ARALIN 3 3 (Dokumentaryo)

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

Dokumentaryong Pampelikula: Midyum

sa Pagbabagong Panlipunan
Panimula :

• Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking

impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay.

• Marahil ay lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating

mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-arawaraw na pamumuhay.

Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood.


• Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop culture”.

• Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyan ito man ay
may kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel
ng wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa.

• Sa ganito ring konsepto, umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang
mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo. Partikular na
ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad mo.

• Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media, broadcast media at ang
paksang iyong matututuhan ngayon, ang Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng
Dokumentaryong Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga
kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresiyong biswal na nagtatampok ng katotohanan
sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan.
Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at
paggamit ng ICT o Information and Communication Technology upang lalo pang
mapalaganap ang ganitong mga akdang pampanitikan.
Konseptuwal na Balangkas
MOTIBASYON :
Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at

pananaw kaugnay ng mga ito


Add a Slide Title - 2
Add a Slide Title - 3
Add a Slide
Title - 4
Click icon to add picture

Add a Slide
Title - 5
Click icon to add picture
Click icon to add picture
GAWAIN 1.

1. Alin sa mga palabas o pelikula na


nakalarawan ang iyong kinagigiliwan?
Magbigay ng tatlo at ipaliwanag kung bakit.

2. Ano-ano ang eksena sa pelikula o palabas


ang tumatak sa iyong isipan? Maglarawan ng
dalawa at ipaliwanag kung bakit
3. Kung bibgyan ka ng pagkakataon, ano ang
isang tanong na nais mong tanungin sa mga
tao sa likod ng mga pelikula o plabas na ito?
GAWAIN 2. Ihasip Natin (Ihambing at
Isaisip)
Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa Gawain 3.3.a. Subukin mong
ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod na dayagram. Pagkatapos nito, itala
mo ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at
mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

DOKUMENTARYO PELIKULA

A. Pagkakaiba B. Pagkakaiba
C. Pagkakatulad
Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor
ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa kanilang
tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan.

Ang nasabing dokumentaryo ay nilapatan ng cinema kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng
filmmaker ang kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng
ating kultura at panitikang popular.

Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang 248 “pinilakang-tabing”. Kabilang na rito ang
“Manoro” (The Teacher) na pinarangalan sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors
Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola
at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at
film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino.
Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging limitado nito sa iba’t
ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na wika
ng mga tauhan ay ang mismong kanilang “mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim
nito na nakasulat sa wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang pagsasalin
nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami.
Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang
Obra-Maestra na pambuong daigdig ang “Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang Guro)
“ MANORO “ (Ang Guro)
(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
Hinalaw at Isinalin ni Jet Oria Gellecanao
GAWAIN 3.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong :
1. Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong
Pampelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular? Ipaliwanag.
2. Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na lider at tagapagtaguyod
ng kabutihan sa nakararami sa kasalukuyang panahon?
3. Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo na nagtataglay ng “kawalang-alam”
(illiteracy) lalo na sa pagbasa at pagsulat? Ano ang naisip mong mga proyekto para sa kanila?
4. Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad
ni Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga
katutubo at ng bansang Pilipinas?
5. Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa iyong mga
kapwa katutubo? Magbigay ng mga mungkahi
6. Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa kaniyang edad, wasto ba ang hakbang na
isinagawa ni Jonalyn para sa kaniyang mga kapwa katutubo?
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat pangunahing
layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng
lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita
ang realidad at katotohanan.
Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong Pampelikula.
Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena
sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”.
At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng
“travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”.
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging instrumento
laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime propaganda”,
ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan
ng tinatawag na “Cinema Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo”
kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng
“filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa
pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.

Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso ang
mga “Independent o Indie Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi
ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.
Mga Elemento ng Pelikula
Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula.
Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na
pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
c.Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at
linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at amdamin ng manonood.
Iba pang mga Elemento
Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo
dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabas.
Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at
sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa
telebisyon o pelikula.
Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga
eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na
nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula.
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa
malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang
ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin,
kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.
Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin
ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang
papel.
Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang
detalye lamang mula sa closeup . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na
sa buong mukha.
High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim
Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng
buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang ibong lumilipad sa
himpapawid.
Panning Shots – Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang
detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong
kumakaripas ng takbo.
Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong
pampelikula ay ang Komunikatibong Paggamit ng mga
Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag.
• a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin

• 1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.”(pagtanggap)

• 2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pagaalinlangan)

• 3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang yaon.” (pagtanggi)

• 4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon)

• 5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” (pagsalungat)


b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop
na ginagawi, ipinakita at ipinadarama
1. PAGBIBIGAY-BABALA
• “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigaybabala)
• “Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.”

2. PANGHIHINAYANG
“Sayang, tama sana ang aking kasagutan.”
“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.”
3. HINDI PAGPAYAG
• “ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.”
• “ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.”
GAWAIN 4.
Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood. Alamin kung anong
gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin ang tamang sagot mula sa
kahon sa itaas . Isulat sa papel ang mga sagot.

Pagtanggi Pagsang-ayon

Pagbibigay-babala Panghihinayang

Panghihikayat Pagsalungat
PAHAYAG GAWI NG PAGSASALITA
1. Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib
sa daan!

2. “Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin


siya sa pagboto.”
3. “Sa ginagawa nilang iyan, inaagawan nila ng tahanan
ang mga ibon.”
4. “Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi
naman ito makapagpapababa at makababawas ng aking
pagkatao.”
5. Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi
naman ito makapagpapababa at makababawas ng aking
pagkatao.”
6. “Ang sampagitang ito ay para sa mga ga-gradweyt
lamang, isuot mo, huwag kang mahiya, bagay sa iyo ito.”

7. “ O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng pananghalian


natin.”

You might also like