Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

BAHAY-KUBO

Ang Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay ng


buhay sa bukid sa Pilipinas. Ito ang tahanan ng kahapon na
nagbago at napanatili hanggang ngayon. Ang Nipa Huts o
Bahay Kubo ay isang simbolo ng pamumuhay sa rural ng
Pilipinas. Ang mga ito ay naiiba sa iba’t ibang lugar, ayon
sa mga kondisyon at kalagayan ng lugar. Ang Bahay Kubo
ay isang simbolo ng pamumuhay ng mga Filipino.
"MGA BAHAGI NG BAHAY-
KUBO"

“LEAN –TO-HOUSE”
Ito ay isang bahagi ng bahay-kubo
na ang bubong nito ay nakasandal sa
haliging kawayan, ito ang karaniwang
ginagamit ng mga sinauang tao
sapagkat tumutulong ito upang
maibsan ang kalamigan ng gabi.
"BULWAGAN"

Ang bulwagan ay pasukan at labasan, o


bulwagang tanggapan at hintayan ay isang
silid ng isang gusali na nagsisilbing pasukan
ng mga tao mula sa labas.
"SILID"

Ito ay isang bahagi ng bahay kung


saan dito nagpapahinga o natutulog ang
isang tao.
"PAGLUTUAN-DAPOGAN"

Bahagi ito ng bahay-kubo kung saan dito


nagluluto ang mga tao para ipakain sa bawat
kasapi ng pamilya.
"PAGLUTUAN-BANGUERA"

Ito ay bahagi rin ng


bahay-kubo kung saan
dito tayo naghuhugas
ng pinggan at kaldero,
nagpapatuyo ng
pinggan at lalagyan ng
pinggan.
"PAGLUTUAN-BATALAN"

Ito ay bahagi ng bahay-kubo


kung saan dito natin inilalagay
ang mga sisidlan ng tubig tulad
ng banga para sa pang araw-
araw na inumin ng pamilya.
"SILONG"

Ang silong ay bahagi ng isang bahay o


gusali. Ito ay isa o marami pang mga palapag
ng isang gusali na maaaring buo o bahaging
nasa ilalim ng una o panlupang palapag.
"BAHAY-KUBO (BAMBOO)"

Ito ay isang
bahay-kubo na
gawa sa
kawayan upang
maging bahay,
silongan ng mg
tao at maging
tirahan na rin ng
isang pamilya.
"BAHAY-
KUBO(NIPA/COGON)"
Ito rin ay isang
bahay-kubo na
gawa sa nipa o
cogon, kung saan
ang dahon ng cogon
ay pinagtagpi-tagpi
upang makagawa
nang pantakip sa
ding-ding at sa
bubong ng bahay.
“TOROGAN”

Ang Torogan ay isang tradisyonal na bahay na itinayo ng mga


Maranao sa lalawigan ng Lanao, Mindanao, Pilipinas.[1] Ang torogan
ay isang tanda ng mataas na katayuan sa lipunan. Ito ay isang noo'y
tahanan sa mga Sultan o Datu sa pamayanang Maranao. Sa
kasalukuyan, mga bahay na yari sa konkreto na ang mahahanap sa
mga buong pamayanang Maranao, ngunit may mga natitira pang
mga torogan na sandaang taong gulang na.
“MGA BAHAGI NG
TOROGAN”
“TAPUWILIH”
Ito ay bahagi ng Torogan na nasa
gitna ng silong ng bahay na
napapalibutan ng dalawampu’t-lima o
higit pang mga haligi na nagsisilbing
“shock absorber” kung sakaling may
lindol.
TUKOD

Ang tukod ay
isang bahagi ng
bahay torogan na
nagsisilbing panukod
upag maiangat at
makagawa nag
durong sa ilalim ng
bahay.
DURONG

Ang Durong ay
ang malaking hawan
sa ilalim ng bahay.
na kung saan may
haba itong lampas
tao. Pwede rin itong
maging silongan ng
mga alagang hayop.
PORO
BARIMBINGAN
TOWAK
DINGENDING
TINAI-A-WALAY
PANOLONG

Ang panolong ay isang parte ng bahay torogan


na disenyong pang-ornamental na inukit sa
parang “prow” o nakausling harapan ng barko.
NIYAGA

Niyaga ang tawag


sa hugis ahas na
nakadisenyo sa bahay.
Ito ay may iba’t-ibang
kulay kung kaya ito’y
magandang tingnan sa
labas at nakaka-akit
ang kagandahan nito.
LAMIN
Lamin ang tawag
sa parte ng bahay
torogan na
kinalalagyan ng isang
prinsesa o babaeng
anak ng datu. Dito
inaalagaan at
pinagsilbihan ng
maayos ang prinsesa
hanggang sa lumaki
ito.

You might also like