Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Ang cyrus cylinder ay isa sa mga pinakamahalagang

dokumento sa kasaysayan. Dito makikita ang mga unang


dokumento na nagbibigay halaga sa karapatang pantao. Ayon sa
kasaysayan, ito ay isinulat ni Cyrus the Great, isa sa mga naging
hari ng Persia.

Ang lahat ng mga mamamayan ng Babylonia, isa sa mga


lungsod na sinakop ni Cyrus the Great ay may mga
tinatamasang karapatan:
• ay mayroong kalayaan pumili ng relihiyon
• Ang mga sundalo ay hindi pinahintulutan na gawing alipin
ang mga mamamayan ng Babylonia
• Ito rin ay nagsasaad ng mga pagpapahalaga ukol sa moralidad
ng tao
• Binigyang diin din nito ang paggalang sa diginidad na mayron
ang tao
• Nagbigay pansin din ito sa mga tungkulin natin sa kapwa
• Karapatan ng mga mamamayan ng Babylonia na magkaroon
ng sariling pagpapasya
Ito ay komprehensibong batas para sa karapatang
pantao ng kababaihan na naglalayong alisin ang
diskriminasyon sa pamamagitan ng pagkilala,
proteksyon, katuparan at pagtataguyod ng mga karapatan
ng mga kababaihang Pilipino, lalo na sa mga kabilang sa
mga marginalized sector ng lipunan. Nagbibigay ito ng
isang balangkas ng mga karapatan para sa mga
kababaihan batay sa internasyonal na batas.
Binibigyang-diin ng batas na ito ang karapatan ng mga
kababaihan sa lahat ng sektor upang lumahok sa
pagbabalangkas ng patakaran. pagpaplano, organisasyon,
pagpapatupad, pamamahala, pagsubaybay, at pagsusuri ng
lahat ng mga programa, proyekto, at serbisyo. Ito ay
sumusuporta sa mga patakaran, pananaliksik, teknolohiya, at
mga programa sa pagsasanay at iba pang mga serbisyo ng
suporta tulad ng financing, produksiyon, at marketing upang
hikayatin ang aktibong pakikilahok ng kababaihan sa
pambansang kaunlaran.
Ang Petition of Rights ay isinagawa noong 1628 ng English
Parliament sa England.

Ito ay naglalaman ng mga karapatan tulad ng:


• Hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng
"Parliament."
• Hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.
• At ang pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
Ang bill of rights ay may mga probisyong nagtatala
ng tatlong uri ng karapatang pantao: ang natural, o
mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi
ipinagkaloob ng estado; ang konstitusyonal, o mga
karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng
estado; at ang statutory o mga karapatang kaloob ng
binuong mga batas at maaaring alisin sa pamamagitan
ng bagong batas.
Mga karapatan sa ilalim ng Natural Rights:
• Karapatang mabuhay
• Karapatang maging malaya
• Karapatang magkaroon ng ari- arian
Mga karapatan sa ilalim ng Consitutional Rights:
• Karapatang Politikal
• Karapatang Sibil
• Karapatang Sosyo-ekonomik
• Karapatan ng akusado
Mga karapatan sa ilalim ng Statutory Rights:
• Karapatang makatanggap ng minimum wage
Ang mga karapatang pantao na nakasaan sa Declaration of the
Rights of Man and of the Citizen ay ang mga karapatang natural at
sinasabing palaging tama.
Ang Pagpapahayag ng mga Karapatan Pantao (Declaration
of the rights of men and citizen):
• May pundasyon ng Bill of Rights, UDHR o United States
Declaration of Independence, French Declaration of the Rights
of Man and the Citizens, First Geneva Conference, League of
Nations, Geneva Declaration of the Child, UN Charter, at ng
UNESCO.
• mahalagang pundamental na dokumento ng
Rebolusyong Pranses kung saan binibigyan diin at
kahulugan ang indibiduwal at kolektibong mga
karapatan ng lahat ng pag-aari ng lupain bilang
pangkalahatan
• impluwensiya ito ng doktrina ng likas na karapatan na
pangkalahatan ang mga karapatan pantao
• may bisa sa lahat ng oras at sa kahit saang lugar 
• itinatatag para sa mga mamamayan ng Pransiya at
maging para sa lahat ng tao na walang tinatangi
• ‘di dinidiskurso ang katayuan ng mga babae o pang-
aalipin at sa kabila nito, ito ay naging pasimulang
dokumentong pang-internasyunal na instrumento ng
karapatang pantao’
Ang Geneva Conventions of 1949 ay nahahati sa apat
na kombensyon, at nililimitahan nito ang barbaridad ng
giyera.

Ang nakapaloob sa unang Geneva convention ay


ang nga sumusunod:
• karapatan sa proteksiyon at pantay na pagtrato sa mga
hindi kasali sa pakikipaglaban (sibilyan, mga mediko,
aid workers)
• karapatan sa proteksiyon at pantay na pagtrato sa
mga hindi na maaaring makipaglaban pa (sugatan,
may sakit, sundalo mula sa nga nasirang barko,
prisoners of war)
• Layunin nitong maprotektahan at alagaan ang
mga sugatan at may sakit na sundalo sa lugar ng
labanan nang walang anumang diskriminasyon.
1. Bakit mahalaga ang mga nabanggit na dokumento sa pag-unlad ng
karapatang pantao?

Maituturing na napakahalaga ng kamalaya ukol sa


karapatang pantao dahil nagsisilbi itong pangsalba,
panangggalang, pangdepensa at proteksyon laban
sa anumang katiwalian at mga paglabag sa mga
dapat matamasa ng mga tao.
2. Ano-ano ang pagkakatulad sa nilalaman ng mga dokumento batay
sa nabuong tsart?

Maraming pagkakatulad ang nilalaman ng mga


dokumento gaya ng mga sumusunod:
1. Ang bawat buhay sa mundo ay dapat na pahalagahan
anuman ang kaniyang lahi, rehiyon, paniniwala, kasarian,
at katayuan sa buhay.
2. Ang karapatang pantao ng bawat mamamayan ay
nararapat na protektahan, pahalagahan, at tuparin.
2. Ano-ano ang pagkakatulad sa nilalaman ng mga dokumento batay
sa nabuong tsart?

3. Lahat ng tao ay may karapatang pantao. Sa mata ng


batas, walang mahirap at mayaman dahil lahat ay
pantay-pantay.
4. Higit na ipinagbabawal ang pananakit at pang-
aabuso sa kapuwa.
5. Ang bawat isa ay may kalayaang dapat igalang.
3. Ano ang iyong nabuong konklusyon tungkol sa pag-unlad ng
karapatang pantao sa ibat ibang panahon?
Napagtanto ko na sa pag-usad ng bawat segundo ng panahon ay umunlad
ang pagbibigay pansin sa karapatang pantao sa ibat ibang bansa.
Nabigyang halaga ang pagpili ng relihiyon, pagtuon sa kalusugan,
pagbabayad ng buwis sa pamahalaan, pag-babawal sa diskrimisyon, at
marami pang iba. Ang pagsimula nito sa Babylon nong 539 BCE ay
nagbigay ng ningas upang ipagpatuloy ang nasimulan hanggang sa
maitatag ang UNHRC upang mapangalagaan ang karapatang pantao sa
buong mundo.

You might also like