Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 14

1.

Ihanda ang mga sumusunod: timba, pala,


itak, supot o tela.
2. Paghati-hatiin ang lawak ng inyong bukirin ayon
sa lugar na iba-iba ang:
2. kulay ng lupa (maitim o mapula)
3. kapinuhan o kagaspangan ng lupa (gaya ng
mabuhangin, malagkit (clayey) o tumana.
4. uri ng datihang mga pananim.
5. dami ng inilagay na abono o dumi ng hayop
ng nakaraang panahon at
6. bilis ng pagkaagnas ng lupa dahil sa ulan at
hangin.
Bawat pitak o hati na pare-
pareho ang pananim, uri ng
lupa at kaanyuhan
(topography) ng lugar na may
limang (5) ektarya ang laki ay
nangangailangan ng isang
kilong pinagsama-samang
muwestra ng lupa (composite
sample).
 Pagkatapos mag-ani o kaya’y bago mag-
abono.
 Huwag kukuha ng muwestra ng lupa sa
mismong lugar na nilalagyan ng abono o
kaya’y sa mga di tinatamnang lugar, tulad ng
mga tudling na pinabayaan na.
 Hindi rin dapat kumuha ng muwestra sa
palikong hilera ng taniman o doon sa malapit
sa punong kahoy.
b. Ilagay ang kimpal na lupa sa timba o malinis
na lagayan na may dalawang (2) sentimetro
ang kapal at limang (5) sentimetro ang lapad.
*Gawing muli ito sa sampung ibat-ibang lugar
ng taniman.

1
7 8

2 4
6 9

3
5
10
c. Pagkatapos
pagsama-
samahin sa
timba ang mga
kimpal ng
lupa ,ilagay o
ikalat ito sa
malinis na
plastik o banig
durugin at
haluing mabuti
ang mga ito.
4. Patuyuin ang kinuhang lupa sa lilim at
iwasang mahaluan ng ibang klaseng muestra
ng lupa at tiyaking walang mapapasamang
dumi lalong-lalo ng upos ng sigarilyo
5. Kapag tuyo na
ang lupa, durugin iwanan ang
muli ng pino at dalawang bahagi
ikalat ito sa
(bahagi 2 at 4).
malinis na plastik
hatiin sa apat
na bahagi,
itapon ang
magkasangg
ang bahagi
(bahagi 1 at 3
 Ulitin ito ng
apat na beses
hanggang
umabot sa isang
kilo.
 Ilagay ang lupa sa supot. (isang kilo bawat
supot).
6. Lagyan ng pangalan o tanda ang mga supot
at dalhin ang mga ito sa tanggapan ng
agrikultura sa inyong lugar (LGU-Municipal
Agricultural Office) o kaya’y dalhin ito sa
DA/Regional Soils Laboratory na
matatagpuan sa Del Rosario, Naga
City.upang malaman ang taglay nitong mga
elemento (pH, N, P, K)
Pangalan(Name): Juan dela Cruz
Lugar ng Bukirin: Cadlan Pili,
(Farm Site)
Lawak (Area): 1.5 ektarya
Uri ng itatanim: Palay
Kaanyuan: Kataasan
(Topography)
Dating inaani: 60 kaban
Dating ginamit na abono:
18-46-0 = 3 bags
46-0-0 = 2 bags
GPS Coordinates = 123.9876, 13.2565

You might also like