito ay pang-uring nagtutulad ng dalawang pangngalan o panghalip.

URI NG PAHAMBING PANG-URI

1.MAGKATULAD O PATAS 2.DI-MAGKATULAD


NA PAGHAHAMBING
URI NG PAHAMBING PANG-URI
MAGKATULAD O PATAS NA PAGHAHAMBING
-Ang dalawang bagay o tao na inuuri ay nagtataglay ng magkatulad na
katangian. Ito ay gumagamit ng mga panlaping sing-, kasing-, magsing-,
magkasing-, tulad, gaya, kahawig, kawangis at kamukha.

HALIMBAWA:
● Magkasimputi sina Cynthia at Villar.
● Simbait ng kanyang Tatay si Makoy.
● Kamukha ni Rodrigo si Domingo.
URI NG PAHAMBING PANG-URI
DI-MAGKATULAD
-Ang pinaghahambing ay hindi magkapatas ng katangian. Gumagamit ito
ng salitang lalo, higit, kaysa, di-gaano, di- gasino, di-lubha, di-totoo, mas
at kaysa.
 
Halimbawa:
● Mas pandak si Pats kay Manny.
● Higit na madaldal ang mga nanay kaysa sa mga tatay.
● Si Inam ay di-gaanong matakaw tulad ni Aljur.
KAURIAN NG PANG-URI
C.Pasukdol
-Naghahambing ng isang pangngalan o panghalip sa dalawa o higit pang
pangngalan o panghalip. Ginagamit dito ang mga panlaping pinaka-,
pagka-, napaka- at kasama ang inuulit na salitang-ugat; kay at salitang-
ugat na inuulit; ka-an at kasama ang salitang-ugat na inuulit at ilang
pariralang gaya ng ubod ng, sukdulan ng, hari ng, ulo ng at iba pa.

Halimbawa:
● Pinakamalinis ang barangay namin.
● Ubod ng lawak ang lupain nila sa aming lugar.
● Pagkabait-bait ng guro namin.
KAURIAN NG PANG-URI
2.PANG-URING PAMILANG
- Ang pang-uri na naglalahad ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip. Ito ay
tiyak o di-tiyak na bilang.

URI NG PANG-URING PAMILANG


● Patakaran o Kardinal
● Panunuran o Ordinal
● Pamahagi (Fraction)
● Palansak (Collective)
● Pahalaga (Unitary)
● Patakda
URI NG PANG-URING PAMILANG
1.Patakaran o Kardinal
-Ginagamit ito sa pagbilang o pagsasabi ng dami.
Halimbawa: isa, dalawa, labingwalo, sandaan, sanlibo, sanglaksa
(10,000), sangyuta (100,000), sang-angaw (1,000,000)

2.Panunuran o Ordinal
- Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng mga
pangngalan. Ito ay ginagamitan ng panlaping pang- at ika-.
Halimbawa:
Una, ika-sampu, pangalawa, ikalawa, pang-una, pangsampu

 
URI NG PANG-URING PAMILANG
3.Pamahagi (Fraction)
-Ginagamit ito sa pagbabahagi o pagbubukod ng ilang hati ng isang
kabuuan. Ginagamit dito ang panlaping ika- at katambal ang salitang
bahagi at panlaping ka na buhat sa ika.
 
Halimbawa:
● ikatlong bahagi kalahati bahagdan (1/100)
● katlo (1/3)
● ikaapat na bahagi limang-kanim (5/6)A
URI NG PANG-URING PAMILANG
4.Palansak (Collective)
- Nagsasabi ito ng bukod na pagsasama-sama ng anumang bilang ng tao, bagay, at
iba pa.
Halimbawa: isa-isa, isahan, apatan, iisa, sanda-sandaan, tig-isa, tig-tatlo, tig-isang daan,
tig-iisa

5.Pahalaga (Unitary)
- Ginagamit ito para isaad ang halaga ng bagay o mga bagay. Ginagamit dito ang mga
panlaping mang at tig-.
 
● Halimbawa:
● Mamera(mang-pera)
● Tig-isang pera
● Mamiso (mang-piso)
● Tig-limang piso
URI NG PANG-URING PAMILANG
6.Patakda
- Ito ay nagsasaad ng tiyak na bilang at walang iba kundi iyon o
hanggang doon na lamang.
 
Halimbawa:
● Iisa
● Lalabintatlo
● lilimahin
MGA PANANDA
Pananda - ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na
pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap.
 
1. Pantukoy o article/determiner- ang pantukoy ay katagang ginagamit
sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari.Ito'y nahahati sa
dalawang uri
 
A.pantukoy na pantangi: si, sina, kay, kina, ni,nina

HALIMBAWA:
● Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
● Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.
MGA PANANDA
B.pantukoy na pambalana: tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
(ang, ang mga, mga)
HALIMBAWA:
● Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
● Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.
 
2. Pangawing o Pangawil (linking/copulative) na “ay” ay pananda sa
ayos ng pangungusap at pandiwa ang tagapag-ugnay ng paksa at
panaguri.
HALIMBAWA:
● Ang atlas ay isang uri ng aklat
● Si Almira ay gumagawa ng kanyang takdang-aralin
 
MGA SANGGUNIAN
● https://www.slideshare.net/luvy15/alomorp-ng-morpema

● https://www.coursehero.com/file/49930932/ANG-ALOMORP-NG-MORP
EMApptx
/

● https://prezi.com/39jk7cpenioj/morpolohiya/?fallback=1

● https://muhaz.org/pook-ng-mga-pangunahing-wika-sa-pilipinas.html?pa
ge=
3

● https://www.slideshare.net/aluring/fil1-morpema

● https://www.slideshare.net/clauds0809/morpolohiya-48525606

● https://fayllar.org/pagbabagong-morpoponemiko.html
MGA SANGGUNIAN
● https://www.slideshare.net/melaaamicosa/kayarian-ng-mga-salita

● https://www.slideshare.net/Davis_1304/mga-bahagi-ng-pananalita-
45528193

● https://philnews.ph/2020/01/29/pambalana-mga-halimbawa-ng-pangal
ang-pambalana
/

● https://www.slideshare.net/alyssagarcia50364/ang-mga-panuring

● https://prezi.com/gmp1uswppkha/mga-panuring/

● https://www.scribd.com/doc/133607711/Mga-Pananda

● https://www.academia.edu/39458985/Salitang_Pangkayarian

● https://www.scribd.com/presentation/462260688/MGA-PANANDA-
group-5-jamila-mara-alsad
MARAMING
CREDITS: This presentation template was
created by Slidesgo, including icons by

SALAMAT
Flaticon, infographics & images by Freepik

Please keep this slide for attribution

You might also like