Ang Pagsasalaysayanyo NG Diskurso

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

ANG

PAGSASALAYSAY(ANYO NG
DISKURSO)
PAGSASALAYSAY
❖ Ito ay isang diskurso na binubuo ng mga talatang nagpapahayag ng
mga kawing-kawing na pangyayari. Ibinibilang itong
pinakamatandang uri ng pagpapahayag. Nagsimula ito sa alamat,
epiko at kuwentong bayan.

❖ Nagiging mabisa ang pagsasalaysay kung ginagamitan ng malinaw


na salita upang maipahayag nang mainam ang nilalaman ng isip at
damdamin at paggamit ng makahulugan at malikhaing pananalita.
Layunin ng pagsasalaysay na mapagalaw ang isip ng bumabasa at
nakikinig.
Ano ang maaaring isalaysay?

1. Sariling karanasan
Bawat tao ay may karanasang ikukuwento. Sa buhay natin
ay may karanasang dinanas at napaglabanan. Maaaring ang mga
ito’y karanasang di malimutan na hanggang ngayon ay
nagpapaalala sa isang kahapon, malungkot o masaya man ito.
2. Napakinggan at narining
Mula sa bibig ng isang tao o ng iba pang tao, sinusulat natin
at isinasalaysay ang kuwento ng iba. Kung minsan ang ano
mang narinig sa radio ay ating ginagawan ng kwento.
3. Nabasa
Anumang nabasa ay maaari ring isalaysay. Maaaring
bahagi lamang ng nabasa ang gawan ng kwento.

4. Likhang-isip
Lahat ng bunga ng imahinasyon ng tao ay maaaring ding
gawan ng kwento. Anumang kaniyang inisip ay hinuhulma at
binibigyan ng hugis sa pamamagitan ng pluma at bibig.
KATANGIAN NG ISANG EPEKTIBO AT MAHUSAY
NA PAGSASALAYSAY

1. Maikli, orihinal, kapa-panabik at napapanahong pamagat.

2. Mahalaga ang paksa o Diwa


- maaaring gasgas ang paksa subalit binigyan ng bagong hugis,
at istilo sa pagkukuwento upang ito`y maging makabuluhan.

3. Hindi maligoy ang pagkakasunod – sunod mga pangyayari.


- sa pagsasalaysay ay dapat mauuna ang A bago ang B
hanggang Z. iwasan ang kung saan-saan napupunta ang kuwento.
Alisin ang mga pangyayaring `di na dapat pang isama.
4. Kaakit-akit ang simula
- sa simula pa lamang ay dapat may “appeal” o “it” na ang
dating. Dapat magayuma sa simula pa lamang ang nakikinig o
mambabasa upang ipagpatuloy ang pakikinig o pagbabasa ng
kuwento.

5. Kasiya-siya ang wakas


- Ang wakas ay kailangang may malinig kakintalan sa isip.
Maaaring ito ay aral, mensahe o impresyon na maiiwan sa
kakintalan at kamalayan. Ang wakas ay dapat na iniisip at
pinananabikan kaya hahanap hanapin ang kuwento.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY

1. Maikling kuwento
- ang pinakapalasak sa lahat ng pagsasalaysay.
2. Tulang pagsasalaysay o epiko
- tulang nagsasalaysay ng mga pangyayari.
3. Dulang pandulaan
- nagpapakita ng galaw at kilos ng pangyayari sa tanghalan.
4. Nobela
- binubuo ng mga kabanata at hitik sa mga pangyayari.
5. Anekdota
- isang masayang pangyayari sa buhay ng tao.
6. Alamat
- ang kuwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
7. Talambuhay
- ang kuwento ng buhay ng isang tao.
8. Kasaysayan
-ang historikal na kuwento ng isang mahalagang
pangyayari.
9. Tala ng paglalakbay
- isang kronolohikal na pagsasalaysay ng isang
paglalakbay.
ANG MAIKLING KATHA/KUWENTO

❖ Ang maikling katha o maikling kuwento, gaya ng karaniwang


tawag dito, ay sangay ng salysay (narration) na may isang
kakintilan (single impression)

❖ Ang maikling katha ay hindi pinaikling nobela. Hindi rin ito


buod ng isang nobela o ng isang kuwento kaya.
KATANGIAN NG MAIKLING KATHA O KUWENTO

❖ Isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay.


❖ Isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin, at iba
pang ilang tauhan.
❖ Isang mahalgan tagpo.
❖ Mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulang
madaling sinusundan ng wakas.
❖ Iisang kakintilan.
MGA URI NG MAIKLING KATHA

1. Pangkatauhan
-pinakamahalagang nangingibabaw sa katha ang katauhan.
2. Makabanghay
-ang mahalaga’y ang pagkakabuo ng mga pangyayari.
3. Pangkapaligiran
-ang paligid o isang namumukod na damdamin ang namamayani.
4. Pangkatutubong kulay
-ang pamumuhay at kalakaran sa isang pook ang binibigyan ng
diin.
5. Pangkaisipan
- ang paksa, diwa o isipan ng isang katha ang pinakamahalaga.
MAHALAGANG SANGKAP NG MAIKLING KATHA O
KUWENTO:

1. Paksa
- Dapat higit nating maunawaan ang buhay matapos itong
matunghayan ang paksa sa isang kuwento.
2. Banghay
- Ito ang nagtataglay ng pagkakabuhol-buhol ng mga pangyayari
na kinakailangang lutasin ng mga tauhan.
3. Mga tauhan
- Ang mga tauhan ang nagbibigay buhay sa mga pangyayari sa
kuwento. Kailangang ang bawat tauhan ay nagpapamalas ng buong
katauhan ng tauhan na gustong ilarawan ng may-akda at kailangang
sila’y larawan ng mga tunay na tao sa tunay na buhay.
4. Tagpuan
-Ito ang lugar at panahong pinagyahiran ng kuwento. Sa
pamamagitan ng tagpuan ay nagiging makatotohanan ang
kuwento.
5. Simbolismo
-Ito’y isang salita, parirala yugto o pangyayari na
tumutukoy sa isang bagay subalit nagpapahiwatig ng isang
kaisipan.
6. Ang Dayalog o Usapan
-Sa isang kuwento, kailangan ng dayalog o usapan sa isang
kuwento upang magkakaroon ito ng buhay.
7. Tungalian
-Ito ang labanan sa kuwento. Maging ito ay tao laban sa
sarili, tao laban sa kapwa tao o kaya ay tao laban sa kalikasan.
8. Mga Imahen
Ang kwento ay gumagamit ng mga pahiwatig sa
pamamagitan ng mga imahe na lalong nagbibigay ng kahiwagaan
ng kwento. Sa pamamagitan ng imahen ay napapaigting ang interes
sa kwento. Halimbawa ng imahen ay bundok para sa kadakilaan,
kuwintas para sa alaala ng isang ina, o kaya naman ang buwan na
nagtatakda ng kapalaran.
ANG PAG-UWI
NI GENOVEVA EDROZA-MATUTE

Masigla ang pagpukpok ni Endong sa suwelas ng ginagawa niyang sapatos.


Sinusundan niya ito ng pasipot at ng pag-uga ng ulo. Tumalipon ang munting pako at iyon ay
gumulong hanggang sa may pintuan. Dumampot siya ng ilan at iniipit ang mga iyon sa kanyang
mga labi. Natigil ang kanyang pag sipol ngunit nagpatuloy ang pag-uga ng kanyang ulo sa
pagsunod sa kanyang pagpupukpok.
Isang anino buhat sa pintuan ang tumakip sa luma't ukit-ukit na katangan niya sa sapatos.
"Nasira ho ang hibilya ng sapatos ng anak ko," ang sabi ng babaing sa ayos ay humigit-
kumulang sa limampung taong gulang.
"Halikayo, tuloy kayo...'mupo muna kayo... sandal la'ng ho 'to," ang sunod sunod na sabi ni
endong matapos maibuga sa kanang palad ang maliliit na pako.
Bago niya sinimulan ang pag-aayos ng hibilya, maingat na muna niyang kinuha sa ilalim ng mesitang malapit sa kanyang katangan ang
isang nakabalot na bagay. Buong ingat niyang inalis ang balot bago inabot sa babae.
"Mano'd muna kayo ng album, aling ano, para di kayo mainip."
Inabot ng babae ang album. Wlang malasakit at lalong walang kasabikan iyon sa sunod-sunod na pagbuklat niya ng album.
"Ang....ang suot-kadete ho sa bandang una," ang sabi ni Endong , "ay kapatid ko."
Marahan lamang ang tinig ni Endong. Mababa, marahan, karaniwan. Ngunit napatinging mabuti ang babae sa nagsasalita: gayon na
lamang ang pagmamalaki sa tinig na niyon. Nagbalik ang paningin ng babae sa larawan.
Naroroon din ang mga matang may-kasingkitan ng sapatero. Ang ilong na katamtaman ang laki. Ang mga labing may-kakapalan.
Ngunit wala sa sapatero ang kinis ng balat ng nakalarawan. Ang tikas at tindig niyon. Ang kaputian ng balat.
Nagsimulang mapansin ng babae na ang karamihan ng mga larawang nasa album ay sa sinabing kadete.
"Yan ho ang litrato ng klase nila sa Baguio," ang patuloy ng sapatero. "Ang 'sa naming 'yan e nang magkaroon ng sayawan. 'to ho
nang premyuhan sila sa galing nilang magmartsa. 'to naman ho, kaibigan ng aniel....."
"Aniel?"
"to hong kapatid ko...."
Mula sa madilim na kusina, isang matandang lalakì ang sumungaw.
"Asus, at 'pinakikita mo na naman ba ang mga litratong 'yan ng kaputol mo, ha?" Ang pagtatanong ng matanda'y may kahalong
pagtatawa.
"Ho?...A....e...para la'ng 'ka ko huwag siyang mainip, Tatang. Ka-kunat ng 'bilyang 'are e...."
Maya- maya pa'y nagkadalawa na ang nagbabalita sa babae tungkol sa nasa larawan.
"Nako, oho nga misis," at nangniningning ang mga mata ng sapatero. "Ke ka-talas ho ng ulo ng isang to." Marahan at kimi ang
tawang sumusunod " di gaya ko, apat na grado lang e, natigil na."
Matamang pinagmasdan ng babae ang mag ama, pagkataposay ang nasa larawan,. Kitang-kita niyang ang buong daigdig ng mag
ama'y nakapaligid sa nakalarawan: ito ang buong kahulugan ng buhay sa kanila.
Nagtagal ang pagaayos ng hibilya ng sapatos....
" kung me awa'ng D'yos sa taong 'to, tapos na ang Aniel," anang matanda.
"Aba, 'alang duda 'yon, tatang," anang sapatero. "Di pa nalalagpak ang Aniel, minsan man."
Isang ngiting tigib ng pagmamalaki ang gumuhit sa labi ng matanda , samantalang ibinabalik sa babae ang nanlalabo nang paningin.
"Ang problema la'ng , Endong, baka manibago rin sa probinsya ang kaputol mo... ke ka-init dito e..."
"Ka-tagal na ho kasi sa Baguio ng kaputol ko, Misis e," ang baling na paliwanag ng sapatero sa babae. "Buhat nang mag-aral don e,
ilang beses lang nauuwi ri....ilan nga lang Tatang?"
"Dadalawa ata.....ka-tagal nang di nauuwi ng Aniel."
Nagpaypay ng sunod sunod ang babae.
"Asus, ang ibilya," ang napabiglang sabi ng matanda "haplitin mo, anak, ang paggawa, kaiya-hiya sa kanila."
Nagtawanan ang tatlo.
"A, hindi ho bale," ang sabi ng babae. "Nawili rin ho ako sa inyong mga kwento e. Saka.....diyan lanv ho naman ako sa tapat niyo
e...."
Nagulat ang mag ama sa sinabi ng babae.
"Nagbabakasyon ho kaming mag anak sa mga biyenan ko riyan," ang paliwanag ng babae.
"Asus at ikaw baga ang napangasawa ng sente, ha?" Ang tanong ng matandang sinagot ng tango ng babae.
"Kayo ho pala'ng manugang ng mga Selo at Da inta." Anang sapatero. "Medyo kamag anak pa ho naming ng Tatang ang mga biyenan
nyo a."
"Nasabi nga sa akin ng mga biyenan ko."
Kinabukasan din samantalang nakadungaw ang babae sa bahay nina Ba Selo, tumigil sa tapat niya ang mga nagmamadaling hakbang ng sapatero.
"Naku, alam nyo ba, Misis, ang kaputol ko ho, yong nakita nyo sa album kahapon...uuwi rito sa linggo." Halos hindi magkandatututo sa
pagbabalita ang sapatero.
"Siyanga ba? Aba, bakit?tapos na ba ng pag-aaral?"
" di pa ho, sa abril pa....pero uuwi raw sa linggo....sabi sa sulat samin ng Tatang ko.....kangina lang dumating...uuwi dahil malapit nang pista
rito..."
"A, ang ibig mo bang sabihin,hihintayin na tuloy ang pista rito?"
" di ho, Misis, babalik ho uli sa Baguio, bago magpista rine. Ang lagay e...me balak ho atang magdala rine ng mga kaibigang kadete......sa
pistang bayan."
Ang isa pang pares na sapatos na dinala ng babae kay endong ay hindi na nito nagawa.
"Apurahan ho 'ata, Misis, di ko ho magagawa...."
"Dang kasi ho, inaayos ng isang 'are ang kwartong tutuluyan ng kaputol nya....saka hinahaplit matapos ang katre, saka isang mesitang
mapagkakanan ng Aniel...."
"Hindi naman apurahan ito, Endong, kahit kailan mo gawin. Tutulungan ko tuloy kayo sa pagaayos kung ibig nyo," anang babae,"ayaw rin
lamang akong pagawain diyan sa mga biyenan ko.....bakasyon ko raw naman."
"Kahiya-hiya naman ata....."
"Asus, nagbabakasyon e, sasabak ng trabaho rine..."
"Para naman kayong hindi kamag anak ng mga biyenan ko.... basta't tutulungan ko kayo....dadala-
dalawa kayong lalaki rito."
Nakita nita ang pagaamunat ng mga bisig ni Endong sa paglalagari nito sa kahoy, sa pagkakatam, sa
pagsusugpong at pagpapako, ang pagaaninag ng matandang lalaki sa kahabaan, sa kalaparan, sa
kakapalan ng katre, ng mesita. Pinagtulung-tulungan nilang tatlo ang pag aayos ng mga nayari sa silid
na tutuluyan ng darating ba kadete.
Mula sa pintuan ng munting silid ay pinalibot ng babae ang mga paningin sa munting durungawan,
sa bago ngunit maligasgas pang higaan, sa mesitang may-tagpi ng lumang kahoy sa panabi.
"May kurtina kayang maaari kong mahiram sa aking mga biyenan? At kubrekama, saka kahit lumang tapete ng mesita?" Ang
naitanong ng babae sa sarili, mula sa pintuan ng munting silid. "Ngunit baka naman kaya wala ay mapahiya pa.... o baka magdamdam tuloy
sa akin ang aking biyenang babae."
Sabado ng gabi nang maalaala ng mag amang manghiram ng kubyertus sa tapat.
" isang kutsara, isang tinidor at isang kutsilyo lang ho, Misis.....baka di mabusog ang aking anak kung magkakamay," at marahang
tumawa ang matandang lalaki.
"Walang duda, Tatang....... de-kubyertos sila sa 'kademya e."
Maagang -maagang nagsimba kinalingguhan ang mag-ama. Ni hindi nila tinapos ang misa. Hindi pa nagbibindisyon si Pari Maneng
ay nagmamadali nang lumabas ang dalawa. Naunahan pa ng matandang lalaki ang anak na sapatero sa paghangos patungo sa tren.
" Ang Tatang naman," ani Endong, "alas syete pang dating ng byahe ah!"
" lagay ba, ala pang alas syete nyan, Rosendo? Ba, kangina pang putok ang araw a!"
" ala pa hong tunay, Tatang. Di ba nyo nakita ang liros sa simbahan? Alas sais pa lang!"
"Hu, ano bang lirus liros tong putok nang araw?"
Isang oras ng naghintay ang mag ama sa lumang himpilan bago nila narinig mula sa ibayo ang matinis na sipol ng tren.
Kasabay ng sipol ng tren ang nag-uunahang mga hakbang ng babae, patungo sa tirahan ng mag-ama. Inayos niya ang panibagong kumot na inilatag ng matanda sa kababagong yaring
katre. Itinuwid niya ang kaputol ng isang lumang mantel sa mesita. Nakita niya ang malamig nang tsukulatre sa kalanan, ang kaning lamig ba nakahanda na sa pagsasangag sa lumang
kawali at ang isdang nakatuhog, namimintog sa kabataan.
Iniinit ng babae ang tsukulate nang marinig niya ang matanda sa may pintuan
" magpalit ka agad ng damit, anak, nang mapreskuhan ka...."
" tong sanelas, Aniel," ani Endong. "Nang makahinga ang paa mo..."
"Sa'n bang anahaw? Mapepayan 'tong kaputol mo...."
" ako na, Tatang, ang magpepepay sa Aniel...."
"Naku, Misis, nariyan pala kayo sa kusina....ke-laki na ng pagod nyo."
"Pagod na ho ba ito? Saka, ayaw ba ninyong makita ko naman ang inyong kadete?" Ang tanong ng babae habang isinasangag niya ang kaning lamig.
"Senga pala," ang biglang sabi ni Endong sa bagong dating.
"Aniel, si Misis, ang manugang nina Ba Selo r'yan sa tapat."
"Ke ka-laki na'ng tulong nya sa amin ng Endong."
"How do you do?"
Ang tinig ng bagong dating ay mababa at malamig, hindi magkandatuto ang mag-ama at ang babae sa pagahahain ng agahan sa mesita.
"Sa'n ba 'areng kutsilyo, kanan ba o kaliwa?" Ang marahang tawa ng matanda.
"Ngayon pa nauga ang mesitang 'are....sa'n bang kalso?" Tumawa ring nang mahina si endong.
"Ang asukal?ang gatas? Isang kutsarita para sa asukal, Endong," anang babae.
Ang mga tawa nilay mararahan at mabababa, nang-aalinlangan.
Ang bagong dating ay nagbasa ng mga kamay mula sa isang tabo, at nagsabon. Pinihit ang lumang gripo ngunit walang pumtam na tubig bubat doon. Si Endong ay nakalapit
agad, dali-daling tumabo mula sa malaking tapayan sa sulok at unti-unting ibinuhos ang tubig sa mabulang kamay na bagong dating.
" ala na namang tubig ang gripong 'are..... malinis naman 'areng nasa tapayan, Aniel." Tumawa nang marahan si Endong.
Ang bagong dating ay lumapit sa pamahinan ng kamay ba nakasabit sa tapat ng tapayan, saglit ba napahigat... bago tuluyang naupo sa harap ng mesita at nagpagpag ng kamay.
"Bagong labas ang pamahirang 'yan, Anie," anang matanda. " Me pekas nga lang... mayron tayong 'alang peksa, teka ngat mahanap...."
"Pabayaan na nyo, Tatang." Ang sabi ng bagong dating "Tuyo ba ang mga kamay ko." At nagsimula nang mag agahan.
"Ubusin mo anaj," anang matanda. "O, konti pang siningang, hala na.... magpakabusog ka...'ala kang nakain a."
"Sa'yong lahat yan....'alang kakainng tira mo.....kain pa,Aniel," ani Endong.
Marahang umiling ang bagong dating at marahan ding tumayo.
"Busog ba ako, kayo , Misis, kumain na ba kayo? Kayo nga pala, Tatang, Endong?"
"Asus, bago pa kami pasa-sambahan ng kaputol mo...."
"Kumain na ako sa aking mga biyenan."
Muling nagsabon ng mga kamay ang bagong datingnakalimot, biglang pinihit na muli ang lumang gripo, mabilis na nakalapit na muli si Endong at tinabuan ng tubig ang
mgakamay ng kapatid. hindi na nagtuloy ang bagong dating sa kinusasabitan ng pamahiran. pinatuyo ang mga kamay sa hangin bago lumapit sa silyang nasa tabi ng meseta. Ang
siyay pinaspasan ng kanyang dalang pahayagan, saka naupo, nagsindi ng sigarilyu, hinitit ito at ibinuga ang usok, bago nagsalita..l
"Kamusta naman kayo rito ni Endong, Tatang?"
Sa pakikinig ng babae, ang tinig ng bagong dating ay ibang-iba sa mga tinig ng matanda at ng sapatero. Ang naririnig niya ngayoy isang tinig
na malamig, walang, sigla, walang pananabik.
"Ang Endong? Mabuti buti'ng kita ng kaputol mo... ang lagay nga lang. Me araw na mayron, me araw na 'ala...."
"Alam mo nang marahan ang matanda. 'Ala naman... eto...bihira na kong makatulong sa kaputol mo... malabo ngang mata e..."
Walang kasabikan ang pakikinig ng bagong dating sa mga sinabi ng dalawa.
Sinundan ng babae ang paningin ng bagong dating buhat sa mga paang walang pinta ng mesita hanggang sa maligasgas na panabi ng bagong
kayayaring katre, buhat doon hanggang sa paligid-ligis ng.maliit at sumusikil na silid.
"Senga pala," ang biglang sabi ni Endong, "malapit nang pistang-bayan dine, Aniel. Kinumbida mo na bang mga kaibigan mong
taga-'kademya?"
Biglang nalatingin ang bagong dating sa nagsalita maya-mayay binawi ang kanyang laningin. Hindi sumagot.
"Henga! Henga!" Tumataginģting ang kasabihan sa tinig ng matanda. "Dalhin mong lahat dineng mga kaibigan mong taga baguio. makita
naman nilang kasakul ng mhala na Santo ninyo sa eagat... Henga pla, Endong, 'sama m. silang lahat sa bagong sibol na dinarayo ngayon sa
ibayo....anong tawag don...nayu aspateng bayon, Emdong ha?"
"New spring ho, Tatang , senga, aniel, dadalhin natin ang mga kaibigan mong taga-'kadenya tayo ng lugar na yon."
Napatigil ang pagilipat lipat ng mga paningin ng bagong dating sa paang walang pinta ng mesita at sa maligasgas na panabi ng bagong kayayaring
katre. ang laningin niya ngayo'y sinundan ng babae sa munting dalin ng kanyang paa na sumusungaw sa himu-himulimot na pigtas ng lumang sinelas.
'Aapurahin kong 'sa pang katre't isang malaking lapag bago dumating ang pista," ang latuloy ni Emdong, " para sa mga..."
Gumalaw ang mga labi ng bagong dating, laputol-puyol ang mga salitang nanggaling doon.
"E.....Tatang....Endong.... huwag na muna....kaya...."
"Huwag?....bakit...huwag?"
Nilapi-lapirot ng bagong dating ang sigarilyo sa kanyang kamay.
"E....sabi ko...sabi ko....huwag na muna kayong....maghanda ng...ng kahit ano...dahil...dahil hindi ata sila makakasama e..."
" di makakasama?"
"Pero bakit?"
Nagsikip sa silid ang pagkabigo sa tinig ng mag ama.
Patuloy ang paglapi-lapirotng bahong datingsa sigarilyo.
"May....may affair kasi kami sa akademya e...pati siguro ako e....hindi makakauwi sa....pista..."
Panabay na napatayo ang matanda at ang sapatero, ang unay lumaoit agad sa nagsalita.
Nakalito sa babae Ng panabayang paghimok ng dalawa sa bagong dating, ang maminsan-minsang
pagsagot ng huli.
"Pilitin mo sana, anak... ke ka-saya ng pista ng mahal na Santo ninyo rine a, nakalimutan mona
ba?...saka, sabik na sabik kami sayo...."
"Bat sabi mo sa sulat.....mamimista kayo rito.....ikaw ata mga kaibigan mong taga-akademya?"
"Pipilitin ko, pero...."
Nagsimulang magpatung-patomg ng kinanan sa mesita ang babae.
"Kasi...may affair kami sa akademya e."
Inilabas ng babae ang pinagkainan.
"Baka sa isang taon na, Tatang, Endong....ako at ang aking mga kaibigan..."
Pinihit ng babae ang lumang gripo, sabay ang pagsaalang alang walang pumapatak buhat
doon. Tumabo sya sa malaking tapayan at ibinuhos nang unti unti sa pinagkainan. Sa pingan
at baso at mga kubyertos ay pilit na sumasama ang mga larawan ng paang walang pinta ng
mesita, ng masigasgas na panabi ng bàgong kayayaring katre. At ang isang munting distre ng
paa na sumusungaw sa himu himulmol na pigtas ng lumang sinelas.
At ang tinig buhat sa maliit at sumasakil na silid na pinagtulungan nilang ayusin noong
nakaraang araw.
"Kasi.....may affair kami sa akademya e....Baka sa isang taon na. Tatang, Endong....ako at
ang aking nfa kaibigan...."

You might also like