Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

TALAKAYIN

 Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit ng mga produkto o


serbisyo. Ang sambahayan ang bumubili ng mga produkto at serbisyo
para sa kanyang sariling paggamit o para sa ibang paggamit bukod sa
kanyang pansariling kagustuhan.
 Ang pagkunsumo ng tao ay maaring nasa alin mang sa nakasaad na uri
ng produkto. Ito ay maaaring sa pagkunsumo ng pangmadalian na
pangangailangan katulad ng pagkain, kasuotan, bag, at cellphone. Ang
mga ito ay tinatawag na nondurable goods. Maaari din naman na ang
pagkunsumo ay pang matagalan. Halimbawa ng pangmatagalang
pagkusnumo ay ang pagbili ng durable goods tulad ng kotse, bahay, at
insurance. Mahalagang malaman ng mga gumagawa kung para kanino,
gaano karami, at paano gagawin ang mga pangangailangan ng mga tao
para sa pagkonsumo.
 Ayon sa Philippines statistics survey noog 2015, ang pinakamataas na pagkunsumo
ng sambahayan ay ang pagkain. Sumunod dito ang inumin, at sinundan ng
kasuotan at sapatos. Ang kasuotan, sapatos, gastusin sa bahay, gamit sa bahay, at
kalusugan ay ang mga pagkakasunod-sunod ng mga mahahalagang gastusin ng
sambahayan.

Buod ng Aralin, Gabay sa Pag-aaral

Pagkonsumo
(Produkto at serbisyo)

Ang Epekto sa

Utility Salik ng pagkonsumo Pamantayan


Pagkonsumo Batay sa Utility

 Dumarami ang pagkonsumo ng tao kung ito ay nagdudulot ng


matinding pangangailangan at kasiyahan. Masusukat ang
kasiyahan ng tao kung ito ay may kahalagahan na utility na
tinatawag ng mga ekonomista. Ito ay ang pagsukat sa dami ng
kasiyahan sa pagkonsumo ng produkto. Ang total utility ay
nasusukat sa pamamagitan ng kabuuang kasiyahan ng tao. Kapag
may karagdagan muli sa utility sa bawat pagkunsumo ng
produkto o serbisyo, ito naman ay tinatawag na marginal utility.
Sa anumang karagdagang matatamo sa pagkonsumo ng produkto
at serbisyo ay may pagbabago sa total utility.
 Ayun kay Alfred Marshall, isang malaking
contributor sa ekonomiks, sa bawat pagtaas ng
utility ay bumababa naman ang marginal utility. Ito
ay mas kilala sa teorya na Law of Diminishing
Marginal Utility.
 Kung ang pagkunsumo ng isang bagay ay nagbibigay
ng kasiyahan, ito ay nag dudulot utility. Katulad sa
panimulang pagtataya, ang isang takal ng kanin ay
nag bigay utility kay Babes. Ang pangalawang kanin
ay nagbigay ng mas malaking kasiyahan sa
pagkunsumo ng kanin kumpara sa nauna. Dito
tumaas ang utility pero maaring ang Marginal
utility ay hindi kasing-taas sa naunang pagkunsumo
 Sapangatlong kanin, tumaas parin ang utility
ngunit ang marginal utility ay mas lalong bumaba
kumpara sa pangalawa. Kung dadagdagan pa ang
pagkunsumo ng dalawa pang kanin, ang marginal
utility ay maaring mas lalong bumaba. Ito ay sa
kadahilanan na ang kasiyahan sa pagkain ng
maraming kanin ay maaring naabot na niya at
nakontento na ito sa pagkain. Ang pagbaba ng
marginal utility ay ang kadahilanan ng kabusugan
kaya paliit na nang paliit nag tyansa nitong
kumain at kumuha ng kanin hanggang ito ay
umabot sa pinakamababang marginal utility.
Upang mas lalong maunawaan ang konsepto at pagkakaugnay ng marginal
utility at total utility, pagmasdan ang sumusunod na talahanayan.

Dagdag ng takal ng Total


kanin utility Marginal Utility
0 0 0
1 20 20
2 35 15
3 45 10
4 48 2
And Law of Diminshing Maginal Utility ay nakikita sa parehong kurba. Ang pagbaba ng kurba ay ang Marginal Utility Curve. Tandaan na ang marginal utility ay palaging positibong numero. Samantala, ang pagtaas ng kurba ay ang total utility curve.

Nasusuri ng Law Diminishing Marginal Utility na maaaring sa pagkonsumo ni Babes ng limang takal ng kanin ay hindi na ito nagbigay ng karagdagang kasiyahan sa kaniya. Kahit na libre pa ang kanin, ngunit kung nakamit na niya ang pinkamataas na utility ay
maaaring tanggihan na niya ang dagdag na takal ng kanin sa kabusugan.
Salik na Nakaaapekto
sa Pagkonsumo
 Ang pagbili at pagkonsumo ng
produkto at serbisyo ng bawat
indibidwal ay nasusukat sa
kaniyang kasiyahan at dami ng
pagkonsumo. Ngunit ang
pagkonsumo ng tao ay maaaring
magbago sa maraming
kadahilanan. Ang sumusunod ay
ang mga salik na nakaaapekto sa
paggawa ng desisyon sa
pagkonsumo.
1. Kita
Ayon kay John Maynard Keynes,
kapag ang kita ay nagbago, ang
pagkonsumo ng isang tao ay maaaring
magbago depende pa rin sa antas ng
kanyang trabaho. Ito ay ipinaliwanag
sa kanyang teorya na Propensity to
Consume.
Propensity to Consume

 Ayon dito, habang tumataas and disposable income ay tumaas din ang
pagkonsumo. Ang disposable income ay ang pagbawas ng buwis sa kabuuang
kita na maaring gamitin sa pagkonsumo at pag-ipon.
 Kapag tumaas ang kita ng tao katulad sa pamamagitan ng isang promotion ay
Malaki rin ang matatanggap niyang benepisyo at insentibo. Ito ay maaaring
makadagdag sa pagkonsumo at paglaki ng gastos ng sambahayan.
Disposable Income = Kita – Buwis
Kung ang kita ng tao ay tumaas, and demand sa normal goods ay tataas din at
liliit naman ang kagustuhan sa inferior goods. Ang normal goods ay ang mga
produkto o serbisyo na higit na maituturing na kagustuhan kaysa sa
pangangailangan katulad sa pagbili ng mamahaling sapatos, laptop, at kape. Ang
inferior goods ay hindi nangangahulugang mababa ang kalidad ng produkto. Ito
ay ang mga produkto na mas mura at madaling mabibili ng nakararami.
2. Kayamanan

Ang pagkonsumo ng tao ay depende sa laki o liit ng kayamanan


nito. Kapag ang tao ay may mas malaking kita, maaaring malaki
rin ang yaman nito lalo na kung ang pangunahing layunin natin
ay ang pag-iimpok ng kaniyang kita.

Ang kabuuang yaman ng tao ang nagsasabi kung gaano kalaki


ang yaman mo. Ang yaman ng tao ay maaaring nasusukat sa
kaniyang bahay, stocks, bands, pera sa bangko , at iba’t ibang
pang ari-arian. Kahit ang disposable income o kita ay walang
maaaring magdulot ng pagtaas sa pgkonsumo.
3. Interest Rate
Ang interest rate ay ang karagdagang kita kapag ang tao ay nag-iimpok
ng pera katulad sa bangko. Ito rin ay karagdagan na pambayad sa inutang
na pera.

Kung halimbawa , ang interest rate sa bangko ay tumaas ng 5% kada taon


kaysa sa kasalukuyang 1% lamang, maaaring magpasya ang mga tao na
mag-impok ng pera sa bangko. Ito ay upang lumaki ang kita ngunit ito rin
ay maaaring maaaring maging dahilan ng pagliit ng pagkonsumo.

Kapag umutang naman ng pera sa bangko. May interest rate na


idadagdag ditto. Ang internet rate ay depende sa laki ng iyong inutang.
Kung malaki ang internet rate, mas lalaki ang babayaran a bangko at iyo
ay maaaring maging dahilan ng pagliit ng pagkonsumo ng sambahayan.
4. Inaasahang Pangyayari

May mga pangyayaring nalalaman na natin na magaganap sa nalalapit na


panahon. Ang mga tao ay maaari nang maghanda sa anumang
magaganap. Sa ganitong panahon, dapat na magplano nang maaga ang
mga mamimili upang hindi sila mawalan o maubusan ng produkto o
serbisyo para sa kanilang pangangailangan.

Tuwing sasapit ang Pasko, inaasahan na ng mga mamimili na ang presyo


ng karne, gulay, pasta, at mga prutas ay magmamahal. Upang
makapaghanda ng saganang pagkain, ang mamimili ay nag-iisip ng
solusyon sa pamamagitan ng pagbili ng mga alternatibong produkto o
kapalit upang mas mura itong mabili at may mabili pa na ibang gamit na
kailangan para sa masaganang selebrasyon ng Pasko.
5. Presyo Isa sa nakaaapekto sa pagkonsumo ng mga
tao ay ang pagbabago ng presyo ng bilihin.
Kadalasan, ang tao ay bumili kung ang
presyo ay mas mababa katulad kapag may
mga promo o safe. Mas tinitipid naman ang
paggastos at humihina ang pagkonsumo
kung ang presyo ng bilihan ay mas mahal
kaysa sa dati.

Kung halimbawang kailangan mo ng sabon


pampaligo at shampoo, at may nakita kang
promo na magkasama ang sabon at
shampoo na 90 pesos lamang, mas pipiliin
mo itong bilhin. Pero kung bibilhin mo ito
nang magkahiwalay, halimbawa, ang
sabong pampaligo ay 30 pesos at ang
shampoo ay 80 pesos, mas magiging mahal
ang produkto at maaaring hindi mo ito
bilhin.
6. Anunsyo

Malaki ang epekto ng pag-aanunsyo ng produkto at serbisyo


sa pagkonsumo ng tao. Ang layunin ng pag-aanunsyo ay
upang mabigyan ng pansin ang mga produkto o serbisyo na
inaalok sa mamimili. Ito ay ang pagpapalaganap ng mensahe
sa mga benepisyo na makukuha rito at kasiyahan sa paggamit
nito. Ito ay isang paraan upang hikayatin ang mga mamimili
na bilhan ang mga produkto o serbisyo para sa paglakas ng
pakonsumo ng mga ito. Maraming paraan ng pag-aanunsyo ng
mga produkto o serbisyo katulad ng Internet, radio,
telebisyon, bulletin, billboard at pahayagan.
Pamantayan sa Matalinong Pamimili

Dapat na maging matalino ang mga mamimili pagdating sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.
Para sa mamimili, mahalagang mapunan ang kanilang kasiyahan sa pamamagitan ng tamang presyo,
kalidad ng mga produkto o serbisyo, tamang timbang, at mga benipisyo mula sa produkto at serbisyo.
Ang mga sumusunod ay ang mga batayan sa matalinong pamimili.
1. Pagpili ng alternatibo
Ang epekto sa pagtaas ng bilihin ay ang panukat ng mamimili para sa pagpili ng mga alternatibong
produkto o serbisyo. Maaring tumingin ng alternatibong ang mamimili kung kulang o walang suplay sa
produkto at kung magbago ang kalidad ng produkto o serbisyo. Gayundin ang mga nangangalakal,
maaaring maghanap ng alternatibong produkto at serbisyo para sa ikadadali ng produksyon.
2. Sumusunod sa badyet
Mahalaga na malaman ng indibidwal ang kanyang disposable income upang makapaglaan sya para
sa kanyang gagastusin at para sa pag-iimpok. Ang paggastos ay dapat naaayon lamang sa kanyang
kakayahang kumita at angking yaman. Ang matalinong mamimili ay marunong mamahala ng kanyang
budget. Ang paggastos ay ayon lamang sa kanyang pangailangan at hindi lamang sa kanyang
kagustuhan. Hindi sya nagpapadala sa anumang anunsyo mula sa mga telebisyon, radyo, o pahayagan.
 3.Karampatang kaalaman
Ang isang matalinong mamimili ay may sariling kagustuhano pamantayan sa produkto o serbisyo na
kaniyang binibili. Mahalaga na may kaalaman ang mamimili sa mga produkto at serbisyo na kaniyang
binibili o ginagamit. Dapat maging isang mapanuring mamimili at hindi nagpapadaya sa kahit
anumang produkto o sinumang nagtitinda. Inihahambing niya ang isang produkto iba pang produkto
pagdating sa kalidad at presyo. Tinitingnan din niya kung tamang mga sukat at timbang sa mga
pakete nito.
Karapatan at Tungkulin ng Mamimili
Bawat mamimili ay nais magkaroon ng mataas na kasiyahan sa mga produkto at serbisyong kaniyang
binibili. Dapat may kaalaman ang mamimili sa mga pamantayan pagbili ng mga produkto at serbisyo
para sa kaniyang proteksyon.
Consumer Act o RA. 7394
Itinakda noong 1991 ang Republic Act 7394 na tinatawag na Consumer Act of the Philippines.
Nilalayon nito na protektahan ang interes at kapakanan ng mamimili. Layunin din nito ang magtatag
ng pamantayan para sa mabuting pangangasiwa at operasyon ng mga negosyo at industriya.
Ang mga sumusunod ay ang mga konseho ng gobyerno na kumikilos para maisakatuparan ang Consumer Act.
a. Department of Health o Kagawaran ng Kalusugan - Ito ay kumikilos para sa pagkain, gamot, droga, pagpapaganda, sangkap, at
aparato.
b. Department ofAgricultureo Kagawaran ng Pagsasaka-Ito ay kumikilos para sa mga produktong kaugnay sa agrikultura katulad ng
gulay, hayop,
at karne.
C. Department of Trade and Industry o Kagawaran ng Kalakalan at Industriya Ito ay kumikilos para sa mga produkto ng mga
mamimili na hindi kasama sa pinamamahalaan ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Ang ahensiya ay namamahala upang mabigyan ng proteksyon at kapangyarihan ang mga mamimili mula sa mga nagtitinda at bahay-
kalakal na mapang-abuso.
d. Department of Education o Kagawaran ng Edukasyon Ito ay kumikilos sa pakikipagtulungan at payo ng konseho upang
magtaguyod ng edukasyon para sa mga konsyumer na isasama sa kurikulum at programa ng mga pribado at pampublikong paaralan.
Ang mga sumusunod ay mga panukala upang masunod ang batas na ito.
(a) Proteksyon laban sa mapanganib o peligrosong kalusugan at kaligtasan
(b) Proteksyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawain sa
pagbebenta o operasyon ng negosyo
(c) Pagkakaroon ng karapatan ng mamimili sa impormasyon at kaalaman tungkol sa produkto at serbisyo.
(d) Pagkakataon na malaman ang mga hinaing ng mga mamimili at matugunan
ang mga ito
(e) Paglahok sa kinatawan ng mga samahan ng mamimii sa pagbalangkas at
pagbuo ng mga patakaran para sa ekonomiya at sa lipunan.
2. Karapatan ng Mamimili
Industriya ay isinasakatuparan ang walong karapatan ng mga mamimili upang
maging gabay sa anumang transaksyon sa kanilang pagbili ng mga produkto o
paggamit ng mga serbisyo.
a. Karapatan sa pangunahing pangangailangan
Ito ay ang mga karapatan na dapat mayroon ang bawat mamamayan katulad ng sapat na pagkain, kasuotan,
pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, kalinisan, at maayos na tirahan.
b. Karapatan sa kaligtasan
Ito ay karapatan na maproteksyonan ang mamimili sa mga mapanganib na produkto o serbisyong makasasama sa
kalusugan at buhay nito.
c. Karapatan sa impormasyon
Ang konsyumer ay dapat may proteksyon laban sa mga mapanlinlang madaya, at hindi makatotohanang anunsyo
o impormasyon tungkol sa anumang produkto o serbisyong pang-aabuso.
d. Karapatang pumili
Ito ay ang karapatan na makapamili sa ibat ibang produkto o serbisyosa akmang halaga nito na makapagbibigay
kasiguraduhan sa mahusay na kalidad.
c. Karapatang makapagpahaya
Karapatan ng bawat mamimil na mainayag ang kaniyang interes sa paggawa at pagpapatupad ng anumang
patakaran ng gobyerno.
f. Karapatang lunasan at maiwasto ang anumang pinsala
Ito ay isang karapatan na nagsasaad na dapat tumbasan ng kabayaran ang anumang pinsala na dulot ng
produKtOng nabili o serbisyong binayaran. Ayon dito, maaaring bayaran ng nagtitinda o gumagawa ng
mga produkto o serbisyo ang isang mamimili kung mababa ang uri ng kalidad nito, may kasinungalingan
sa anunsyo, may pagkakamali sa produkto o sukli, at kung ito ay ginawa nang may kapabayaan.
Karapatan sa edukasyon
Mahalagang magkaroon ng edukasyon ang mga konsyumer para sa matalinong pamimili. Ito ay upang
mabigyan sila ng tamang gabay at impormasyon para sa kanilang bibilhing produkto. Dapat magkaroon
ang mga mamimili ng kaalaman sa consumer rights at mga batas upang maging ligtas sila sa anumang
pinsala.
h. Karapatan para sa mapayapang kapaligiran
Ito ay tumutukoy sa karapatang mabuhay, magtrabaho, at pantay-pantay na makinabang sa malinis at
mapayapang lugar na walang panganib at pananakot para sa maganda, maginhawa, at masaganang
buhay

You might also like