Professional Documents
Culture Documents
Pag-Aanyo NG Pahina
Pag-Aanyo NG Pahina
PAHINA
ANO ANG PAG-AANYO NG
PAHINA?
Ang pag-aanyo ng pahina ay ang pagsasaayos ng mga larawan at
mga iba’t ibang lathalain sa pahina upang maging kaakit-akit at
kawili-wiling tignan o tunghayan ito.
Pag-aanyo ng mga Panloob na Pahina
Ang kaakit-akit at kawili-wiling pag-aanyo ng pahina ay hindi sa
pangmukhang pahina (front page) lamang. Dapat ding sundan ang
pamaraang ito sa pag-aanyo ng lahat ng pahina, pati na ang mga
panloob.
Kahalagahan ng Pag-aanyo ng Pahina
Upang pagandahin ang pahina (To make the page attractive)
Upang bigyang antas ang bawat balita (to grade the news)
Upang magkaroon ang pahayagan ng sariling personalidad.
DISENYONG PAMPAHAYAGAN (NEWSPAPER
DESIGN)
Balangkas (Makeup) at Latag (Layout)
Ang balangkas ay ang magandang pagkakaayos ng
mga sangkap gaya ulo ng balita at ng balita,
larawan at mga ilustrasyon sa pahina ng
pahayagan.
Ang latag naman ay ang magandang pagkakaayos
ng mga elementong nabanggit sa magasin o
anunsiyo (advertisement).
DALAWANG URI
NG DISENYO
1. Disenyong Pahalang (Horizental Design)
Ang teksto ng balita, pati ang ulo nito ay umuukupa ng dalawa o mahigit pang kolum (multi-
column story and headline).
Halimbawa:
1. Ituring na ang magkaharap na pahina (facing pages) halimbawa ang Pahina 2 at Pahina
3, ay iisang pahina lamang. Iayos at ianyo ito para hindi magkahiwalay. Sundin ang mga
tuntunin sa pag-aanyo ng pangmukhang pahina (page 1).
2. Ang pahinang pambalita (news page) at ang pahinang pang-editoryal (editoryal page) ay
nagtataglay ng kaan-yu ang pormal. Ginagamit dito ang mga panglalaking tipo (masculine
type) tulad ng roman at boldface para sa teksto at hindi ang pahilis (italics); at ang mga
bodoni, caslon at cheltenham naman ay para sa ulo ng balita.
3. Ang pahinang panglathalain (feature page) at ang pahi-nang pampanitikan (literary page)
ay may kaanyuang di-pormal. Ginagamit dito ang mga pambabaing tipo (femi-nine types)
tulad ng roman at italics para sa teksto at ang 'coronet, mandate, liberty, atb. sa mga
pamagat ng mga lathalainat ng mga pitak na pampanitikan.
4. Lalaking-lalaki (very masculine) ang kaanyuan ng pahi-nang pampalakasan sapagkat
ito'y buhay na buhay. Ang mga nakalathala dito ay nagtataglay ng aksyon, bilis at kulay.
Malalaki at maiitim na tipo ang ulo ng mga balita. Karaniwang ginagamit ang streamer.
Nakakahon ang mga iskor, tabulasyon at istatistika. Mga laraWang may aksyon (action
pictures) ang tanging ginagamit.
Mga Simulaing Dapat Sundin sa
Pag-aanyo
1. Kaisahan (Unity) - Matatamo ang kaisahan sa pag-aanyo ng pahina sa
pamamagitan ng paglalapit ng mga balita at larawang magkakaugnay. Ang
nilalaman ng bawat pahina at ng magkakaharap na mga pahina ay dapat may kaug-
nayan sa isa. Iwasan ang paglamang rig isang pahina sa kaharap na pahina.
Iwasan din ang labis na paglamang sa paningin ng larawan sa tekstong kaugn ay
nito.
2. Timbang (Balance) - Ang paraang ito ay tulad ng seesaw, na kung malapit sa
gitna ay mabigat, ang malayo sa gitna ay nagiging magaan sa mata. Ang larawan
ay dapat tim-bang sa paningin. Ito ay hindi dapat mabigat sa iisang panig lamang.
Pagtimbangin ang larawan sa kapwa lara-wan; ang isang larawan sa isang
nakakahong balita o ang isang larawan sa isang balitang may ulong tatlong kolum
ang sukat na may malalaking tipo.
3. Diin o Kapamigatan (Emphasis) - Ang kahalagahan ng isang balita ang
magbabadya kung saang pahina ito ilalagay, o kung saang bahagi ito iaayos at
kung anong istilo at laki ng tipo ang gagamitin.
4. Kilos o Galaw (Movement) - Walang galaw sa timbang na kaanyuan.
Sa natatagong timbang na kaanyuan (occult balance), ang paningin ay
nagsisimula sa isang bahagi ng pahina patungo sa bahaging may higit na
kahalagahan.
5. Kabagay o Proporsyon (Proportion) - Dapat maging pro-porsyonal
ang laki ng larawan sa haba ng teksto at ang laki ng ulo sa kahalagahan
ng balita. Hanggat maaari, iwasan ang pagputol ng balita upang ituloy sa
ibang pahina (jump story) maliban kung ang pag-iiwas nito ay maka-
pipinsala sa kaakit-akit na proporsyon ng pahina.
6. Paghakaiba o Kontras (Contrast) - Nagbibigay ng kaakit-akit na anyo
ang kontras. Iwasan ang nagbubung-guang ulo (tombstoning or bumping
heads), kung saan ang dalawang ulo ng balita na may magkatulad at mag-
kasinlaking tipo ay pinagtabi sa isang hanay.-Labag din sa simulaing
kontras ang pagkuha ng larawan sa may pondong puti (white background)
kung puti rin ang kasuotan (no contrast).
MGA PATNUBAY SA PAG-
AANYO
1. Ilagay ang pinakamahalagang balita sa kanang itaas. Sa ibaba nito ay
ang sumusunod na balitang may kahalagahan.
2. Paglayuin ang mga lathalaing magkasinhaba.
3. Ibahin ang anyo ng pahina sa bawat labas ng pahayagan:
4. Iwasan ang hagdan-hagdang ayos ng mga balita.
5. Hanggang maaari, iwasan ang pagputol ng balita at ang pagpapatuloy
nito sa ibang pahina. Iwasan din ang siksik na ayos.
6. Iwasan ang paglalapit ng di-magkaugnay na larawan at lathalain.
7. Iwasan ang paglalayo ng magkaugnay na lathalain at larawan.
8. Iwasan ang paggamit ng maraming uring tipo sa iisang pahina.
8. Iwasan ang paglalagay ng karugtong (jump stony) sa itaas ng pahina o sa
pabalik na pahina (Avoid bad break).
9. Iwasan ang paglalagay ng pangalan ng pahayagan sa ilalim ng lupi (below
the fold).
10. Iwasan ang abuhing talataan (gray areas or sea of gray areas). Maiwasan
ito sa paggamit ng sabhed (subhead).
11. Iwasan ang paggamit ng baner o pangunahing ulo ng balita kung hindi ito
nararapat sa kahalagahan ng balita (Avoid screaming headline).
12. Huwag pabayaan na ang itaas na bahagi ng pahina ay sobrang mabigat
(top heavy) dahil sa paggamit ng mala-laking larawan at ulo ng balita.
Maiiwasan ito sa paggamit ng malawakang ulo (spread head) sa ibabang
bahagi ng lupi.
13. Iwasan ang paggamit ng maraniing ulo ng mga balita na may
magkakaparehong tipo, laki at uri.
14. Iwasan din ang paggamit ng maliliit na ulo sa mahaba at mahalagang
balita.
15. Mula sa pito hanggang sa siyam na istorya o balita ang
katamtamang bilang sa pangmukhang pahina ng tabloyd. Karaniwang
may limang kolum ang isang tabloyd at ang bawat kolum ay 12 ems o
dalawang dali ang lapad.
16. Iwasan din ang sumusunod:
a) Nagbubungguhang ulo (tombstoning) kung saang pinagtabi sa isang
hanay ang dalawang ulo na may magkakaparehong tipo at laki.
b) Larawan ng taong nakatinging palabas sa pahina (looking out) o patalikod
sa kaugnay na istorya.
c) Larawang tumatawid o lumalampas sa kolum (bleed-ing cut).
Pinahihintulutan ito sa pahinang lathalain (features page) at sa magasin.
d) Biyuda (widow) o salita o titik na nag-iisa sa huling linya o slag.
e) Humihiyaw na ulo (screaming headline) - malaki at bold na ulo na
ginagamit sa maikli at hindi mahalagang balita.