Konsepto at Prinsipyo NG Pagkamamamayan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

Araling

Panlipunan
4
Konsepto at Prinsipyo
ng Pagkamamamayan

Ikaapat na Markahan - Modyul 1

TITO M. TABALDO JR.


TEACHER I
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong
kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain
ang mga araling tinatalakay sa Araling Panlipunan
Baitang 4.
Tatalakayin sa modyul na ang konsepto at prinsipyo ng
pagkamamamayan.
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, inaasahang:
▰ natutukoy ang batayan ng pagkamamamayang Filipino;
at

Subukin Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Sino ang maaaring maging naturalisadong mamamayan?
A. Dayuhan C. likas na Filipino
B. ipinanganak sa Pilipinas D. may magulang na Filipino
2. Ano ang tawag sa taong kabilang sa isang samahan o bansa?
A. Anak C. mamamayan
B. mag-asawa D. pamahalaan
3. Ano ang tawag sa kalagayan ng isang tao at pagiging kasapi nito sa isang
bansa o samahang pampubliko?
A. Batayan C. pagkamamamayan
B. Naturalisasyon D. prinsipyo
4. Kailan matatawag na likas na mamamayang Filipino?
A. ipinanganak sa Amerika
B. Filipino ang mga magulang
C. dayuhan ang mga magulang
D. Amerikano ang ama at Hapon ang ina 3
5. Ano ang kataas-taasang batas at batayan ng lahat ng batas sa Pilipinas?
A. Batas KomonweltC. Batas Moral
B. Batas Militar D. Saligang Batas
6. Anong artikulo ng Saligang Batas ang sumasaklaw sa pagkamamamayang Filipino?
A. Artikulo II, Seksyon 1 ng Saligang Batas
B. Artikulo III, Seksyon 1 ng Saligang Batas
C. Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang Batas
D. Artikulo IV, Seksyon 2 ng Saligang Batas
7. Sinong pangulo ng bansa ang lumagda sa Republic Act 9225 sa pagkakaroon ng dual
citizenship ng dating mamamayang Filipino?
A. Corazon C. Aquino C. Gloria Macapagal Arroyo
B. Ferdinand E. Marcos D. Manuel L. Quezon
8. Ano ang batayan ng pagkamamamayan ng Jus sanguinis?
A. lugar ng kapanganakan
B. petsa ng kapanganakan
C. pagkamamamayang pinili
D. pagkamamamayan ng magulang
9. Anong prinsipyo ang sinusunod ng pagkamamamayan ayon sa lugar ng kapanganakan?
A. Jus sanguinis C. likas
B. Jus soli D. naturalisado
10. Sino ang maaaring mawalan ng pagkamamamayang Filipino?
A. isinilang sa Luzon
B. kinilala ang pagkamamamayan
C. nagsilbi sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas
D. nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
Balikan
Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama kung ang
mga pahayag ay tumutukoy sa mga gampanin ng pamahalaan sa bansa at
Mali naman kung hindi. Isulat ito sa sagutang papel.

_______1.
Tama Maraming programa at serbisyo ang pamahalaan para sa bansa na
nakabubuti para sa pag-unlad ng pamumuhay.
_______2.
Mali Tungkulin ng bawat pamahalaan na makipagsabwatan sa mga illegal na
negosyo sa bansa.
_______3.
Tama Ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapangalagaan ang karapatan ng
mga mamamayan.
Tama
_______4. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng mga batas para kaunlaran ng bansa.
_______5. Hindi tinutugunan ng pamahalaan ang mga pangunahing pangangailangan ng
Mali
mga mamamayan.
Tama
_______6. Tinitiyak ng pamahalaan ang kapakanan ng mga mama- mayan maging yaong mga

nasa ibang bansa.

Tama
_______7. Pinauunlad ng pamahalaan ang kabuhayan ng mga Filipino.

Mali
_______8. Hindi pinangangalagaan ng pamahalaan ang likas na yaman ng bansa.

Tama
_______9. Tungkulin ng pamahalaan na itaguyod ang karapatan ng bawat mamamayan.

Tama
______10. Ang pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa ay binibigyang prayoridad ng pamahalaan.
Tuklasin Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong
pagkatapos nito.
Ang Magkaibigan
Si Paul at Charlotte ay parehong siyam na taong gulang at mag-aaral
sa Baitang 4 ng St. Augustine’s Academy sa Palawan. Sila ay matalik na
magkaibigan. Ang ina ni Paul ay Filipino at ang kanyang ama ay Amerikano.
Ang ama at ina naman ni Charlotte ay parehong Amerikano.
Isang bakasyunista ang ama ni Paul ng makilala ito ng kanyang ina.
Nagkaibigan ang kanyang mga magulang. Matapos ang isang taon ay
nagpakasal na sila. Naging maunlad ang kanilang pamumuhay at nagkaroon
ng maraming resort sa Palawan.
Isang araw, inimbitahan ng ama ni Paul ang pamilya ni Charlotte na
magbakasyon sa Pilipinas. Nagpasya ang pamilya ni Charlotte na
manirahan sa Palawan dahil sa nakakahalinang ganda ng tanawin nito. Apat
na taon nang nakatira sa Palawan ang kanilang pamilya at maayos na
namumuhay dito.
Mga tanong:

1. Sino ang magkaibigan sa kuwento?

2. Sino ang ipinanganak sa Pilipinas?

3. Saan isinilang si Charlotte?

4. Ilang taon nang nakatira sa Pilipinas ang pamilya ni Charlotte?

5. Maituturing bang mamamayang Filipino ang pamilya ni Paul? ni Charlotte?

Ipaliwanag ang iyong sagot.


Suriin
Konsepto at Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Iba - iba ang uri ng mga taong naninirahan sa isang bansa. Hindi lahat
ng naninirahan dito ay matatawag na isang mamamayan dahil may
mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito. Isinasaad
sa Saligang Batas kung sino lamang ang maituturing na mamamayan
ng bansa.
10
Ang Mamamayang Filipino
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo IV, Seksyon 1, ang mga mamamayan ng Pilipinas
ay ang mga sumusunod:
1. mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na pinagtibay ang Saligang Batas noong
Pebrero 2, 1987
2. ang ama at ina ay mga mamamayang Filipino
3. mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973, na ang ina ay Filipino at
pinili ang pagkamamamayang Filipino pagsapit ng 21 taong gulang
4. mga dayuhan na naging mamamayan ayon sa batas o naturalisasyon

Si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay lumagda sa Republic Act 9225 noong


Setyembre 17, 2003. Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan
(dual citizenship) na kung saan ang dating mamamayang Filipino na naging mamamayan
ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging
mamamayang Filipino. 11
Uri ng Pagkamamamayang Filipino
Mula sa nabanggit na artikulo ng Saligang Batas, mayroong dalawang uri ng
pagkamamamayang Filipino. Ito ay ang likas o katutubo at di-likas o naturalisadong
mamamayan.
1. Likas o katutubong mamamayan ang anak ng mag-asawang Filipino. Isa siyang
mamamayang Filipino dahil sa pagkakasilang. May dalawang batayan sa pagkakamit ng
pagkamamamayang ito.
- Ang Jus sanguinis ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang. Hindi
binibigyang halaga ang bansa na kaniyang sinilangan. Ito ay simulaing sinusunod sa
Pilipinas.
- Ang Jus soli naman ay naaayon sa lugar na kaniyang kapanganakan anuman ang
pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang. Ito naman ay simulain ng
pagkamamamayang sinusunod ng Estados Unidos.
2. Di-likas o naturalisadong mamamayan ang isang dayuhang ilang taon ng
naninirahan sa Pilipinas na nagkaroon ng pagmamahal sa bansa at nagnanais na maging
isang mamamayang Filipino ay sasailalim sa isang proseso sa korte at hukuman. 12
Mga Katangian ng Isang Dayuhan na nais maging Naturalisadong Mamamayan
Sa mga dayuhang nagnanais na maging naturalisadong Filipino, narito ang mga katangiang
dapat niyang taglayin:
1. may edad na 21 taong gulang
2. sampung taon na nakatira sa Pilipinas nang tuloy-tuloy. Ito ay maaaring maging limang
taon lamang kung:
• ipinanganak sa Pilipinas
• nakapag-asawa ng isang Filipino
• nakapagturo ng dalawang taon sa pampubliko o pribadong paaralan
• mayroong bagong industriya o nakagawa ng bagong imbensyon sa Pilipinas
3. may mahusay at malinis na pagkatao
4. naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas
5. nagmamay-ari ng lupain at may matatag na trabaho
6. nakapagsasalita at nakasusulat ng wikang Filipino
7. nagnanais na matutunan at tanggapin ang kulturang Filipino
8. nagpapaaral ng anak sa paaralang itinuturo ang kasaysayan at kultura ng Pilipinas 13
Mga paraan sa Pagkawala ng Pagkamamamayang Filipino

Sadyang nawawala sa mga Filipino ang pagkamamamayan sa mga sumusunod na paraan:


1. naturalisasyon sa ibang bansa
2. kusang pagtalikod o pagtakwil sa pagkamamamayan
3. paglagda sa isang panunumpa ng katapatan upang itaguyod ang Saligang Batas ng
ibang bansa sa pagsapit ng gulang na 21 taon
4. paglilingkod sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa
5. nagpawalang bisa ng naturalisadong pagkamamamayang Filipino
6. pagtakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa at pagkampi sa kaaway sa panahon
ng digmaan

14
Mga paraan sa Muling Pagkakamit ng Pagkamamamayang Filipino
Maaaring mawala at matamong muli ang pagkamamamayang Filipino sa paraang itinadhana ng batas. Muling
makakamit ang nawalang pagkamamamayang Filipino sa pamamagitan ng sumusunod na mga paraan:
1. muling naturalisasyon
2. aksyon ng kongreso
3. pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa sa katapatan sa Republika ng Pilipinas
4. pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang Lakas
Mga Dahilan kung Bakit Hindi Maaaring maging Mamamayang Filipino ang mga Dayuhan
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaaring maging naturalisadong mamamayan ang mga dayuhan. Narito ang
mga dahilan kung bakit hindi sila pinapayagan ng batas:
1. gumamit ng dahas upang magtagumpay ang kanilang kagustuhan
2. sumasalungat o nagrerebelde sa nakatatag na pamahalaan
3. nahatulan sa kasalanang may kaugnayan sa moralidad gaya ng pagsusugal at prostitusyon
4. hindi naniniwala sa kaugalian, tradisyon at simulain ng mga Filipino
5. pagiging mamamayan ng isang bansang hindi nagkaloob ng karapatang maging naturalisadong
mamamayan ng Pilipinas.
15
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Suriin ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang mga
pangungusap ay nagsasaad ng pagkamamamayang Filipino at ekis (X) kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______ 1. Ang isang sundalong tumakas kasama ang kaniyang pamilya ay isa pa ring
mamamayang Filipino kahit na kumampi ito sa mga kalaban.
________ 2. Ang isang babaeng mamamayan ng Pilipinas na nagpakasal sa dayuhan ay
mananatiling mamamayang Filipino.
________ 3. Kailanman ay hindi maaaring maging Filipino ang dayuhang sumasalungat sa
kagustuhan ng pamahalaan.
________ 4. Maaaring maging mamamayang Filipino ang dating Filipino na piniling maging
naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.
________ 5. Dapat may sariling pinagkakakitaan ang dayuhang nais maging mamamayang
Filipino. 16
Gawain B
Panuto: Pumili ng tamang sagot sa loob ng panaklong upang mabuo ang
kaisipan ng talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kailangang (20 taong gulang, 21 taong gulang) ang dayuhang nais maging
naturalisadong Filipino.
2. Ang isang dayuhang nagnanais maging isang naturalisadong Filipino ay
kailangang nakapagsasalita at nakasusulat ng wikang (Ingles, Filipino).
3. Ang (pagkamakabayan, pagkamamamayan) ay ang pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas.
4. Ang (likas o katutubong mamamayan, naturalisadong mamamayan) ay anak
ng isang Filipino.
5. Kapag nabigyan na ng pagkamamayang Filipino ang isang (dayuhan,
katutubo) kailangan niyang sumunod sa mga batas ng bansa.
17
Gawain C sampungtaon na
sa Pilipinas
Panuto: Gumuhit ng
bulaklak at ilagay sa
may edad na 21
bawat talulot ang mga taong gulang Ano-ano ang
Naniniwala sa
Saligang Batas
sagot sa katanungan. mga katangian ng Pilipinas
Gawin ito sa sagutang ng mga dayuhang
papel. nagnanais maging
naturalisadong
Filipino?
may matatag na
nakapagsasalita hanap-buhay at
at nakasusulat ari-arian sa
ng wikang Pilipinas
Filipino

18
Panuto: Pumili ng salita sa loob ng kahon upang mabuo ang bawat
Isaisip pahayag. Gawin ito sa sagutang papel.

dual citizenship likas o katutubo


Jus sanguinis naturalisasyon
Jus soli
naturalisasyon
naturalisasyon
1. Ang __________________ ay isang legal na paraan kung saan ang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte at hukuman.
Likas o katutubo mamamayang Filipino ang anak ng mag- asawang Filipino.
2. Isang __________________
Jus soli
3. __________________ ay pagkamamamayang batay sa lugar ng kapanganakan.
Jus sanguinis ay pagkamamamayan ayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga
4. _________________
magulang.
5. Ang dating mamamayang Filipino na naging mamamayan ng ibang bansa ay magkakaroon
ng dalawang pagkamamamayan o _____________________.
Dual citizenship

19
Panuto: Ipaliwanag ang dahilan kung bakit naging
Isagawa mamamayang Filipino ang mga taong binabanggit sa bawat
sitwasyon. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang ama ni Pinky ay Cebuano at ang kanyang ina ay Ilokano.


________________________________________________________
ang ama at ina ay mamamayang Filipino
2. Si William ay isang Amerikano. Siya ay nagkaroon ng mga lupain at nagpatayo ng mga
pabrika sa Pilipinas. ____________________________________________________________
may matatag na hanap-buhay at ari-arian sa Pilipinas
3. Si Paul ay isang Canadian at sampung taon na siyang naninirahan sa Pilipinas.
______________________________________________________
naninirahan sa Pilipinas ng sampung taon
4. Si Asahi ay naging naturalisadong mamamayan ng Japan ngunit nais niyang maging
Filipino dahil ang kaniyang ina ay Filipino.
_______________________________________________________________________
muling naturalisasyon
5. Si Isabella ay isang Italyano. Walong taon na siyang nakatira sa Pilipinas at sanay na
siyang magsalita at magsulat ng wikang Filipino.
___________________________________________________________
nakapagsasalita at nakasusulat ng wikang Filipino 20
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang
Tayahin letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas?
A. pagkamakabansa C. pagkamakakalikasan
B. pagkamakabayan D. pagkamamamayan
2. Anong artikulo sa Saligang Batas ng 1987 nakatala ang prinsipyo at konsepto ng pagkamamamayang
Filipino?
A. Artikulo II, Seksyon 1 C. Artikulo IV, Seksyon 1
B. Artikulo III, Seksyon 1 D. Artikulo IV, Seksyon 1
3. Ano ang tawag sa proseso na ang dating dayuhan ay maaaring maging mamamayang Filipino?
A. Commonwealth C. naturalisasyon
B. likas o katutubo D. Pilipinas
4. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan at ng muling pagkakamit ng
pagkamamamayan ng dating Filipino na naging mamamayan ng ibang bansa?
A. dual citizenship C. OFW
B. expatriation D. single citizenship
21
5. Ano ang pinakamataas na batas ng bansa?
A. Kongreso C. Republika ng Pilipinas
B. Senado D. Saligang Batas
6. Ano ang prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang?
A. Arabic C. Ingles
B. Filipino D. Mandarin
7. Ano ang prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang?
A. Jus sanguinis C. likas na mamamayan
B. Jus soli D. naturalisadong mamamayan
8. Ano ang prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan, anuman ang
pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang?
A. Jus sanguinis C. likas na mamamayan
B. Jus soli D. naturalisadong mamamayan
22
9. Paano muling mawawala ang pagkamamayang Filipino ng isang dayuhan?
A. muling naturalisasyon
B. pagsumpa sa katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
C. pagbabalik sa PIlipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa
Republika ng Pilipinas
D. pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro
ng Sandatahang Lakas
10. Sino ang mga dayuhang maaaring bigyan ng naturalisadong
pagkamamamayan?
A. may mabuting pagkatao
B. sumasalungat o nagrerebelde sa nakatatag na pamahalaan
C. hindi naniniwala sa kaugalian, tradisyon at simulain ng mga Filipino
D. nahatulan sa kasalanang may kaugnayan sa moralidad gaya ng
pagsusugal at prostitusyon
23
Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapatunay na ikaw ay tunay na mamamayang
Filipino. Gawin ito sa short bond paper.
MUNGKAHING RUBRIKS PARA SA GAWAIN
KRAYTIRYA ISKALA ISKOR SA GAWAIN
Nagpakita ng malawak 10
na kaalaman at
impormasyon
Malinis at malikhain 5
ang pagkakasulat
Naipasa sa takdang 5
oras
KABUUAN 20
24

You might also like